22

195 3 0
                                    

"I miss him."

Nanunubig ang mata ko habang kausap si Ke sa labas ng convient store. Naka-uniform pa siya habang may hawak ng beer. Lumabas naman si Avi habang may hawak ng paper bag. Bumili ng pulutan.

"Bakit mo kasi tinaboy kaagad? Malay mo naman kasi gusto lang talaga niya makatulong sa sitwasyon mo." Suhesto ni Avi tapos umupo sa tabi namin ni Ke.

"Gumaan ba yung loob mo nung hindi mo siya kinausap?" Tanong niya kaya umiling ako. "See? Edi kausapin mo na."

"Paano?" Umiiyak na tanong ko.

"I-text mo or tawagan mo," walang emosyon na sabi sa akin ni Avi.

"Gaga ka kasi. Dapat lang naman talaga mag sorry ka sa pinag sasabi mo. May damdamin din yung tao." Galit na sabi sa akin ni Ke.

"Tsaka mahirap 'yon. Galing pa sa tanong mahal mo yung nag sabi sa 'yo ng ganon." Nagpakawala ng buntong hininga si Avi.

"Sige pag-iisipan ko," pinunasan ko na yung luha ko.

"Iiyak mo lang. Kung iyan naman yung mag papagaan ng loob mo." Hindi naka tingin sa akin na sabi ni Ke. Kumakain naman sila ng chichirya habang ako umiinom ng beer.

"Wala bang makakakita sa 'yo dito, Ke? Mamaya may mag sumbong sa administrator mawalan ka pa ng scholarship." Puna ni Avi.

May hawak pa kasing beer si Ke tapos naka uniform pa siya. Ang tapang naman nitong isang 'to. Bago pa man kami bumaba dito inalok ko siya na papahiramin ko siya ng damit pero tinanggihan niya ako.

"Sino naman mag susumbong? Wala 'yan. Ang layo-layo ng MOA dito." Walang pakialam na sabi ni Ke.

"Ikaw bahala," hindi na nangialam si Avi.

"Ano ng balak mo bakla?" Tanong sa akin ni Ke habang umiinom. "Tapos pinalipas mo pa yung ilan araw. Baka sobrang sama na ng loob sa 'yo ni Zack niyan."

"Mamaya tatawagan ko siya." Binigyan ko sila ng ngiti.

Tumungo sila kaya umakyat na kami. Nasa ibaba lang kasi ng condo ko yung convient store dito. Pagka akyat namin nag bihis na ako ng pang tulog. Dito matutulog si Ke tsaka Avi. Nasa kwarto na silang dalawa habang ako nag paiwan sa sala dahil kakausapin ko pa si Zack.

"Babe," he answered.

Nag-open cam kaagad siya kaya nakita ko kaagad kung ano ang ginagawa niya. Tumingin pa siya sa screen ng hindi ako nag sasalita.

"Uhm," pinaglalaruan ko ang daliri ko habang naka yuko. "I'm sorry babe."

Para tuloy akong bata ngayon na nag hihintay pagalitan ng magulang niya. Dapat talaga hindi ko pinangunahan ng emosyon ko kanina.

"Ano natauhan ka na?" Tumawa siya ng mahina.

"Oo, sorry!" Napatakip ako ng mukha dahil sa kahihiyan.

"It's fine. We have mistakes. There's always room for improvement so try to be better person." He smiled.

Gumaan ang loob ko ng maka-usap ko si Zack. Nung hindi kami nag-usap dalawa nilaan ko ang oras ko para makahabol pa sa mgan pendings ko. Tapos na ako sa part ko sa thesis. Ongoing pa rin sa revision si Pau at Claire nung nakaraan linggo. From time to time, palagi kong chine-check ang gawa nila kahit hindi ko naman responsibilidad iyon.

"Date tayo tommorow bebe?" Paglalambing ko sa kaniya.

"Sure, my love." Malambing na sabi niya na parang wala akong nagawang kasalanan.

I spent my hour talking to him. Kamustahan kung ano ang ginawa namin nung panahon na hindi kami nag-uusap. Parang nagkaroon kami ng hangin sa relasyon namin. Kailangan pala non? Parang mag papahinga lang saglit kapag hindi na talaga kaya. Much better kaysa hiwalayaan 'no?

Among Dapitan (Pentalogy Series #2)Where stories live. Discover now