C'15

60 7 0
                                    

Chapter 15

Umiwas siya ng tingin matapos kong banggitin ang mga katagang iyon, na para bang sobra siyang naapektuhan. Pinigilan ko namang hindi matawa, dapat kase pinapatapos niya pa akong magsalita bago siya magbigay ng reaksyon.

“Don't say something just like that” saad niya at nakita ko ang simple niyang paglunok na para bang may nakabara sakanyang lalamunan “You might regret it” dugtong niya pa na may halong...pagbabanta?

Agad kong inubos yung kinakain ko at humarap sakanya “Bakit naman?” tanong ko na parang isang batang walang muwang sa mundo.

Bakit niya sinabing baka pagsisihan ko? Baka pagsisihan ko na ano?

Huminga siya ng malalim pero agad siyang tumikhim para mawala lahat ng mga iniisip niya siguro.

“Nothing”

Tumango ako “Ano nga pala yung pag-uusapan natin?”

Tumikhim siya at tumingin na sa akin, his eyes met mine and there's something in his eyes that I can't explain...it was full of something “About what happened the other day, I want to apologize for my foolishness, I didn't even think when I said that to you and it didn't even made me sleep just knowing that I hurt you” he said sincerely and that's when I figure it out what I just saw in his eyes...it was sincerity.

At talaga lang na hindi siya makapaghintay na humingi ng tawad sa akin sa puntong hinintay niya pa talaga akong matapos na kumain, na pinanood pa niya talaga ako. At dahil narin sa sinabi niya ay may napagtanto ako.

“Kaya ba pumunta ka sa restaurant na pinagtatrabahuan ko?” tanong ko na puno ng realisasyon.

Nahihiya siyang tumango at doon na ako tuluyang napangiti. He always made effort, and his efforts will always be worth it.

“So are you gonna forgive me? But it's okay if you–”

Hindi ko na siya pinatapos pa at agad siyang sinugod ng yakap na siyang dahilan para matigilan siya, pati man ako'y natigilan rin pero wala na akong pakialam kung ano man ang isipin niya. Isa lamang ang alam ko ngayon...masaya ako.

Masaya ako dahil may mga tao pa palang kagaya ni Stefano, na gumagawa ng paraan para lamang humingi ng kapatawaran, bihira lamang ang kagaya niya dahil ang ibang nakikilala kong mga lalaki ay masyadong mataas ang pride na hinihintay pang ikaw ang maunang gumawa ng paraan para makipag-ayos kahit na sila naman ang may kasalan.

Ayaw ko sa mga lalaking ganun, na mas inuuna pa ang pagkalalaki kaysa sa mararamdaman ng iba na wala lang sakanila kung nasasaktan na nila ito o masasaktan palang. Kaya nama'y makakasakit pa lamang.

He hugged me back and that made me stunned for a moment but I managed to smile because of his simple gestures “Ayos lang naman, naiintindihan ko, naiintindihan kita” ngumiti ako at agad na humiwalay sa yakap. 

“Really?”

Pabiro akong umirap “Oo naman. Ikaw lang naman kase ang nakakaalam kung ano ang tunay na intensyon ng kaibigan mo”

Tumango siya “Yeah, just don't be close or near to them, they will harm you” seryosong sambit niya.

Kumunot naman ang noo ko “Bakit ka naman nagsasalita ng ganyan tungkol sa mga kaibigan mo? Hindi naman siguro sila masama diba? Mukha naman silang mababait ah” kibit-balikat ko.

Mabilis naman siyang umiling-iling na para bang may mali sa sinabi ko “Hindi ba?” dagdag na tanong ko.

“They are but they aren't and you don't know them well”

Tumango tango na lamang ako at hindi na nakipagtalo pa sakanya dahil baka tuluyan na kaming mag-away at hindi ko alam kung saan aabot ang pasensya ni Stefano, alam kong mabait siya pero ayaw ko itong samantalahin.

Married To A Monster Where stories live. Discover now