PROLOGUE

1.8K 19 0
                                    

Pentalogy Series #1: Dark Greenish Skies (complete)

Pentalogy Series #2: Among Dapitan

This story contains spoilers for Coast Series #1

DISCLAIMER: this is a work of finction. Names, characters, business, places, locales, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a finction manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events are purely coincidental.

The story is not affliated with LPU/ NU/ UST/ UP/ ADMU/ other univerisities

***

"Akisha Vladenx, nag-uulat."

Sinenyasan na ako ng team ko na mga-outro na kaya ginawa ko na. Aapak pa naman ako sa ibabang hagdan para ipakita kung ano ba ang nangyayari sa kapaligiran ngunit ayaw na naman nila.

"Baba na. Pupunta na tayo Manila. Pumayag na mag pa-interview ang Jonx Insport."

Halos manlamig katawan ko sa sigaw ng director namin habang nasa tent ako. Nag tatanggal pa lang ako ng bota ko na puro putik. Andito kasi kami sa Isabella kung saan ang bagyo. Ako ang na ia-assign na maging achor ngayon.

Kahit umulan o umaraw naman 'yan kahit pa krimen. Hindi ko tatanggihan. Gusto ko maka gawa ng pangalan sa industriyang 'to.

"Ikaw naman siguro ang uutusan na mag interview 'di ba, Lianne?" tanong ko, isa rin s'ya reporter. "Ayoko tanggapin ang project na 'yan. Sabihin na nilang immature. Dedma!"

"Huh? Bakit ako?" tanong n'ya pabalik. "Ayaw mo no'n makikita mo si ex?"

"Alam mo kakaganyan mo. Maaga mo rin makikita si santanas."

Gusto ko um-absent. Paano pag sa 'kin na assign 'tong interview na 'to? Paano nalang ako aakto sa harapan n'ya? Wala man lang kasi pahinga. Kahit mga five minutes, ganoon? Wala? Sure na 'to?

"Hurry up! Hurry up!"

Mukhang sure na nga.

Sigaw nang sigaw ang director namin mula sa labas kaya natataranta na ako mag-ayos ng mga gamit ko. Kahit alam ko na hindi na ma-ayos 'yon, siksik ko nalang nang sikniksik nalang ako. Bahala na. Aayusin ko nalang ang mga 'yon kapag nakarating ng Manila.

"Feel ko nahihilo ako," umarte pa ako humawak sa sentido ko. "Buntis yata ako Lianne. Nag cra-crave ako sa sick leave!"

"Pag nag crave din ang head directors natin na tanggalin ka sa trabaho tignan nalang natin."

Wala talaga pumansin sa 'kin. Ganito na ba talaga ang mga tao ngayon? Wala pakialam kung mamatay na sa paligid mo? Binabagalan ko tuloy ang kilos ko. Nag babakasakali bumagal din ang oras.

"Pupunta na muna tayo sa head quarters. Tsaka n'yo malalaman kung sino ang ia-assign para sa interview."

Pakiramdam ko wala nag sick-in sa 'kin kahit isa sa mga sinabi ng diretor namin. Sana hindi ako! Cover lang naman 'yon, hindi naman broadcast siguro, oo. Tama! Sana i-cover lang. Nanalangin na ako na sana hindi ako ang piliin.

Hindi na nga ako yung pinili. Sana hindi rin ako yung piliin dito!

"Sana si Akisha ang i-assign. Deserve n'ya na magkaroon ng cover ng isa sa mga representative natin dito sa Pilipinas. Grabe ang dedication sa work."

Gusto ko pa sana pigilan ang head director namin dahil sa suggestion n'ya. Hindi na nga ako magiging hard working! Mas lalong hindi naka tulong ang mga re-react ng mga ka trabaho ko ngayon.

"Feel ko po mas deserve po ni Lienne," nahihiyang sabi ko.

Mahina lang s'ya tumawa kaya ngumuso ako. Napaka tamad naman kasi nitong si Lianne paano nalang mabibigyan ng ganoon project. Pagdating, sa van. Isiniksik ko nalang ang mga gamit ko sa compartment. Nakakainis!

Among Dapitan (Pentalogy Series #2)Where stories live. Discover now