Chapter 16
Tulala lang ako hanggang sa makarating ako sa bahay ni Stefano. I can't even utter a single word, and I can't even say anything about what Adi had just confessed. It's like a bomb that suddenly exploded.
Gusto kong tabunan ng maraming tanong si Stefano mamaya kapag dumating na siya pero dahil medyo maaga pa naman ay makapaghihintay na lamang iyon.
Pero hindi parin ako makapaniwala sa mga sinabi ni Adi. Alam kong hindi ako dinala ni Stefano sa hospital dahil kung hindi ay hindi ako nagising na kisame ng kwarto yung unang nakita ko, pagmulat palang ng mga mata ko...and that made me think of it.
Did he used that as an alibi because he doesn't want me to reveal all of this secrets infront of everyone I know? For me to not get pressure in answering all of their questions? Specially, to my family.
Para hindi na ako mahirapang makapagpaliwanag sakanila, para hindi na ako mahirapan sa lahat-lahat?
At doon ko napagtanto ang lahat-lahat, na sasabihin at aaminin niya lamang sa lahat kung nakahingi na siya ng permiso sa akin at kung papayag man ako dahil alam kong sa sitwasyon naming dalawa, ako yung lubos na mahihirapan at lubos na maaapektuhan kapag lumabas ang katotohanan.
It will be hard for me to explain to my family, especially when they'll figure out what I have done. What I shouldn't do in the first place but I can't do nothing right now but having regrets for all the unthinkable decisions I made.
May mga ilan akong pinagsisisihan at may mga ilang hindi, and the thing I regret the most is marrying Stefano without really knowing him first, it's not that he is bad or something but I regret not knowing him furthermore.
Pero mahirap nang bawiin pa ang mga ginawa kong mga desisyon, mahirap ng bawiin pa ang mga nangyari na pero may mabuti sanang maiidudulot to...kung meron lang.
At hinihintay ko na lamang na matapos ang walong buwan hanggang sa maghiwalay na kami ni Stefano, at kung siya na talaga...siya lang at wala ng iba.
Hindi ko alam kung papaano mapapawalang bisa agad-agad yung kasal namin ni Stefano, pero dahil nga sa mayaman siya at may pera...baka mapapadali lamang lahat para sakanya.
Pero siya na ang bahala doon ang akin lamang ay dapat makaalis ako dito ng mapayapa pero parang medyo malabo yata iyon.
Dahil nga alam kong hinding-hindi ko na makakalimutan pa si Stefano dahil nakatatak na siya sa utak ko at alam kong mahirap na siyang makalimutan pa.
Napatingin ako sa pintuan ng bigla itong bumukas, at iniluwa nito si Stefano na napakaseryoso ang mukha habang may hawak na brief case. Nakasuot pa siya ng suit na talagang mahahalata mong kagagaling lang sa trabaho, magsasalita na sana ako ng walang anumang nilampasan niya lamang ako at mabibigat ang mga yapak na nagtungo sa itaas.
Nagtataka lamang akong nakatingin sakanyang likuran hanggang sa tuluyan ng nawala ang kanyang bulto.
Siguro ay pagod lamang siya at ayaw niya muna ng distorbo...kaya ayos lang naman dahil naiintindihan ko siya kase ganun rin naman ako kapag pagod ako galing sa trabaho...parang ayaw kong madistorbo o ayaw ko ng maingay dahil ang gusto ko lamang ay makapagpahinga dahil nga sa pagod ako.
I sighed. Makapaghihintay na lamang ang mga tatanungin ko. May mamaya pa naman, may bukas o may susunod pa namang araw.
Pero ang araw na iyon ay hindi na dumating pa dahil sa lumipas ang ilang araw ay hindi parin ako iniimik ni Stefano, nagkukulong parin siya sakanyang kwarto, minsan nakikita ko rin naman siyang pumupunta sa kanyang study room na malapit lang sa kanyang kwarto...na hindi ko pa napansin simula noong nanirahan ako dito sa bahay niya.
YOU ARE READING
Married To A Monster
Roman d'amourDevilries Series#1 Marriage. Marrying. Married. "Be My Bride" seryoso at malamig na turan ng lalaking kaharap ko ngayon. Joelorie didn't expect that she would encounter a man who'll ask her to marry him right away. She was dumbfounded when she lear...