23

195 3 0
                                    

"Academic cheating? Putangina hindi ko kailangan nyan!"

Pinag hahampas ko ulit ang unan tsaka ko kinagat ang ibabang labi ko. Sunod-sunod na problema ang kinahaharap ko.

Natalo kami sa national, nag kagulo ang mga kaibigan ko dahil sa akin, nag kakalabuan na rin kami ni Zack. Ano ang uunahin kong ayusin sa mga 'yan? I feel mentally ang physically exhausted. I need to breath.

Kakausap ko lang sa prof ko regarding sa thesis namin. Pero hindi siya nakinig sa akin. Ang sabi niya lang hihintayin niya lang namin ang hearing. Alam kong sa mga oras na 'to alam na ni Mommy ang tungkol dito.

Kumalat kaagad ang issue na 'yon sa field ko. Kaya... hiyang-hiya ako kahit hindi ko naman ginawa iyon.

'Akala ko pa naman matalino siya. Hindi pala. Hanga-hanga pa naman ako sa mga plates niyo sa instagram. Baka nga hindi siya yung gumagawa non.'

'Ang tanga kasi bakit siya nag pahuli.'

'May reputasyon pa naman ang pamilya niya tapos mandarambog din pala siya.'

Iyan ang naririnig ko kanina pag labas ng office ng prof ko. Lahat sila kwinekwentsyon bigla ang kakayahan ko. Manduruga? Kahit kailan hindi ko magagawa iyan.

Iniisip ko pa lang ang sinasabi sa akin ng ibang tao nababaliw na ako. Buong linggo nasa loob lang ako ng kwarto ko at hindi pumapasok. Talaga hinihintay ko lang ang hearing proccess. Gustong-gusto ko na sumabog. Hindi ko na magawang sumigaw at magalit kahit doon... napapagod na ako.

"Putangina niyong lahat!"

Puno na ng kalmot ang hita ko habang sinasabunutan ang sarili ko. Ano kayang iisipin nila Mommy at Daddy na may maduruga silang anak. Itatakwil ba nila ako?

Kahit maaga yung hearing bukas hindi pa rin ako makatulog. Wala akong ginawa kundi ang umiyak nang umiyak. Wala akong mukhang ihaharap kila Mommy. I had a councel with me. Kailangan galing pa sa univeristy iyon. So yung coach ko nalang ang katabi ko ngayon.

Isa-isa kami pinapasok sa loob. Para akong hahatulan dahil sa tingin nila sa akin. Sobrang naliliit ako habang nag lalakad sa upuan ko. Alam kong nakatingin na sa akin sila Mommy. Pero hindi ko sila tinignan.

"I didn't do that..." Pagtatanggkol ko sa sarili ko.

"Then we will decide," sabi nung disciplinary.

Dapat binasa ko lahat. Tinignan ko ulit yung thesis namin tsaka ko nakita yung kay Claire. Revised na 'yon pero wala yung source. How?

Plinano niya ba 'to? Hindi naman 'di ba? Kasi kahit siya babagsak kasama namim kung gagawin niya iyon. Dapat kasi nung una pa lang hindi ko na hinayaan na kami ang mag kakagrupo.

Ang tanga.

Ang tanga lang.

"You may go, Miss Vladenx." Sabi sa akin ni disciplinary board. Kinuha ko na kaagad ang mga gamit ko at nag madaling umalis sa loob. Ayoko maka-usap sila Mommy.

Alam kong nag hihintay sa labas yung dalawa. Gaya ng inaasahan ko andon nga sila. Parang nag liyab ulit ang galit sa puso ko ng makita silang dalawa na prenteng naka-upo lang at halatang walang inaalala. Becuase they have connection to manipulate the situation.

"Akisha!" Tawag sa akin ni Pau kaya huminto ako sa pag lalakad.

"Don't talk to me please." I begged.

Nag madali ako mag lakad. Sa fire exit ako bumaba kaya napaupo kaagad ako sa may hagdan habang naka takip ng isang kamay ang bibig ko.

"Argh!" I hurt my self again.

Among Dapitan (Pentalogy Series #2)Where stories live. Discover now