Kabanata 27

242K 4.9K 6.8K
                                    

Kabanata 27

Mastermind

"Hindi 'yan totoo. Paano nangyari? Pumirma ba s'ya? Huwag mo akong mabiro, Gael," inirapan ko ito at humakbang palapit sa kaniya.

"Fine. It's not true. Pero iyon ang pinaplano ng tatlong tiyuhin n'ya at iniipit nila si Diablos. Sinabi ko lang iyon para pumayag kang magpakasal kay Triskelion," pag-aamin n'ya.

Kumalma ang buong sistema ko roon. I was with Diablos the whole time. Kung totoo iyon ay baka matagal nang pumirma si Diablos, at si Yvanita ay ngayon pa lang pumayag?

"Bakit? Bakit narito si Yvanita?"

"It's just for show to stop Diablos from killing his own brother. How's Yvanita's acting skills?"

Napatango ako. "Impressive. . . but why do you want me to marry Triskelion?"

Ayos lang naman ang mag-usap dito. It's dark and no one is around. I could not sense any other presence. Walang makakarinig sa pinag-uusapan namin. We kept our voices down too.

"You don't really know the man when it comes to you, do you? What his obsession can do for you?" marahan itong tumawa.

"Get it straight, Gael," naiinip kong demand.

He stopped chuckling and went serious. He shifted weight before responding.

"There will be a wedding war, Aoife. Make sure to secure a gun and knife in your thighs underneath the wedding gown."

I slowly shook my head in disapproval. "Hindi ako magpapakasal. Hindi magpapakasal si Diablos."

"Malalaman natin 'yan kapag nakausap n'yo na ang mga tiyuhin n'ya. The three uncles are coming, and Diablos is their favourite nephew. They helped him in El Salvador before," problemadong aniya.

Nariring ko pa rin ang ingay ng pagwawala ni Diablos sa loob ng silid. Hindi pa rin s'ya kumakalma. Pilit ko munang balewalain iyon kahit ilang minuto lang upang makakuha ako ng impormasyon mula Kay Gael.

"Sa pagkakaalam ko ay may galit sila sa pamilya ko. My sister warned me not to get close to their uncles," I told him.

"Hindi ibig sabihin no'n ay iiwasan mo na sila. Ang ibig n'yang sabihin do'n ay huwag mo'ng hayaan ang sarili mo'ng mapag-isa kasama ang tatlo. Kailangan talaga ay kasama mo si Diablos," banta nito sa mahinahong pakikitungo sa akin.

Mariin akong napapikit sa naramdamang pagkirot ng ulo ko bago minulat ang mga mata upang salubungin ang nag-aalalang tingin ni Gael.

I let out an exasperated sigh. "Why? What would happen if I'm left alone with them?"

"They will tell you the things that you want to know and will regret knowing about it."

"Sila ba ang human intelligence ni Diablos?"

The idea just crossed my mind. Mukhang maalam kasi ang tatlong tiyuhin n'yang iyon ayon pa lang sa paraan ng paglalarawan sa kanila ni Gael. It's possible that they're the ones who feed Diablos with information that even the authority can't figure out.

"Hindi ko alam, pero may alam sila sa pagka-ubos ng angkan n'yo. Bloodemir accused them before but he wasn't able to find any evidence," was his clear explanation.

Bloodemir. My father's best friend. Why would he accused them? They must have done something before. Hindi sila aakusahan kung wala silang ginawa. Baka isa sa tatlong tiyuhin ang mastermind.

"Sagutin mo muna ang tanong ko. Bakit papakasalan ko si Triskelion?" pagbabalik ko sa simula ng pag-uusap namin.

"There's only one way to find out. . ." ngumuso ito na parang s'ya itong magdedesisyon. "Marry him."

Abused Diablos (Sartori #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon