Kabanata 33

210K 4.9K 6.3K
                                    

Kabanata 33

Honesty

"D-Diablos? Diablos!" sigaw ko sa kaniyang pangalan habang papalapit ako sa nagliliyab na lumang cabin.

Nakasunod sa akin si Cecelion habang mapaghanap na inilibot ko ang tingin sa paligid.

Hindi na mahitsura ang log cabin dahil natutupok na ito ng nagbabagang apoy. Nawawalan na ako ng pag-asa habang papalapit pero tila nabunutan ako ng tinik sa aking puso nang nahagilap ng aking paningin ang pamilyar na pigura. Nakabulagta ito sa lupa ilang metro lang ang layo mula sa nasusunog na log cabin.

Mukhang nakalabas s'ya bago sumabog ang bomba. Ngunit hindi nga lang s'ya nakakalayo. Maybe because of the impact of the explosion and he did not reach enough distance away from the log cabin, his body flew and thrown here. Kaya nawalan din s'ya ng malay.

Umupo ako sa kaniyang gilid at pinakiramdaman ang kaniyang pulso. I sighed in great relief when I felt the faint pulse from his wrist and neck.

He have bruises on his arms and mild wounds on his back and legs. Some scrapes from his chiselled face too. Dahil ito sa pagkakatilapon ng kaniyang katawan mula sa pagsabog, at baka dahil din sa pagpilit n'yang makawala sa pagkakatali.

Paano s'ya nakalabas? Ang daming itinali sa kaniya. Sobrang higpit pa no'n. Mula kamay hanggang paa.

"I-I'm so sorry. Open your eyes, please. . ." humikbi ako at pinagsalikop ang aming mga kamay.

Cecelion was inspecting Diablos on the other side.

"Pawisan s'ya. Madulas ang balat n'ya kaya siguro nakawala s'ya sa pagkakatali n'yo sa kaniya at marunong rin naman s'yang kumalas ng tali. Pinahirapan mo ba s'ya? Torture? Bakit pawis na pawis? Malamig naman ang panahon?"

"Bilisan mo na, Cecelion! Tumawag ka na ng tulong! Kay Darkkon, sa kanilang ama o kay Drugo—" I paused when I remembered my sister going after Drugo. "Si Anais? Pigilan n'yo s'ya!"

Hindi ko masagot ang mga katanungan ni ni Cecelion dahil maliban sa pribadong usapan iyon ay kailangan na talaga naming maisalba si Diablos mula rito.

From crouching beside Diablos, he got up and tapped something on his phone.

"Hiroshi is on his way there," tugon n'ya sa sinabi ko tungkol kay Drugo.

I sobbed when I gently placed Diablos' head on my lap, and raised my gaze at Cecelion. "S-Saan ka ba galing? Bigla ka na lang nawala at hindi nagparamdam!"

Bumuntong hininga s'ya habang idinikit ang cellphone sa kaniyang tainga. It was ringing and he's waiting for it to be picked up by the one he's calling.

"Marami akong inaasikaso sa Israel. Tinatakpan ko rin ang pamilya ng boss ko, si Damien. Muntikan na silang mahanap ng iilang boss na kabilang sa La Cosa Nostra kahit na itinakwil na s'ya. Pinapahawak pa ni Darkkon sa akin ang headquarters ng Private Armed Forces sa Greece," mahabang salaysay n'ya habang naghihintay na sagutin ang kaniyang tawag.

"H-How did you know that Diablos is not the mastermind? Sino kung gano'n?"

"I don't know. Their eldest brother told me earlier in the morning that Diablos is not the mastermind. He just found out that you and your sister are planning on killing his brothers. Triskelion told him yesterday about your plans. Kakarating ko lang dito dahil hindi ko na kayo ma-kontak ni Anais at umalis na pala kayo ng Pilipinas."

We're out of reach because we're busy executing our plan. Sa inis pa ni Anais dahil hindi n'ya ma-kontak si Cecelion ay sinira n'ya 'yong cellphone na bigay nila sa kaniya.

Sa isang tawag ay hindi sumagot ang kung sino man ang tinatawagan ni Cecelion. He impatiently punched the dial button of the phone and called it again.

Nang bumagsak ang tingin ko sa guwapo'ng mukha ni Diablos sa aking kandungan ay hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng aking mga luha. Marahan kong hinimas ang gilid ng kaniyang mukha habang pinagmamasdan itong walang malay.

Abused Diablos (Sartori #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon