Kabanata 32

211K 4.8K 6.6K
                                    

Warning. Mature Content. This chapter may contain content of an adult nature. Some words, sentences phrases and paragraphs within are intended for adults only and may include scenes of sexual content that aren't suitable for young readers  below eighteen years of age.

Kabanata 32

Explosion

Diablos and Yvanita's engagement party. To be held in Castello de Sartori.

That's the perfect day that I'm waiting. The Galician Mafia which are Triskelion's men already recovered. I've got my plan waiting to be executed.

"Any news about the eldest Sartori, Anais?" I asked whilst typing on the keyboard of the laptop.

"Wala pa rin. Mag-dadalawang buwan na rin na hindi ko nakakausap si Cecelion," bigo n'yang balita.

I scowled.

"Ginamit ka lang talaga nila para sa misyon at maprotektahan mo ang kapatid n'ya. Pinaglalaruan ka lang ng nakakatandang Sartori."

"Tutulungan na kita."

My fingers paused from typing. "Saan?"

"Sa pinaplano mo'ng pagpatay kay Diablos," aniya at humilig sa nakasaradong pinto habang nakahalukipkip.

It intrigued me. "Bakit?"

"Dahil papatayin ko rin si Drugo bago n'ya pa man malaman na isa akong impostor. Maliban diyan ay sasaktan ka n'ya kapag nalaman n'yang pinatay mo ang kapatid n'ya."

Wala ako sa sariling napangiti dahil kahit papaano ay pareho pala naming naisahan ang magkakapatid na Sartori.

But the smile was erased off my lips when I remembered the twins.

"Hindi ko alam kung tama pa ba 'yan, Anais. Paano na ang kambal? I'm sure you have a good reason why."

"I don't want to talk about it yet."

That's her privacy, I didn't push the topic. Even if we're sisters and very attached to one another, we highly respect each other's boundaries.

Kinabukasan ay naghanda na kaming dalawa ni Anais para sa flight namin papuntang Roma. Hindi namin puwedeng iwan ang kambal dito sa Pilipinas kaya ay sinama na namin.

We're staying in one of Triskelion's property in Rome, Italy. It was not as grand and large as the Castello de Sartori, but it was enough to house us. I was grateful to have him providing our daily needs.

I'm a mistress of Nuestro Imperio Sagrado, but I can't risk to ask help from the Ruano. Diablos will know.

"Masasabi kong tinatago pa rin tayo ng nakakatandang Sartori," sabi ni Anais nang lumabas s'ya ng bahay at sinamahan ako rito sa labas.

Pinapatulog n'ya pa kasi ang kambal kaya natagalan s'ya. Hindi kasi nagpapaiwan ang dalawang iyon. Si Yuna lang ulit ang narito ay nagpaiwan para bantayan sila.

Kasalukuyan kong tinatanaw ang magandang kalangitan ng Roma. Papalubog na rin ang araw at nagkukulay kahel ang kapaligiran.

"Bakit?"

"Hindi tayo nahahanap ni Drugo."

Naglakad kami palapit sa dalawang kulay itim na superbike. Pinahanda ito ni Triskelion para sa amin. Sa mga oras na ito ay nakahanda na rin sa isang lugar ang kaniyang mga tauhan.

Sa oras na sasabog ang bomba ay susugurin nila ang Castello de Sartori at tatapusin ang buhay ng lahat ng naroon.

It is expected that the castle will be heavily guarded because of the engagement party. Every member of the Sartorian Mafia will be there.

Abused Diablos (Sartori #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon