32

245 5 0
                                    

"Oh my god."

Nakakahiya naman 'tong mga kaibigan ko at sa comment section pa talaga ni Zack nag kalat. Sana man lang hinayaan niyo muna mag-celebrate yung tao bago niyo pag-trip-an.

Pierre Salvacion:

Wow, nag open ng facebook para lang i-congrats si engr. Halata ka teh.

Lynette Ezalde:

Galaw galaw baka mabulok ang matres.

Keziah Corteza:

Sana man lang nag react ka din sa mga comment namin. Napaghahalataan ka din yah.

Margareth Aviona:

Congrats sending hugs from germany.

Halos matawa ako sa mga pinag co-comment ng mga hinayupak. Alam kong busy din si Zack ngayon dahil sobrang tunog na ng pangalan niya sa field. Pero ang alam ko doon pa rin siya nag tra-trabaho sa mga Salvantes. Kaagad akong nag type sa gc.

Akisha:

Loyal talaga siya sa mga salvantes 'no? Kahit maraming nag offer sa kaniya na biggest company nag stick pa rin siya dito.

Lynette:

malamang malalaki etits ng mga 'yan eh HAHAHAHAHAHAHAHA kahit ako magiging loyal.

Keziah:

Huh?

Napailing nalang ako dahil nauwi nanaman sa kabastusan ang usapan nila. Pumasok nalang ako sa trabaho. Pagpasok ko, andon na si Mommy.

"Kanina ka pa rito, My?" Nakangiting tanong ko habang nilapag ang folder.

"Yup," aniya.

"Ano mayroon?" Kunot noong tanong ko.

"Tawagan mo si Zack," sabi niya bigla kaya natigalan ako. "What?"

"Bakit ko naman gagawin iyon?" Pagmamaktol ko na parang bata.

"I-congrats lang naman namin ng Daddy mo. Napag-usapan na namin kagabi iyan at pumayag naman siya. Wala pa kami napapa-reserve na restaurant kaya ngayon pa lang namin siya sasabihan." Sabi nito.

"Naka-usap niyo na pala, e. Bakit kailangan involed nanaman ako?" Rehistro ko.

"Wala ang Daddy mo," kibit balikat na sabi ni Mommy. "Wala akong phone na dala."

Ugh, this old woman. Bumuntong hininga nalang ako tsaka inabot sa kaniya ang phone ko. Naka-dial na doon ang number ni Zack at pipindutin niya nalang ang call botton.

"Where are you?" Napaka kaswal naman na tanong ni Mommy. "Yes. Naka-pa-reserve na kami ng restaurant. Of course!"

Pinapanood ko lang sila na habang nakakunot ang noo. Parang mas anak na nito si Zack, ah. Umiling nalang ako at inumpisahan mag trabaho.

"Dress nicely later," sabi ni Mommy pagkaabot ng phone ko.

"Why?" Balik na tanong ko.

"Duh? Malamang sasama ka sa amin ng Daddy mo." Kaagad akong umiling habang nakangiti.

"No way..." Umiling ako. "Hindi ako papayag sa ganyan gimil niyo Mommy. Kayo ang nag plano niyan kaya kayo kayo lang ang uutal ng plinalo niyo."

"Tatanggalin ka namin sa trabaho kung ganoon." Puno ng pambabanta ng boses niya kaya napatingin kaagad ako habang nakanganga.

"Power tripping ka, My?" I hissed. "Ayoko nga. Kahit anong pilit niyo pa."

Among Dapitan (Pentalogy Series #2)Where stories live. Discover now