10

307 6 0
                                    

"Kung ano-ano pinag sasabi mo. Tara na nga."

Kaagad akong napailing sa kaniya. Kung hindi ko lang talaga crush ang isang 'to iiwan ko na 'to sa mall tsaka ko ililigaw. Nauuna s'ya mag lakad sa 'kin papuntang counter kaya kitang kita ko ang pamumula ng likod ng tenga n'ya.

"Bakit ka namumula? Okay ka lang ba? Nahihilo ka ba? Naiinitan ka ba? Sabihin mo lang. Papalakasan ko sa manager ang aircon nila rito."

Natatawa lang s'ya umiling. Seryoso lang s'ya nag bayad sa counter ng mga pinamili n'ya. Halos nasa anim na paper bag 'yon. Hindi siguro s'ya na inform na close kami ng manager dito.

"Yung pasalubong mo pag-uwi ko na," sabi n'ya pag kakuha ng card n'ya. "Ano ba gusto mo?"

"Hoy! Joke lang naman 'yon! Ito palagi sineseryoso yung mga sinasabi ko. Dapat kasi ako nalang yung seryosohin mo!" I laughed. "Kahit ano. Ang mahalaga mag iingat ka d'on."

"Hala, Ma'am!" biglang sabi ni Ate na kahera kaya napatingin ako sa kaniya. "Pulang-pula na po si Sir," turo n'ya kay Zack.

Kaagad akong humagalpak ng tawa ng umiwas ng tingin sa 'kin si Zack. Tahimik n'ya lang na kinuha ang paper bag na naka patong sa counter.

"Kuhang-kuha n'yo po yung kiliti ni Sir!"

I laughed so hard. Mas lalo pa namula ang mukha ni Zack dahil sa sinabi ni Ate na halatang nang-aasar lang naman sa kaniya. Hindi na s'ya maka pag salita dahil don. Sumunod naman ako sa kaniya nang mag lakad na s'ya.

"S-san mo gusto kumain?" he shuttered.

"Bakit ka nauutal?" pang-aasar ko lalo. "Ulitin mo 'yung hindi ka na mauutal. Again, baby!" I teased.

"Stop it," mariin suway n'ya sa 'kin.

Hinawakan naman n'ya ang tuktok ng ilong n'ya habang nakaiwas ng tingin sa 'kin. Ang cute naman n'ya asarin nang asarin. Ganito pala kiligin ang isang Zack Bueneventura.

"Saan mo nga gusto kumain?" mas lalo pa naging seryoso ang tono ng boses n'ya.

"Kahit saan! Basta kasama ka!"

Kaya sa huli dinala nalang namin ang sarili namin sa Jollibee. Mukhang favorite n'ya kasi ang gravy dito lalo na ang burger. S'ya na ang nag desisyon na mag order ng pagkain namin. Kagaya nalang ng dati, ako ang nag hanap ng pwesto namin.

"Sir, pakilinis naman po nito," pang lolo ko sa kaniya pag dating n'ya sa pwesto namin dalawa.

Pabiro n'ya lang akong siniringan tsaka hinila ang upuan sa harap ko. Nakakaloko ko naman s'ya tinitigan habang naka palumbaba sa harapan n'ya. Pabiro naman n'ya tinakpan ang mukha ko gamit ang buong kamay n'ya.

"Ang liit ng mukha mo," pang-aasar n'ya.

Halos buong mukha ko na kasi ang palad n'ya. Maliit na chubby cheeks ang mukha ko. Kahit na petite ako. Ewan ko ba ganito na talaga ang katawan ko. Mas lalo pa tuloy nila sinasabi na mukha akong junior highschool dahil din sa height ko. Siguro nasa 5'5 ako minsan 5'4. Depende rin kasi sa nag susukat.

"Ayan na tumunog na ang buzzer. Pasok ka na for final round!" pabirong sabi ko. "Congrats!"

Seryoso naman s'ya tumayo para kunin sa baba ang order namin. Kung ano-ano na ang kinakalikot ko kung saan-saan para libangin ang sarili ko. Nang dumating na si Zack umayos na ako ng upo.

"Kita mo 'yon?" turo ko sa building na nasa labas ng salamin na bintana. "Ayon ang ihahambalos ko sa 'yo."

Hindi n'ya pa rin ako pinansin habang inaayos ang order namin. Sobrang organize n'ya talaga sa lahat ng bagay. Kaya hindi nakaka pag taka kung ganyan s'ya kalisin sa sarili n'ya.

Among Dapitan (Pentalogy Series #2)Where stories live. Discover now