30

263 5 0
                                    

"Karinderya nanaman?"

Bumusangot si Earl ng malaman kung saan kami kakain tatlo. Inayos ko nalang ang pagkakaupo ko tsaka hinarap silang dalawa.

"Naiinitan ka ba?" Nag-aalalang tanong niya. Inayos niya yung electricfan patutom sa amin pero imbis na hangin ang mapunta sa akin, alikabok. "Sorry!"

Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Earl kaya natawan na lang din ako. Lumapit si Zack sa pwesto ko para alisin ang ilan alikabok sa buhok at mukha ko.

"Bagay kayo," pinapanood pala kami ni Earl. "Mag ex siguro kayo 'no?"

Napailing nalang ano tsaka kami pumunta sa unahan para um-order ng pagkain. Fashion designer pala ang kinuha na program ni Earl. Tapos ngayon nag hahanal nalang siya na pwedeng pasukan na comapany. Tapos na rin niya gawin ang portfolio niya.

"Naka pag-aral ka rin pala sa ibang bansa kahit isang taon. Gamitin mo na iyan para maka pag hanap ng magandang kumpanya. Ang gaganda ng piece mo. Sayang may ilalakad din ako sa 'yo ngayon kaso nasa Germany na." Pagkwekwento ko.

Nag daldalan muna kami at nag kamustahan. Pinapanood lang kami ni Zack na mag-usap ng kapatid niya. Kahit na ganon isinasali ko naman sila sa usapan nila.

"Ang sabi ko nga kay kuya wag na mag trabaho sa ibang bansa noon para kahit papano'y maka pag pahinga ang katawan lupa niya. Pero wala, nag trabaho pa rin," pagsu-sumbong sa akin ni Earl.

"Hmm? Anong trabaho?" Tanong ko habang kumakain.

"Care giver," simpleng sagot ni Zack.

Napatulala lang ako sa kaniya habang tumutungo. Hindi ko naman alam na hindi pala naging madali yung buhay nila sa ibang bansa. Kailangan nila mag trabaho para maka survive doon dahil mahal pala ang cost of living.

"Na lugi din kasi yung negosyo doon ni Daddy kaya wala kaming choice kundi ang umuwi dito sa pilipinas. Ganon na nangyari lumiit nanaman ang mundo namin at nag kita ulit kami ni Mommy." Sabi ni Earl.

Huli na ng malaman ko kay Lynette na mag kapatid pala sila sa ina nila Zack. Kaya minsan nakikita ko ang nanay nila. Solene pala ang pangalan non. Hindi ko pa siya na-meet noon. Kaya hindi niya alam na may pinag samahan kami ng anak niya. I don't know. Baka ikwine-kwento rin ako ni Lynette.

"Ikaw ate kamusta naman yung naging buhay mo pag tapos ng ilan taon?" Magiliw na tanong ni Earl.

Naging komportble naman na akong kausapin ang tungkol noon. Parang ito na rin yung naging daan para mag bigay tanaw at silip sa buhay namin sa isa't-isa nung hindi kami mag kasama dalawa.

"Kumilala ako ng bago noon," pagsimula ko. Hindi naman kailangan pang itago iyon dahil single naman ako noon. "Pero wala, e. Isang lalaki lang talaga yung namalagi sa puso ko."

"Hanggang ngayon?" Umaasang tanong ni Earl.

"Ewan," kibit balikat na sabi ko. "Sa totoo lang hindi mo rin alam. Pero andyan pa rin siya sa tabi ko," tumingin ako kay Zack na ngayon may nag babadya nanaman na luha. "Hinihintay na piliin ko rin ang sarili ko."

Para kasing ang iksi ng panahon na ibinigay para sa amin. Parang hindi pa ako handa. Natatakot pa rin ako na maulit nanaman yung dating na na nangyari. Na baka sa huli, iyak at pagtangis nanaman ang kapalit.

"Hindi naman siya na wala sa tabi mo, ate." Hinawakan ni Earl ang kamay ko. "Dahil hanggang sa america ikaw ang laman ng puso't isip nyan."

"Earl," suway ni Zack.

"Bakit kuya?" Tumawa siya. "Andon yung katawan niya pero andito ang diwa niya. Palaging tinatanong sa mga malapit na kaibigan mo kung kamusta ka na at palagi kang silipin."

Among Dapitan (Pentalogy Series #2)Where stories live. Discover now