20

214 3 0
                                    

"Akisha, dalian mo na. Baka ma-late pa tayo sa venue."

Syempre bunganga 'yon ni Mommy habang kinakatok ako mula sa kwarto. Aba naman kasi masyado akong minamadali. Baka kapag ako ang nainis sila nalang dalawa ni Daddy ang umalis. Biro lang paano naman silang dalawa lang. Sobrang halaga nitong araw na 'to.

"Happy birthday our dear."

Napanguso kaagad ako ng bigyan ako ni Daddy ng isang velvet box. Alam ko na kung ano ang alam non. Malamang jewelry!

"Waaah!" Maarteng sigaw ko habang hawak yung box. "Daddy mahal 'to, ah?"

Ngumiti lang siya tsaka binuksan ang dalawang braso sensyales na yakapin ko siya. I made a sad face. Ang mahal naman nito.

"Thank you so much, Dy!"

Hinalikan niya ako sa sentido ko bago ako pinalawalan. Bumaba na si Mommy sa hagdan habang sinusuot pa ang earings niya.

"Let's go. Gosh anong oras na." Nag pa-panick na sabi niya.

Sabay-sabay kaming tatlo na lumabas ng bahay para maka byahe na papunta ng venue.

Kakauwi lang namin nung nakaraan linggo galing sa anniversary celebration namin ni Zack. Sobrang memorable non! Talagang na feel namin dalawa yung kami lang.

"We're here!" Energetic naman masyado nito ni Mommy.

Ako ang kinakabahan, e. Paano naman kasi halos lahay yata ng mga may pangalan na sa iba't-ibang industriya andito na. Kulang nalang i-invite ng mga magulang ko yung presidente ng pilipinas.

"Happy birthday our kikay!" Pierre approached me. "For you. Hope you will like it."

"Thank you 'te," nakangiti naman ako na bumeso sa kaniya. "Sobrang sexy mo naman ngayon. Nakaka lula 'yan waistline mo."

Mahinhin lang siyang tumawa at pabirong hinampas ang balikat ko. Napalingon ako sa likod niya ng makita ang isa ko pa kaibigan.

"Bruha oh," barumbadong inilahad sa akin ni Lynette yung regalo niya sa akin. "Mahal bili ko dyan. Subukan mo lang mag reklamo."

Pabiro ko nalang siyang siniringan tsaka sinamahan sa table nila. Ang sabi ko sa mga magulang ko kahit simpleng celebration okay lang naman sa akin. Pero sobrang pilit nila. Ngayon nalang ulit kasi kami mag kikita dahil sobrang hectic daw ngayon sa hospital.

"Hija halika." Napatingin ako kay Mommy ng lumapit siya sa amin habang nag dadaldalan kami nila Lynette.

Nag paalam muna ako sa mga kaibigan ko tsaka nag pahila kay Mommy. Binati naman nila Pierre ang Mommy ko kaya nginitian sila nito. Hinahanap pa nga ni Mommy yung kulang kong kaibigan pero wala pa sila. Maaga pa naman kasi. Masyado lang talaha early bird si Mommy't Daddy.

"This is Vinely Salvantes and Tyla Salvantes. Mr and Mrs Salvantes this is my unica hija. Akisha."

Parang sobrang formal naman ni Daddy sa dalawang 'to. Ang pag kakaalam ko may sarili silang construction and trading company dito sa bansa. Pero highlight lang yung alam ko. Hindi naman ako chismosa. Naririnig ko lang sa kanila.

"Wow you're so fabulous!" Nakangiting bati sa akin ni Mrs Salvantes.

"Thank you Mrs, Salvantes. Nice too meet you po. Enjoy the party po," magalang akong tumungo sa kanilang dalawa. "Excuse me plase."

Nag paalam na rin ako since ayoko naman na masali sa usapan ng matatanda. Nilibot ko ang panigin ko ng makita wala pa si Zack. Naramdaman ko na nag vibrate ang phone ko tsaka ko nakita na may text siya.

Among Dapitan (Pentalogy Series #2)Where stories live. Discover now