16

236 5 0
                                    

"Magkano naman nagastos mo sa mga 'to? Sobrang dami talaga. Thank you so much, baby!"

Naiakyat na namin yung mga bag's. Kailangan pa tuloy ng mga bell boy na tumulong para lang maiakyat lahat ng 'to!

"Hindi mo naman kailangan malaman," natatawang sabi niya.

"Kahit na. Sobrang salamat pa rin," nakangiting sabi ko.

Sa sobrang dami nung mga bag's punong-puno tuloy 'tong sala ng condo ko! Halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Sasaya ba ako kasi madaming bag o maiinis dahil sa halos hindi na ako maka galaw sa loob.

"I think kailangan ko ng lumipat ng bagong condo? Naliliitan na rin ako dito." I shrugged.

"Hmm? Nahihirapan ka ba?"

Napaisip ako. Minsan naliliitan na talaga ako dito lalo na kung madaming plates akong ginagawa. Halos mas sumasakit ang mga mata ko sa kalat ng condo.

"Yes. What do you think?" tanong ko. "Feeling ko nga maganda kung mag hanap ako ng bago 'no? Kaso mapapalayo naman ako sa 'yo."

"Huwag mo 'ko isipin," he chuckled. "Distance is not matter, babe."

"Alright. Kakausapin ko nalang sila Mommy tungkol sa naiisip ko. Nahihirapan din ako minsan sa pag co-commutte. Ikaw? Hindi ka ba nahihirapan?"

"No," iling niya sa akin. "Kaya ko naman."

Tumungo ako tsaka inayos na ilagay sa sala. Kahit sobrang dami at inayos na namin ni Zack feeling ko sobrang kalat pa rin ng paligid!

At ayon na pala ang huling pag kikita namin dalawa dahil tumapat na ang araw ng may pasok na. Ang bilis talaga ng araw!

"Hello! Kamusta naman ang bakasyon mo?" malaking ngiti na tanong ko kay Pau.

"Ayos naman. Nag travel lang ako sa thailand with my family. Ikaw ba? Oh, no! No need to say this. Alam ko naman na inlove ka na. Grabe. May na missed talaga akong episode sa buhay mo!" Pau hissed.

"Malamang girl. Ano pang kwenta nitong ganda ko na 'to kung bubulukin lang 'di ba?" Pag jo-joked ko.

Natahimik nalang ako ng dumaan nalang sa harapan namin si Claire. Hanggang ngayon wala pa rin akong lakas ng loob na kausapin siya. Natatakot ako sa magiging reaction niya.

"Mag kwento ka naman. Nakakainis! Kamusta naman yung relationship mo with your Engineer?" hinila niya ang upuan tsaka tumabi sa akin. Handang-handa na siya makinig sa kwento ko.

"Mr. Engineer," I chuckled.

Kwinento ko nalang kay Pau yung mga highlights ng kwento namin ni Zack. Ayoko naman idetalye pa yung mga dapat sa amin lang dalawa. Kung paano lang kami nag kakilala mga ganon.

Oh, god. I miss him already! Ilan araw pa nga lang kami hindi nag kikita.

Noong break time chinat ko nalang siya sa instagram.

akisha.vladenx:

I miss you alreadyyyyy :(

kita tayo maya?

Mga ilan minuto pa yata siya bago nag reply. May ginagawa pa yata. Masyado din kasi siya busy dahil sa sunod-sunod na tournament na sinasalihan nila.

unobueneventura:

Sure. I will pick you up later. Anong craving ng bebe ko na ‘yan?

Halos bumulwak yung regla ko dahil sa huling sentence ng chat niya. Anong bebe? Saan niya kaya natutunan 'yan? Baka kay Bricks. Posible.

I can't wait to see him again. Parang ilan dekada kami hindi nag kita.

"Nag mamadali ka naman masyado," natatawang sabi ni Pau sa akin.

Among Dapitan (Pentalogy Series #2)Where stories live. Discover now