Kabanata 11

229K 5.3K 13.4K
                                    

Kabanata 11

Shot

Matapos kong tinulak ang aking kama at ipinuwesto ito sa sulok ng kuwarto kung saan naka-install iyong CCTV camera.

Sumampa ako sa kama at tumayo roon. Tinitigan ko muna iyong camera. I know that he's watching me. Nasa labas lang s'ya ng kuwarto at kinukumbinsi akong pagbuksan ko ito.

I raised my middle finger at the camera before I punched it.

Better, he won't be able to watch me now.

"Aoife, open the fucking door. Why did you break the camera?" he sounded frustrated from outside.

Bumaba ako ng kama at tinulak ko na naman ito upang iharang sa naka-lock na pintuan.

"Don't wait for me to break in, muffin," may banta sa kaniyang boses.

Ako ba 'yong tinatakot n'ya? Ang dami n'yang kasalanan sa akin. Nagsinungaling s'ya na hindi n'ya patutuluyin iyong mga bisita n'ya tapos malalaman ko na lang na may iba s'yang pinoprotektahan?

Sa totoo lang ay mas malaki iyong kasalanan ko. I pretended. Hindi ako nagpakatotoo. Hindi n'ya rin naman hiningi sa akin ang protektahan ko s'ya pero nakakagalit pa rin isipin.

Bakit ba ako naiinis sa kaniya? Ano naman ngayon kung iba ang pinoprotektahan n'ya? I was only providing him protection because I have to keep him alive until I squeeze out the information I needed to know from him.

I was expecting him to explain, but he did not.

Why would he explain anyway? I'm not his girlfriend or wife. I'm not even sure if he would still turn me into his mistress in Nuestro Imperio Sagrado and madam in La Cosa Nostra.

"Aoife, open the door. What do you want me to do?"

Diablos never stopped hitting the door from outside. Kumakalabog ito sa sobrang lakas. Hindi naman nasisira sa sobrang tibay.

Tignan mo nga naman. Kanina na pinapapunta ko s'ya rito, hindi n'ya ako sinulpot. Tapos ngayon na hindi ko s'ya pinapapasok, gusto n'yang pumasok?

Ganiyan ang mga lalaki. Kapag nararamdaman na nilang lumalayo ang loob ng babae sa kanila saka pa bibigyan ng atensiyon. Tapos kapag nararamdaman nilang sigurado na sila na hindi sila iiwan ng babae ay babalewalain lang din ito at hindi bibigyan ng pansin.

"Boss, baka nagseselos kasi nalaman n'ya na binigyan mo noon ng proteksiyon ang doktor mo tapos s'ya hindi. Kawawa naman."

My brows furrowed when I heard Gael's voice. That's his job anyway as consigliere. To give advice to the boss, voice out his suggestion, opinion, and comments in making decision.

Ang hirap pigilan ng inis dahil pakiramdam ko ay nang-aasar itong si Gael. Bakit naman ako magseselos? I can protect myself.

"Gael, what do you know about these things? Women are fucking confusing," I heard Diablos asking for help.

"Mag-explain ka sa kaniya, boss," suhestiyon ng kumag na consigliere.

"Bakit magpapaliwanag si boss sa kaniya? May label ba sila? Wala. Hindi pa nga s'ya opisyal na mistress o madam. Walang dapat ipapaliwanag si boss," it was Kleinhurt's voice. Kontra ito kay Gael.

"Nako, boss. Kahit wala kayong label ay dapat magpapaliwanag pa rin nang sa gano'n ay hindi tayo masabihang 'red flag' ng mga babae. Bahala ka, baka maghanap s'ya ng ibang magpoprotekta sa kaniya," pananakot naman ng lokong consigliere.

"Ano bang paki ni boss sa kaniya? Tapos? Kapag nagpaliwanag at balik sa dating ugali si boss ay sasabihin na kaagad na 'mixed signal'?" the underboss countered.

Abused Diablos (Sartori #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon