Kabanata 24

253K 5.6K 9K
                                    

Mature Content Warning. This chapter may contain content of an adult nature. If you are easily offended or are under the age of 18, just ignore and skip some scenes. Some words within are intended for adults only and may include scenes of sexual content, strong languages, etc.

Kabanata 24

Throat

"Diavolo, kapag sinabi kong takbo. Tumakbo ka, okay? Nakakaiktindi ka ba ng tagalog?" bulong ko sa aso habang yakap ito.

Gumuhit ng pagkunot sa noo ko nang nakita kong lumiko sa ibang direksyon si Diablos habang karga si Amara. Sa pagkakaalam ko ay hindi iyon ang daan patungo sa clinic ni Yvanita.

Bago sila nawala sa paningin ko ay nahuli ko kung paano natigil si Amara sa kaniyang malaswang ginagawa kay Diablos. Parang may sinabi si Diablos na ikinatigil at naging sanhi ng pamumutla n'ya.

"Aoife, darling. Go now."

Naagaw ang atensiyon ko kay Bloodemir na s'yang nagsalita.

Bloodemir was genuinely smiling at me. Characterized by gentleness and pure kindness. An expression that I would never expect from a man like him.

"What do you mean, father?" nalilitong tanong ni Drugo.

"Huwag ka ng mag-aksaya ng oras, Aoife. You only have three minutes left. Tumakbo ka na," pagpapaalala ni Bloodemir na ikinagulat ko.

Napatayo ako mula sa pagkakayap kay Diavolo. The dog got alerted from my abrupt actions.

"Father? What the fuck are you saying? Diablos owns her," galit na pahayag ni Drugo nang mapagtanto ang pinagsasasabi ng kaniyang ama.

Bloodemir ignored him, and stilled his serious gaze on me.

"I brought Amara here to distract my son. You need to go. Now, Aoife," mariing utos nito. Tila hindi nariring ang kaniyang isang anak.

Lumingon ako sa baba ng hagdan. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang bukana ng kastilyo. I saw Yuna and Anais carrying the sleeping twins making their way out.

There are no associates in that area according to Gael. Dito sa ikalawang palapag lang mayro'n. Nakatalikod pa sila sa direksyon ng engrandeng bukana ng kastilyo.

Drugo did not notice it. He was busy arguing with his father.

"You brought Dianara here to fucking distract me too? So my wife can escape? Father?" he roared. His voice was venomous. "My sons won't let that happen."

Hinintay ko munang makababa na ng hagdan sa may grand entrance sila Yuna at Anais. Pero pumalpak ako nang tumahimik si Drugo sa pagtatalo sa kaniyang ama dahil sa isang iyak ng bata.

May dumagdag na umiyak kasunod noong una. Dahilan ng paglingon ni Drugo sa direksyon kung saan nanggaling iyong ingay.

"Diavolo! Run!" sigaw ko kasabay ng pagtakbo ko patungo sa hagdan.

None of the associates fired at me to stop me. They know best that they should leave me unhurt.

"Kleinhurt! Pabalikin mo rito si Diablos! Where the fuck are my consigliere and underboss? Damn it!" narinig ko ang malalaking hakbang na ginawa ni Drugo at sumunod sa akin pababa ng grand hall.

Diavolo was meters ahead of me. Mas mabilis ang kaniyang pagtakbo at hinahayaan ko lang s'ya nang mabilis s'yang makalabas ng kastilyo.

"Ano'ng tinutunganga ng mga associates? Habulin n'yo! Tang ina! Close the fucking doors and gates!"

Hindi ako tumigil sa pagtakbo kahit sobrang nakakahingal ang kahabaan ng hagdan. Sa may bukana ay may hagdan na naman bago ako makaabot sa sasakyan.

Nakahinga ako ng maluwag nang nakitang papasok na sila Anais at Yuna sa sasakyan. Kakalabas ko lang ng kastilyo. Nakaabot na rin si Diavolo sa kanila. Bababa pa ako ng maraming hakbang ng hagdan.

Abused Diablos (Sartori #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon