35

309 3 0
                                    


"Mr and Mrs, Bueneventura."

Napaayos kaagad ako ng tayo ng makita ang mga magulang ni Zack na papalapit na sa pwesto namin. Maaga kami nakarating dito at sumunod naman ang mga magulang ko tsaka ang mga magulang ni Zack.


"I'm sorry we're late," humingi ng tawad na sabi ng Mommy ni Zack.


"No problem hindi naman malaking bahay ang five minutes." Nag tawanan sila dahil sa sinabi ni Daddy.


Tumikthim muna si Zack tsaka nag salita. Isinabi niya kung kailan ang kasal at syempre ang pagdadalang tao ko. Kaagad kinapitan ni Ma'am Solene ang kamay ko.


"Are you okay hija? Iwasan mo ang stress, ha? Uminom ka ng maraming tubig. Gusto mo mag hire ako ng private nurse mo?" Sunod-sunod na sabi ng Mommy ni Zack.


"Okay lang po ako, Ma'am—"


"Uh! Don't call me Ma'am," tumawa siya. "Mommy or Tita. Ikaw bahala kung saan ka komportable."


"Okay po tita," ngumiti ako sa kanila. "Hindi naman po kailangan tsaka baka mailang din po ako kapag may ibang tao po sa bahay namin. Kaya ko naman po. Nag file na rin po si Zack ng leave for one moth. Hindi naman po maselan ang pagbubuntis ko sabi ng obgyn ko."


Mukhang natuwa naman sila Mommy kung gaano ko nagagawang hawakan ang lahat ng maayos. Ganon naman dapat. Ayoko naman na umasa lang kung kanikanino. Plus gusto kong maranasan yung hirap bilang isang isa.


"Anong theme ang wedding?" Tanong ni Mommy.


Wala sa kanila ang nag suggest ng theme or kung ano ang gusto namin sa buhay namin ni Zack. Hinayaan lang nila kami na sabihin sa kanila ang mga plano namin.


"Garden wedding po," sabi ko.


Tumutungo naman sila habang pinapakinggan ang sinasabi ko. Ang sabi lang nila basta andyan sila sa likod namin para suportahan kami sa mga gusto namin sa buhay namin.

"Happy birthday to you..."

Nagulat ako ng bigla nalang may lumapit na mga waitress sa amin habang may dalang cake. Halos mawala na sa isip ko na birthday ko pala—September 4.

"Happy birthday, baby," nakangiting sabi ni Zack.

"Happy birthday, hija," sabay na bati ng mga magulang ni Zack.

"Happy birthday. Baby ka pa rin namin kahit magkaka-baby ka na!" Umiiyak na sabi ni Mommy.

Isang munting regalo ang dumating sa buhay ko at iyon ang anak namin ni Zack. Wala na akong hihilingin pa. Pakiramdam ko buong-buo na ang pagkatao ko.

"Kaya naman natin 'to 'di ba?" Tanong ko sa kaniya habang nakahiga kami pareho sa kama. Pinaglalaruan niya ang buhok ko hanang nakahiga ako sa dibdib niya.



"Of course." Aniya. "Basta kapag may problema wag natin tatakbuhan. Pag-usapan natin muna bago natin solusyonan dalawa. Hindi ako at ikaw ang mag sosolusyon na mag-isa. Palaging kasama ako o ikaw."


Siguradong-sigurado na ako sa kaniya. Walang araw na hindi niya sinabi na mag-ingat ako at wala rin araw na hindi niya ako pinaalalahanan na kumain at uminom ng tubig. Noong dumating na ang araw na tapos na ang leave niya. Parang napilitan pa siya na pumasok.


"Baka masita ka dyan puro ka phone. Pupunta naman dito sila Pierre para bisitahin ako." Nakangiting sabi ko. Nasa trabaho siya tapos puro cellphone ang inaatupag niya.


Among Dapitan (Pentalogy Series #2)Where stories live. Discover now