C'4

69 8 0
                                    

Chapter 4

PABABA na sana ako ng hagdanan ng maabutan ko si Stefano na may kausap sakanyang cellphone. Ayaw kong makialam pero hindi ko mapigilang makinig sa usapan nila, kung sino man yung kausap niya sa kabilang linya.

"Nahanap mo na kung sino?"

Napatigil ako saglit, napakaseryoso ng boses niya kahit na nakatalikod siya sa gawi ko ay nahihimigan ko parin ang konting galit mula rito.

Kung ako rin naman kase yung basta-basta nalang ibabalita at sasabihan ka pang ikaw ang may kasalanan sa pagkawala ng isang kilalang tao, magagalit rin kaya ako. Atsaka kahit ako nga na nabanggit sa balita as Stefano's wife, kumulo na agad yung dugo ko sa mga taga-pagbalitang yun.

All of the sudden I heard him tsked "I should have known" he coldly whispered "Bring her to me, where I can totally punish and ruin her" huling sambit niya bago patayin ang tawag.

Napaatras naman ako dahil sa narinig ko, totoo ba iyon? O namali lang ako ng pagkakarinig?

What the fuck?

Anong gagawin niya sa nagkalat ng pekeng impormasyon? Ipapakulong niya ba o p-papatayin?

Imposible.

Imposible namang patayin niya diba? Hindi siguro ganong klaseng tao si Stefano.

Naniniwala ako mabait siyang tao kahit papaano kahit may pag-uugali siyang masama at kahit minsan ay nagiging halimaw siya, still mabait parin siya.

"Are you eavesdropping?" he suddenly asked out of nowhere, dahilan para magising ako sa malalim na pag-iisip.

It really looks like he wants to kill someone right here, right now. He looks dangerous but attractive. Dangerously attractive?

Okay, sounds good.

"U-Uhm hindi. Kabababa ko lang" I managed to say even though I'm sweating in so much nervous "M-Magpapaalam lang sana ako na-" naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong talikuran at papalayong bulto nalang ang siyang naaaninag ko.

Huminga ako ng malalim ng nakaramdam ako ng kaunting kirot, hindi ko alam kung saan yun nanggaling pero hindi ko ito nagugustuhan. Atsaka ano pa bang aasahan kong trato niya sa akin?

Na magiging mabait siya sa akin?

Magiging concern?

O magtatanong manlang kung saan ako pupunta?

I don't think so. He's not that kind of man. I guess.

Huwag na akong umasa na magiging magkaibigan kami, kahit kaibigan lang, kase nga kasal kami, sa papel lang. At walang kinakasal sa papel na nagiging magkaibigan kase malabo.

Malabong mangyari yun lalo na sa pagitan namin ni Stefano, mataas siyang tao at mababaw lamang ako pero kahit papaano gusto ko paring magkaroon kami ng kahit closure manlang.

Okay, I guess ako naman ang humiling ng ganitong kondisyon sakanya...

Na walang pakialamanan.

-_-_-_-

"MA, andito na po si Ate Joel" masayang sambit ni Zariana ng makita niya akong paparating, rinig na rinig ko pa ang sigaw niya kahit na medyo malayo siya sa pwesto ko.

Si Zariana, bunso kong kapatid.

Agad akong nakalapit sakanya at bigla akong napatingin kay mama na palabas ng pintuan, hindi nakangiting mukha ang bumungad sa akin bagkus napakalungkot.

Anong nangyari bakit ganito ang pambungad na reaksyon sa akin ni mama?

Agad akong lumapit sakanya para halikan siya sakanyang pisngi malumanay naman siyang tumingin sa akin "Anak, saan kaba nanggaling?" pati boses niya ay malumanay rin. Nahihimigan ko pa sakanyang boses ang matinding pagod.

Married To A Monster Where stories live. Discover now