31

229 4 0
                                    

"Pero parang hindi ko pa kayang ihanda ang sarili ko bilang manliligaw mo."

Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya ngayon. Napatigil ako sa nginunguya ko. Hindi siya sa akin nakatingin ngayon kundi sa plato habang pinag lalaruan ang kanin.

"What do you mean?" Nanginginig ang dalawang kamay ko.

"Hindi ko kasi talaga kaya maki pag-sabayan sa 'yo, e." He chuckled. "Tignan mo nga 'tong hinahain ko sa 'yo, adobong baboy."

Naguguluhan akong tignan siya. "Wala naman mali. Ang sabi ko nga sa 'yo, 'di ba. Basta ikaw ang kasama ko, ayos na ako."

"Mali," umiling siya. "Hindi naman pwedeng mag kasama lang tayo. Naiinis ako sa sarili ko kasi hanggang dito lang ako. Hanggang dito lang ang kaya ko."

"Ano ba ang pinag sasabi mo?!" Tumaas na ang boses ko.

"Sumisigaw ka nanaman," awat niya. "Calm down. Nag-uusap lang tayo."

Huminga ako ng malalim at tinignan siya. Isinandal ko ang sarili ko. Minataan ko siya ng isang nanlilisik ng tingin. Nagagalit ako sa mga sinasabi niya. Bakit? Buong-buo ko tatanggapin kung ano siya ngayon. Buong-buo ko yayakapin ang pagkatao niya.

"Hindi ko kaya ibigay sa 'yo ang pinapangarap mong buhay," mahirap na sabi niya. "Kinakapalan ko na nga lang yung mukha ko kapag pupunta ako sa opisina mo, e."

"Dahil gusto rin kitang makita!" Buwelta na ako. Ayoko na marinig kung paano niya laiitin at panliitan ang sarili niya.

"Ibang-iba na yung takbo ng buhay ko," tumungo siya. "Hinding-hindi ko na masasabayan pa ang agos ng buhay na mayroon ka."

"Edi sasamahan kita." Lumapit ako sa kaniya. "Sasamahan kita hanggang sa maging matagumpay ka sa buhay mo. Sasamahan kita hanggang sa maabot mo ang mga pangarap mo."

"Pero may buhay ka rin naman." Umiling siya. "May buhay ka na malayo sa mundo ko."

"Eh, tangina naman!" Napatayo na ako. "Bakit naman ganito? Ayaw mo nalang sabihin sa akin na ilalayo mo na ang sarili mo!"

"Dahil iyon naman kasi dapat..." Yumuko na siya habang pinag kikiskis ang dalawang palad niya. "Wala akong ipagmamali sa 'yo, sa magulang mo, sa mga kaibigan mo. Lahat sila may pangalan na, lahat sila mararanya na ang buhay."

"Bakit ikaw? Wala ba?" Kumalma ako. "Hindi naman batayan kung naka pag tapos o hindi. Hindi mo naman kailangan na may patunayan ka sa ibang tao."

"Pero hindi rin sapat iyon para mabuhay ka," putol niya. "Hindi naman kasi madali ang mabuhay. Tingin mo ba kaya kong mabuhay ng sampu hanggang kinse na libo lang ang sasahurin ko sa isang buwan, hindi."

"Then why...."  Napatulala nalang ako sa kawalan. "Bakit ka pumasok nanaman sa buhay ko kung ganon na hindi pa pala handa? Na bakit ipinaramdam mo sa akin na gusto mo ulit akong yakapin at hindi na pakawalan sa bisig mo. Bakit?"

"I'm sorry...." Humagulgol siya. "Nung nakita lang kita tsaka lang pumasok sa isip ko na, hindi na pala ganon katulad ng dati. Hindi na pala ganon na pwede pa pala tayong umasa sa mga magulang natin. Kasi ngayon, tayo na ang bubuhay sa sarili natin."

"May responsibilidad ako bilang Kuya," mahinang saad niya. "Marami rin pinag gagastusan si Earl sa kurso niya. Mahihirapan akong pagsabayin ang magkaroon ng nobya, e."

Pipiliin niya ang responsibilidad niya at isusuko ang sariling kaligayan para sa kapatid. I mentally noded. Kung ako rin naman ang nasa sitwasyon niya ganon din ang gagawin ko.

"Masyado lang siguro akong umasa na, pwede pa." Umismid ako.

"Pwede pa naman," tumingala siya sa akin. "Na sa 'yo pa naman ang puso't isip ko. Hindi pa talaga sang-ayon sa 'tin ang panahon, e. Sorry, ha? Kung nasasaktan nanaman kita."

Among Dapitan (Pentalogy Series #2)Where stories live. Discover now