Chapter 25
Pababa na ako ngayon sa hagdan pero luminga-linga pa ako at tinignan ang paligid dahil sa baka nakauwi na siya rito sa bahay, napatingin ako sa relo ko at 4:26 pm na ng hapon.
Hindi ko alam pero ang bilis ng oras, buong araw lang naman yata akong humilata at nagkulong sa kwarto ko dahil sa takot na baka nandito parin sa bahay si Stefano...syempre bumaba ako noong nagutom ako at doon ko napagtanto na wala siya dahil mukhang pumasok siya sa opisina niya.
Atsaka kahit na nakalipas na iyon ay hindi ko parin makakalimutan, sariwang-sariwa parin sa utak ko.
Nagdadahan-dahan akong bumababa sa hagdanan dahil sinasabyan ko pa ng paglinga-linga sa paligid habang nakahawak sa tali ng shoulder bag ko.
Ayaw ko talaga siyang makita dahil sa marami ng kahihiyan ang nagawa ko at nangyari, dahil sa hindi ko maintindihan ang sarili ko.
At ng makababa na ako sa napakahabang hagdanan ay luminga-linga pa ako ng isang beses.
At ng makita kong walang tao ay napahinga ako ng maluwag pero ang akala ko ay wala talaga pero nagkamali ako.
“Where are you going?” malamig at malalim na boses ang biglang nagsalita sa aking likuran dahilan para mahigit ko ang aking hininga.
Oh shit! Mukhang magkakaharap pa kami ng lalaking ito bago ako tuluyang makaalis.
K-Kung tumakbo nalang kaya ako?
Ang akala ko ba ay sobrang aga pa.
Bakit nakauwi na siya agad?
Dahan-dahan naman akong napaharap sakanya at ngumiti ng pilit, syempre hindi ko na kayang ngumiti pa ng totoo dahil sa nagmamadali ako...malayo pa naman yung lugar na tinitirahan nila Marvie.
Napakamot ako sa kilay ko at medyo napayuko “Ah ano sa bahay ng kaibigan ko” sabi ko kahit na totoo naman pero sasaglit lang kami roon bago pumunta sa bar na sinasabi ni Marvie.
He looked at me from head to toe with his pair of serious and cold eyes “That's why you looked great?” he asked sarcastically and raised his eyebrow before looking at me straight into my eyes. He looks very dead serious, right now.
Problema niya?
Masama to magalit at alam ko iyon.
Napatingin naman ako sa kabuuan ko at wala naman akong nakikitang great sa suot ko dahil naka-blouse at naka-skinny jeans lang naman ako.
Saan dito yung great?
“Hindi naman, simple lang kaya itong damit ko” ngingiting sambit ko.
“It's not, for me”
“Oo kaya”
Napatigil siya pero seryoso parin ang mukha “Where are you going really, it's almost 5 o'clock in the afternoon and pretty soon it will be evening...and I don't think you're just going to your friend's house”
Napatango-tango lang ako at napatingin sa relo ko ng makitang 4:30 na ng hapon.
Ano ba iyan?! Ang sabi 5pm dapat nasa bahay na nila ako, e malapit ng mag-five?!
“Kailangan ko ng umalis–”
“I will not allow you to go if you'll not going to say, where are you going” seryosong pagputol niya sa sasabihin ko kaya hindi na ako nakaalis.
Bigla naman akong ginapangan ng pagkainis.
Ano bang problema niya at tanong siya ng tanong, hindi ba pwedeng payagan na lang niya akong umalis dahil super malalate na ako?!
YOU ARE READING
Married To A Monster
RomanceDevilries Series#1 Marriage. Marrying. Married. "Be My Bride" seryoso at malamig na turan ng lalaking kaharap ko ngayon. Joelorie didn't expect that she would encounter a man who'll ask her to marry him right away. She was dumbfounded when she lear...