Kabanata 37

230K 5.7K 6.2K
                                    

Kabanata 37

Caught

"Aoife. . . Congratulations, you're pregnant. It's. . . triplets."

Nakatulala ako sa monitor kung saan pinapakita sa akin ang kulay itim at puting tatlong magkadikit na hindi ko malaman kung ano'ng hugis.

It's been two months and a week since I left Diablos back in Zambales. Namuhay ako sa Baguio. Sa log cabin na pag-aari ko. Madalas din akong namamasyal sa sobrang magagandang tanawin sa rito sa Baguio.

Last month, I missed my period. I thought it was delayed and I was expecting the next month but I didn't have it. Hindi ako dinatnan.

I experienced early signs of pregnancy. Nausea, sore breasts and tiredness. All of it, I thought that it's just because I was having a hard time adjusting my body in the new temperature.

Naranasan ko rin ang magsuka at napapadalas ang pag-ihi ko. Tinawagan ko kaagad si Yvanita upang magpatingin sa kaniya. Pumunta kaagad s'ya rito upang tignan ang kalagayan ko. May kaibigan s'yang doktor na nagtatrabaho sa isang ospital dito sa Baguio at ito ngayon ang ginagamit namin.

We're in the hospital and Yuna is also here. She's temporarily living in my log cabin.

Balita ni Yuna sa akin ay kinuha na ni Anais ang mga bata. Nagmamadali raw si Anais at hindi na nakapagpaliwanag. Tanging pagpapasalamat lang ang narinig n'ya sa kapatid ko.

How did my sister even carry the twins and a baby girl? Yuna told me that Anais was alone and she had a car with her.

"You should stop the training. Kailangan mo'ng alagaan ang sarili mo. Magiging maselan ang pagbubuntis mo at baka ay mahihirapan ka. Tatlong buhay 'to, Aoife," seryosong payo ni Yvanita.

I was still doing my training. It helped me think with rational decisions and acts I might do in the future. Training relaxed me.

"A-Ano'ng gagawin ko, Yvanita?" I asked when I was back in my senses. Nakatitig pa rin ako sa monitor.

"Iparating mo kay Diablos ang balitang 'to. Kailangan mo rin ng mag-a-assist sa'yo," sagot nito.

Yuna raised a hand and she got my attention from staring at the ultrasound monitor.

"I volunteer. I can be an all around maid for Aoife."

"Y-Yuna, what about your mission? Nagtatrabaho ka pa rin sa Private Armed Forces," I reminded her.

"Hindi na muna ako tatanggap ng misyon sa loob ng isang taon, Aoife. Napag-usapan na namin ni Kleinhurt. Kung nag-aalala ka sa gastusin ko ay binigay ni Kleinhurt sa'kin ang Centurion Card n'ya."

My brows furrowed. "Maayos na kayo?"

She nodded. "Nagkausap na kami. Gusto ko ng oras para sa sarili ko tapos binigay n'ya pati pera n'ya."

Binalik ko ang tingin sa monitor at marahan naa pinasadahan ang mga daliri ko roon sa tatlo.

I got emotional. I didn't know what to do. Diablos and I just parted two months and a week ago. I was thinking if it would be okay to come back to him because of the babies?

Within those two months, I healed myself but it was not fully. Moved on from the most tragic event of my life, I forgave my mother. Nagawa ko na nga rin ang panuorin iyong ni-retrieve nilang video sa isang lumang camera.

Ang problema ko na lang ay ang kapatid ko. Gusto ko s'yang mahanap. Tulungan pero nabibigo ako lagi. Kailangan na kailangan n'ya ako.

Now that I'm pregnant and it's triplets, I don't know if I can help my sister still. I have to take care of myself first. Any harm that would inflict upon me is danger to my triplets.

Abused Diablos (Sartori #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon