34

239 5 0
                                    

"Of course! Oo, Papakasalanan kita."

Nanubig kaagad ang mata ko ng dahan-dahan niyang isuot sa akin ang singsing. Yung akala ko'y mag tatalon sa tuwa dahil sa reaksyon ko, ngunit iba. Umangat ang tingin ko sa kaniya at nakita ko siyang umiiyak na. Ngumiti siya sa akin habang patuloy pa rin na umiiyak.

"Hey..." Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya tsaka pinisil iyon.

"Don't mind me," umiling siya. "Lahat ng pinaghirapan ko, lahat ng pinag trabauhan ko, lahat ng pawis ko—nasuklian. Dahil sa tamis mong oo."

Hinawakan ko ang pisngi niya tsaka ko marahan na hinalikan iyon. Taimtim lang kami dinadama ang bawat sandali. Ito ang matagal ko ng pinapangarap, e. Hindi ko naman aakalain na matutupad.

Hindi ganon kadali ang pinag daanan namin dalawa. Nag hiwalay kami para mas makilala namin ang sarili namin. Minsan na rin kami nabigo sa mga pangarap namin. Ngunit nag desisyon kami tumayo upang mag patuloy. Hindi man namin natupad dalawa iyon na mag kasama pero bandang huli, kami pa rin ang pahinga ng bawat isa.

Loved, comfort, safe, and senerity. Tatlong katangian ngunit sa pagmamahal lang ni Zack, lahat iyon naramdaman ko sa kaniya.

"I love you." He whispered. "I can't wait to see you in aisle."

"Tapos ikaw yung nasa dulo, hinihintay yung magiging misis mo," tumawa ako.

Yakap namin ang isa't-isa habang tumatangis. Wala na akong hihilingin pa. Bumuntong hininga ako tsaka kami kumain sa amercan restaurant. Puro tawa st kwentuhan pa rin ang nangyayari sa amin.

Halos tatlong linggo ko rin na-aya ang mga kaibigan ko na tumambay dahil nga may mahalaga akong sasabihin sa kanila. Puro chat or text nalang kasi kami. Ayoko naman na sabihin iyon kasi gusto kong makita ang mga reaksyon nila. Ikakasal na ang pinaka magandang kaibigan nila!

"Mga te guess what!" Tili ko sa kanila.

Andito kami ngayon sa condo ni Lynette habang umiinom kami ng wine. Ako ang huling nakarating dahil marami pa akong tinapos na mga papers.

"Ano? Juntis ka. Ine-expect na namim tsaka hindi na kami magugulat." Walang kwentang sabi ni Lynette.

"Yown may kalaro na si Clau!" Tawang-tawa sabi ni Yael.

"Ano nga?" Hindi na mapigilan ni Avi na magtanong.

"Ikakasal na ako!" Untag ko.

Halos mahulog ang panga nila sa sahig habang naka tingin sa akin. Reaksyon ba nila iyan na sobrang swerte sa akin ni Zack? I mean sobrang ganda ko na tapos hands on ko pa 'no!

"Sure na ba iyan?" Nag-aalalang tanong ni Yael.

"Malamang oo ba ako kung hindi?" Busangot ko tsaka umupo sa tabi nila. Bwisit 'to itatanong pa kung sigurado na ba.

"I mean si Zack. Sigurado na ba sayo?" Napanganga ako sa sinabi ni Yael kaya hinampas ko siya sa balikat. Nag tawanan naman ang mga kaibigan ko.

"But I'm pretty sure na magiging gentle yung pagsasama niyong dalawa. Knowing Zack parang hindi ko man lang narinig na lumakas yung boses non. Sobrang hinhin," nakangiting sabi ni Pierre.

"Ngayon ko nga lang din napansin iyon," tumutungo sabi ni Avi.

"Eh, itong bruha lang naman yung malakas at matibil ang bunganga. Sobrang sakit sa tenga kahit na malapit lang yung kausap niya." Turo sa akin ni Lynette.

"Hoy!" Balik ko ng duro.

"Oh 'di ba? Kaawaan sana ng diyos si Zack. Kawawa ang kapatid ko." Umiiyak na sabi ni Lynette habang umaarte na pinupunasan ang luha niya.

Among Dapitan (Pentalogy Series #2)Where stories live. Discover now