C'30

117 12 0
                                        

Chapter 30

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Mukhang mataas na ang araw atsaka anong oras na ba?

Alas syete? Alas otso? Alas nuebe?

Impossible namang, alas diyes na diba?! 

Napabalikwas ako ng bangon pero agad rin akong napahiga dahil sa sakit na nararamdaman ko sa bandang ibaba ko.

Wala narin yung katabi ko at alam kong nag-iisa lang ako ngayon dito sa kwartong ito.

Napadaing naman ako dahil sa parang pakiramdam ko nadaganan yung ano ko ng malaking bato kaya sobrang sakit.

Isa lang ang ibig sabihin nito.

Talagang, isinuko ko na ang bataan. Talagang wala na ito sa akin. Ang pinakaiingatan ko ay tuluyan ko ng ibinigay sa taong unang nagtapat ng pag-ibig sa isang tulad ko.

Napangiti ako kasabay ng pag-agos ng masasaganang luha mula sa mata ko.

I realized something and I know it'll never be too late to say but I think I'm falling for him too.

Mas nauna pa yata akong nahulog sakanya kaysa siya na nahulog sa akin.

Nangyayari nga ba talaga ang mga bagay na ito?

Hindi ko mailarawan ang mga nararamdaman ko ngayon.

Masaya, malungkot na natatakot dahil sa kaisipan ko na baka pagkatapos niyang kunin ang pakay niya ay babalik na naman ang dating trato niya sa akin...babalik na naman kami sa dati.

Yung parang wala lang kaming pakialamanan sa isa't-isa.

Yung parang totally na estranghero lang.

Yung wala lang kahit isang sulyap lang eh, wala.

Nanghihina naman akong napabangon at hindi alintana kung nakahubod-hubad ako, wala namang ibang tao rito bukod sa akin.

Sakto namang pagtayo ko ay napangiwi ako sa matinding sakit na naramdaman ko, para akong napunit. I tried to stand up but I can't even move my feet.

Napaupo ulit ako at agad na kinuha ang kumot para ipulupot sa hubad kong katawan dahil sa nilalamig rin ako.

Paano ako makapaglalakad nito?

Paano ako makakapasok sa trabaho kung ganito yung lagay ko?

Pambihira naman kaseng Stefano yan oh! Talagang itinodo kagabi, sa laki ba naman ng ano niya...eh talagang sasakit itong pagkababae ko ano.

Unang karanasan tapos ganun, atsaka nasaan ba yung t-shirt ko?!

Kase nilalamig na talaga ako!

Hahanapin ko na sana yung nawawala kong damit ng maalala ko kung anong ginawa ni Stefano sa t-shirt ko.

Pinunit niya pala kaya wala akong masuot ngayon.

Hindi ko rin aakalain na ganun siya ka-wild.

Aba, malay ba sa mga bagay na yan. I'm not innocent but I'm not expert at those kind of things either.

Sakto lang yung kaalaman ko.

Biglang napabaling ang tingin ko sa pintuan ng bigla itong bumukas at iniluwa nito ang lalaking laman ng isipan ko ngayon.

Nagtama ang mga mata namin at nakita ko ang bahagya niyang pagngisi.

Napanguso naman ako dahil sa gusto ko siyang batuhin ng kung anong matigas na bagay para lang mawala ang nakakalokong ngisi sakanyang mukha.

Married To A Monster Where stories live. Discover now