19

190 4 0
                                    

"Happy 1st anniversary, babe!"

Maaga akong gumising para rito. Nakaluto na rin ako ng umagahan namin since dito natulog si Zack sa condo ko. Naka balot pa nga siya ng comforter noong pumasok ako ng kwarto ko.

"Babe, gising na. Maaga pa flight natin," dahan-dahan ko hinihimas ang likuran niya. Ayon kasi ang pang pagising ko sa kaniya.

Narinig ko na ang pag hikab niya kaya napangiti ako. Kahit ilan dekada yata na pag gising ko sa kaniya hinding-hindi ako nag sasawa. Sobrang gwapo pa rin at ang linis niya tignan.

"Anong oras na?" he asked, inaantok pa rin.

"4AM. Tara na, kain na."

Pigil ang sigaw ko noong hilahin niya ako mula sa pag kakahiga. Hinampas ko naman siya sa braso kahit na alam kong hindi siya masasaktan sa ginagawa ko. Kinulong naman niya ako sa dalawang braso niya habang yakap-yakap niya ako mula sa likuran.

"Tara na kasi. Puro harot, eh!" malanding sabi ko.

Hinalikan muna niya sa temple ko bago tuluyan tumayo at nag unat.

"Ano 'yon, Zack? Ulitin mo nga," pagloloko ko noong makita ko ang morning wood niya.

Pabiro naman niya ako siniringan tsaka lumabas na ng kwarto ko para mag hilamos na sa banyo. Inayos ko pa ang puyod ko para hindi masyadong magulo. Nakasuot lang ako ng cycling shorts para kumportable sa pagtulog. Over size shirt naman ang pang itaas ko.

"Are you excited?" parang batang tanong ko sa kaniya.

"Of course. Pinag planuhan natin 'to, eh." he said.

Ngumiti lang ako sa kaniya tsaka ako lumapit. Binuksan naman niya ang dalawang braso niya tsaka ako umupo sa hita niya. Niyakap naman niya ako gamit ang dalawang braso niya.

"Subuan mo 'ko," inaantok na sabi niya sa akin tsaka isinandal ang baba, nang lalambing.

Humagikgik lang ako tsaka kinuha na ang mga kubyertos. Dalawang putahe lang naman ang niluto ko dahil alam 'kong konti lang ang kakainin namin ngayon.

Pagkatapos namin kumain sabay na kami naligo ni Zack. Dino-double check nalang namin ang mga dadalhin namin sa Palawan.

Sa Palawan na rin namin napag desisyunan na ganamit ang unang taon namin na magkasama. Ang pagkakaalam ko pa nga may check up doon sila Mommy sa isang maliit na baryo doon.

"Yey we're done. Let's go!" ani ko.

Hinalikan ako sa pisngi ni Zack tsaka kami nag lakad palabas ng building namin. Tangi buwan pa lang ang nag sisilbing liwanag dito. Pero kahit ganon, hindi naman sobrang dilim. Sobrang lamig din ng simoy ng hangin.

"I can't wait!" sabi ko pagpasok ng kotse. "Mag banana boat tayo tapos sasakay tayo doon sa floating bamboo! Waah! Tapos kasama pa kita. Imagine, isang taon na tayo, babe? Mas lalong hindi ako makaka paghintay sa mga susunod pa na taon na mag kasama tayo!"

"Alright," natatawang sabi niya habang nakikinig sa pagdadaldal ko. "Lahat ng 'yan gagawin ko na mag kasama tayong dalawa."

Siya at siya lang din naman ang nakikita ko sa mga pinaplano ko para sa sarili ko noong bago pa ako pumasok sa isang relasyon.

Parang noon lang sinasabi ko pa sa mga kaibigan ko kung ano at pano ko gusto mag patakbo ng isang relasyon. Natatakot ako nung una kasi syempre, first time ko 'to. Unang beses ko pa lang 'to na papasok ako sa isang relasyon.

Pero si Zack kahit kailan hindi ako nakaramdam ng kahit anong takot. Kahit sa mga naririnig ko mula sa mga kaibigan ko na pangamba na maloko kami.

Una syempre natatakot ako na baka sa 'kin mangyari 'yon. Pero hindi. Hindi pinaramdam sa akin ni Zack na may dapat akong katakutan sa relasyon na 'to.

Among Dapitan (Pentalogy Series #2)Where stories live. Discover now