Kabanata 12

233K 5.4K 9.1K
                                    

Kabanata 12

Ruano

Sure, I can fight and defend. But why can't I protect myself seeing the person I protected protect another?

The bullet buried in the side part of my collarbone near my shoulder, it missed my esophagus if it only hit the middle part of it.

Kahit na natamaan ako ay nagkaroon ako ng lakas upang sikmuraan ang lalaking nasa tabi ko gamit ang aking siko. Napadaing ito at mabilis na niyakap ang kaniyang tiyan.

Mabilis akong pinapaputukan ng kanilang boss kaya ay tumakbo ako patungo sa mga shelf. Walang bala ang tumama sa akin. I stepped up on one of the higher part of the shelf. Pumadyak ako sa shelf upang maangat ang katawan ko kasabay no'n ay ang pag-backflip ko at ang pag-sipa ko sa boss na nanatili sa kaniyang kinatatayuan.

Nawalan ito ng balanse dahil sa pagsipa ko sa kaniya. I landed on the floor safely with one feet, one knee, and one hand on the ground. Ang isang kamay ko ay nakahawak sa may dumudugong parte ng aking balikat.

I groaned from the pain and forced myself to get up. One of the two men with the other boss aimed his gun at me.

Mariin akong pumikit nang naramdaman ang pagbaon ng bala lalo sa bahagi ng aking balikat dahil sa aking paggalaw kanina.

Umambang kakalabitin na ng lalaki ang gatilyo. Ngunit bago n'ya pa man iyon magawa ay dumudugo na ang kaniyang kamay at nabitiwan ang hawak na baril.

Napaluhod din ito nang sumunod na dumugo ang kaniyang tuhod.

Sinundan ko ang pinanggalingan ng putok ng baril.

Diablos was in great rage as he shoot the men with his pistol. He was not killing them, just disabling them from holding something or getting up.

Gano'n din ang kaniyang ginawa sa lalaking sinikmuraan ko, at iyong boss nila. Pinapaputukan n'ya ang mga kamay at paa. Walang daplis. Nilapitan n'ya iyong boss at malakas na sinuntok sa mukha dahilan ng pagkawala ng malay nito.

Kaagad akong dinaluhan ng doktor sa kinaroroonan ko.

"You're losing blood, can you get up and walk? You need an immediate operation. I have my things in the guestroom," she assisted me to stand.

"Thanks," sabi ko kahit hindi ko naman kailangan ng tulong n'ya dahil nakakatayo naman ako ng maayos. Hindi naman iyong hita o binti ko ang natamaan.

Even if my legs would get wounded or shot, I could still run a few meters before I would lose my strength.

"Muffin."

Diablos took large steps to get near us.

Inilayo ko ang aking braso nang sinubukan n'ya akong hawakan doon. "Huwag mo akong hawakan."

"Mr. Sartori, mas mabuting bigyan mo muna siya ng oras at space. Kailangan ko munang maalis ang bala sa kaniya," ani ng doktor habang inaalalayan ako.

I did not look at Diablos, not even a quick glance. He just stood beside me, quiet with his head down.

We left the library. I did not let him come with us. Naiwan s'ya sa loob ng library. Sa paglabas namin ng doktor ay nakarinig kami ng pagkalampag mula sa loob library. The noise of things breaking and being thrown at the wall. The sound of books falling to the floor.

Sabay kaming natigilan ng doktor at nagkatinginan. Umiling ito sa akin bilang pagpigil sa aking binabalak. Tila nabasa n'ya ang nasa isip ko na balikan namin si Diablos sa loob.

"He needs to deal with his own wrath for now," pahayag ng doktor bago kami nagpatuloy sa paglalakad.

Nakasalubong namin si Kleinhurt at Gael sa daan. They're heading to the library. Pansin ko ang pag-aalala sa mukha ni Gael nang nakita ang damit kong namantsahan ng sarili kong dugo. He continued to walk past us nevertheless.

Abused Diablos (Sartori #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon