C'2

86 8 0
                                    

Chapter 2

NGAYON NA! As in ngayon na. Ikakasal na talaga ako parang ambilis lahat ng pangyayari, hindi ko naman pinagsisisihan na pumayag ako dahil para sakanila rin naman ito eh pero bakit parang nakakalungkot lang na isipin na ikakasal na ako pero wala sina mama at papa na sasaksi na ikakasal na ang panganay nilang anak.

Atsaka kung nandito naman sina mama at papa baka matagal na akong itinakwil ng mga ito at sasabihing nagpapadalos-dalos ako sa mga desisyon ko pero para sakanila rin naman itong ginagawa ko, dahil alam ko hindi rin sapat ang kinikita ni papa sa trabaho niya. Hindi ko siya masisisi, ni minsan hindi ko sinisisi ang mga magulang ko dahil sa kahirapan namin...alam ko naman na ginagawa nila ang lahat para sa aming magkakapatid para maiangat kami sa hirap.

Huminga ako ng malalim bago sinimulang maglakad patungong altar.

Ramdam ko lahat ng mga mata ng mga tao na nakatingin saakin habang naglalakad ako patungo sa altar kung saan naghihintay ang mapapangasawa ko, si Stefano. I can't believe it. Dadalhin ko ang apelyedo niya ibig sabihin Joelorie Gonzales Monstero, hmm...pwede na. Medyo bagay narin.

Napailing-iling ako, ano ba yan bakit parang excited pa ako? Hindi ba dapat normal lang yung nararamdaman ko? Pero bakit parang nakakaramdam pa yata ako ng excitement? Excited ba ako?

Dahil sa dami ng iniisip ko hindi ko na namalayan na tuluyan na nga pala akong nakarating sa altar at agad na iniabot ni Stefano ang kanyang kamay, nanginginig ko naman itong tinanggap.

Teka! Bakit ako nanginginig? Nininerbiyos siguro ako, imposible namang excited ako noh? No way! Nininerbiyos ako. Oo, nininerbiyos ako kase andaming tao.

“You're trembling” nanunuksong bulong ni Stefano sakin dahilan para mapairap ako, pasimple ko naman siyang siniko sa tagiliran.

Lihim akong napairap “Nininerbiyos lang ako noh, andami kaseng tao” naiinis na sagot ko.

“Oh yeah, whatever”

Nagtaka ako dahil sa pabalang niyang pagsagot. Aba, nangyari dito?

–_–_–_–

MATAGAL bago natapos ang seremonya lalo na noong banggitin ng pari ang ‘you may now kiss the bride’ naaalala ko pa ang mga nangyari kanina, hinding-hindi ko siguro yun malilimutan.

“Do you take Joelorie Gonzales to be your wedded partner, love her with all your heart and take good care of her in sickness and in health, till death do your part?” tanong ng pari kay Stefano, napatingin ako sa katabi ko dahil natahimik ito.

Hays, nagdadalawang isip ito. Sabi na ngaba eh, siya yung nag-alok alok na magpakasal tapos parang aatras na yung dila.

“I do” seryoso at malamig na sambit niya dahilan para maputol lahat ng iniisip ko dahil sa sobrang gulat narin.

“And you, Joelorie Gonzales, do you take Stefano Galvin Monstero to be your husband love him with all your heart and take good care of him in sickness and in health, till death do your part?”

Saglit akong natahimik, should I take him to be my husband? Or should I runaway? Sayang naman kase yung ten million kaya...

“I do” walang pag-aalinlangang sagot ko, narinig ko pa ang paghinga ni Stefano parang nabunutan ng tinik. Hmm...pasalamat siya hindi ako tumakbo.

“By the power bestowed in me, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss your bride” nakangiting sambit ng pari.

Napatingin at humarap ako kay Stefano, napalunok pa ako ng tanggalin na niya ang belo ko at tumingin siya saakin ng seryoso diretso sa aking mga mata, nanghihina ang mga binti ko, dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya, agad naman akong napapikit at eto na yun, eto na, eto na–

Married To A Monster Where stories live. Discover now