C'5

70 8 0
                                    

Chapter 5

“What are you doing here?”

Napatigil ako dahil sa malamig na boses na nanggagaling sa likuran ko. Lalo na sa tanong nito. Bigla akong nanlamig. Hindi ko alam pero imbes na lingunin siya ay may nagsasabi sakin na hindi ko dapat siya harapin at ayaw ko rin siyang tignan diretso sakanyang mga mata dahil sa kinakabahan ako sa di malamang kadahilanan.

Ilang minuto ang nakalipas pero hindi ko parin siya hinaharap at sinasagot.

Naramdaman niya sigurong wala akong balak na sagutin siya kaya inulit niya ulit ang kanyang tanong.

“I said what are you doing here?” nahihimigan ko na sakanyang boses ang namumuong galit dahilan para mas lalo akong kabahan.

Haharapin ko ba siya at sasagutin o aalis nalang ako na nakatalikod?

“I said–” hindi ko na siya pinatapos pa dahil agad ko siyang hinarap pero nakayuko ako ayaw kong magtagpo ang mga mata namin lalo na ngayon na nararamdaman kong galit siya.

Linunok ko na muna ang sarili kong laway at binasa ang aking labi bago nagsalita “U-Uhm, a-ano kase...may...may” hindi ko matapos tapos ang sasabihin ko dahil mas pinangungunahan ako ng kaba.

“What?” nagtitimpi pero nararamdaman ko rito ang galit.

Napaigtad ako saglit dahilan para mapatingin na ako sakanya ng tuluyan at nanaliksik nga ang kanyang mala-tsokolateng mga mata habang nakatingin sa akin, mahina naman akong napaatras. Napatigil ako at ramdam ko na bumilis ang paghinga ko may mga pawis narin na namumuo sa aking noo.

“A-Ano...a-ano m-may...a-ano”

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa mga katagang lumalabas sa aking bunganga, mas lalo akong mapapahamak nito dahil alam kong kanina pa mainit ang ulo niya magmula noong umalis ako rito sa bahay niya at dahil lang naman sa taong may kagagawan ng pagkainit ng ulo niya ngayon.

“You shouldn't be here” medyo kalmado nang sambit niya at agad nag-iwas ng tingin dahilan para makahinga ako ng maluwag.

“Pero ano kase...ano may ano sa likod ng pintuang ito” pagpilit ko na may narinig talaga akong dumadaing sa likuran ng pintuang ito.

“Just leave” he said in his cold tone.

“Stefano pero–”

“I said, LEAVE!” galit na pagputol niya na sana sa sasabihin ko, ngayon ko lang siya nakaharap at nakausap na galit at alam kong galit siya dahil sa kakulitan ko.

Gusto ko ring batukan itong sarili ko kung minsan eh, masyado kase akong madaldal at pakialamera, eh in the first place ako naman ang humingi ng kondisyon na ‘walang pakialaman’ sakanya.

“S-Sorry” paghingi ko ng tawad at agad siyang nilagpasan.

Hindi ko alam pero andito na naman yung kaunting kirot na naramdaman ko noong sanang magpapaalam ako na uuwi saglit, gusto kong tanungin ang sarili ko kung saan nanggagaling iyon pero isa lang ang gusto kong sabihin.

Ayaw ko nito. Ayaw ko nitong nararamdaman ko. Ayaw ko na sinisigawan ako ni Stefano. Ayaw ko na nagagalit siya dahil sakin. Ayaw ko na pumayag ako. Ayaw ko na nararamdaman ko yung bagay na pinaniniwalaan kong hindi nag-eexist sa mundong ito.

Ayaw ko kahit paunti-unti. Ayaw ko kahit na dahan-dahan. Ayaw ko kahit na gusto kong maramdaman kung paano at ano kung masaya ba o hindi, kung masasaktan kaba o masisiyahan.

Hindi ko na nilingon pa si Stefano at agad ng nagtungo sa itaas, agad kong dinampot ang iniwan kong bag at binuhat upang dalhin ito sa taas, sa kwarto ko. Hindi naman gaanong mabigat kaya hindi ako nahihirapang buhatin ito.

Married To A Monster Where stories live. Discover now