27

249 4 0
                                    

Zack

"Bilisan mo naman kumilos, pre. Medyo naiigit na kasi ako gagi." Reklamo ni Bricks.

Inaayos ko pa kasi yung buhok ko habang nasa loob kami ng kwarto. Napailing nalang ako tsaka bumaba ng parking lot tsaka nag drive papuntang school.

First day na first day naalburoto nanaman ang tiyan nitong si Bricks. Pagkarating namin sa campus kaagad kaming inabutan ng mga sophomore ng flyers. Para saan 'to?

Kunot noong binabasa ko ang andon. Debate club come and join us! Iyon ang nakalagay doon. Wala naman akong pakialam sa debate na iyan. Hindi rin ako magaling makipag talo.

"Ang cute ni Akisha," rinig kong pagkwekwentuhan ng mga lalaki sa likuran ko.

Kunot noo ko tinignan ang tinitignan nila. Natigilan ako ng makita yung babaeng nakangiti at nag aabot din ng flyers. May ribbon na pink siya sa gilid ng ulo niya habang naka debate club na shirt. I mentally nodded. Yeah, she's cute.

"Anong instagram non?" Tanong ko kay Bricks.

"Huh?" Inosenteng baling niya sa akin. Noong tinignan niya ang tinitignan ko napa 'ah' nalang siya habang tumutungo. "Ah, si Valadenx. Tropa 'yan ni Yael yung umamin sa 'yo nung first year. Naaalala mo?"

"No," umiiling na sabi ko andon pa rin sa Akisha yung tingin.

"Bakit? Type mo 'no?" May halong pang-aasar na ang ngiti ni Bricks ngayon. Kaagad akong umiling.

Kapag inamin ko kaagad aasarin ako nang aasarin nito. Tsaka na cute-an lang naman ako. Wala 'to mawawala rin 'to.

"Hindi ko type ang mga kikay," walang emosyon sabi ko.

Dumaan ang ilan araw at natagpuan ko nalang ang sarili ko na nag papa-register para sa debate club. Fuck. Sasali talaga ako dito para sa kaniya? Luminga linga pa ako sa paligid ko ng makitang wala siya dito. Sayang naman.

"Who the hell is that?"

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng biglang silipin ni Celine ang ginagawa ko sa phone ko. Tinago ko na kaagad iyon sa bulsa ko para hindi na niya makita.

"Nakita ko iyon!" Malakas na sabi niya kaya napalingon sa banda namin si Bricks. "Is that Akisha Vladenx from Architecture?"

Nakakunot noong lumapit sa amin si Bricks habang puno ng pang huhusga ang mukha. Breaktime namin ngayon kaya malaya silang nakakapag ingay.

"Anong meron?" He asked Celine.

"Nakita ko kasi siya in-stalk yung instagram account ni Akisha. Yung magaling mag drawing." Pagkwekwento ni Celine, umiling nalang ako tsaka bumuntong hininga.

"Whoo! Inlove na si bro!" Parang tanga pang-aasar sa akin ni Bricks. "Anak ka ng mama mo Bueneventura kaya pala sumali ka sa debate club kahit hindi ka naman nag de-debate, ah."

"Shut up." I hissed.

"Bricks nag blu-blush siya!" Gatong pa ni Celine. Sinamaan ko na sila ng tingin kaya natigilan na sila sa pang-aasar.

"Gagi kaya pala sobrang ayos ng buhok mo kasi ito yung first day niyo sa debate club. Yiie! Makikita na niya si crush!" Tawang-tawa sabi ni Bricks. Parang gago amputa.

Among Dapitan (Pentalogy Series #2)Where stories live. Discover now