Kabanata 21

220K 4.8K 2.9K
                                    

Kabanata 21

Father

"Hello, Diavolo. What if magsanib puwersa tayong dalawa? Puwede mo akong samahan sa pupuntahan ko. Ano, game ka ba?" pangungumbinsi ko sa malaking aso na nakaupo sa may pinto ng kuwarto.

They did not even tie him. Umaangil ito sa akin. Kitang-kita ang matutulis na mga ngipin. Masama ang kaniyang tingin. Dahilan kung bakit ayaw kong bumaba ng kama. Parang sasakmalin n'ya ako ano ma'ng oras.

Kakagising ko lang, s'ya na agad ang bumungad sa umaga ko. He was growling like I was being too loud in snoring while sleeping.

"Para masigurado mo'ng hindi ako tatakas, sasamahan mo ako. Gusto mo ba'ng makulong dito kung puwede naman tayong maglaro sa labas? Bili tayo dogfood. Ano? 'G' ka na!" pagkausap ko rito kahit alam ko namang hindi ako makakatanggap ng sagot kung hindi ay ang kaniyang pag-angil lamang.

Naiihi na ako. Gusto ko nang pumunta sa banyo at maligo. Pero kung makatingin si Diavolo ay tila tinatantya n'ya ang bawat kilos ko.

Bumuga ako ng marahas na hangin. Hindi alam kung ano'ng gagawin at paano ko mapapaamo ito.

"For your information, hindi ako traydor. Ginawa ko lang 'yon para matunton ang lungga ng mga baliw na 'yon. Ang judgemental mo namang aso ka," inirapan ko ito na mas lalong nakapagpalabas ng matulis na pangil nito.

Napakamot ako sa aking batok at nag-aalboroto sa inis.

I'm not afraid of dogs, but this one is different. I don't hurt babies just to get it out of my way. Diavolo is just trying to protect me, or protect the Sartori from me.

"Samahan mo na lang ako kay Diablos. Subukan ko lang s'yang kausapin. Baka sasagot na s'ya sa'kin," dumapa ako sa kama. I propped my elbows on the bed and rested my chin on my palms.

Halos isang linggo na ako rito sa loob ng silid na ito. Yuna did not visit me. Noong una at huli kong punta sa kulungan ni Diablos ay pinadiretso ako kaagad sa clinic ni Yvanita para kuhanan ako ng CT scan, dugo, at ihi. She'll examine it in her simple laboratory interconnected with her clinic here.

Diablos never talk or look at me. Sumuko na ako no'n dahil mukhang kailangan n'ya rin ang oras at espasyo. May kasalanan akong ginawa. Hindi s'ya mapupunta roon kung hindi lang ako tumakas.

"Gusto mo ba'ng mas tumagal ang pagdurusa n'ya? Hindi n'ya deserve 'yon, Diavolo," pagpapaawa ko sa malaking aso na para bang naiintindihan ako nito.

The little devil just growled and snarled at me. He disliked me.

We've been like this for a week. Hindi na ako halos bumababa ng kama. Sa tuwing pumapasok si Gael upang magdala ng pagkain ko ay saka pa ako nakakapunta sa banyo. Gael can tame Diavolo anyway.

"Bahala ka! Kapag nagkasakit si Diablos, konsensya mo pa!" galit kong usal sa malditong aso bago nagtalukbong ng kumot.

Okupado ang isip ko habang naghihintay na bumukas ang pinto at papasok si Gael dala ang almusal ko.

Paano kung aarte kaya ako na nabaliw ako at galit ako kay Diablos dahil nagtaksil ito sa akin? Baka kasi may espiya ang doktora na dumukot sa akin at dumating sa kaniya ang balita na mukhang normal naman ako?

Kailangan kong ipagpatuloy ang pag-aarte na iyon. Siguro kapag nailabas ko na si Diablos sa pagkakakulong n'ya sa kaniyang sarili.

I didn't want to be burden for him, but I have to act like the fluid that's injected in my blood is still running in my veins. Maybe it is still in me, but I didn't get any hallucinations, delusions, or illusions.

Baka ay nawala na nga talaga dahil sa mga gamot na pinainom sa akin ni Yvanita. I hoped that my body is now clean.

The bridge of my nose wrinkled in displeasure when Gael came in the room and brought a tray of food.

Abused Diablos (Sartori #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon