01

1K 12 1
                                    

"Tara, Dapitan."

Inis ako bumaling kay Yael nang mag-aya s'ya habang nasa labas ng classroom namin. Naka sandal pa sa labas ng pinto, pinag bubulungan tuloy s'ya ng mga blockmates ko, ang gwapo raw. Mga bulag yata, eh.

"Ang init-init, Yael."

Pogi naman talaga siya, not gonna lie. Ang kaso sobrang pihikan pagdating sa magiging jowa niya. Dinaig pa niya ang pagiging birhen dahil sa isang jowa lang niya noong highschool pa kami.

Matangkad siya, moreno, makapal ang dalawang kilay at bilog ang mata. Namumula din ang labi dahil hilig niyang basain ito.


"Ikaw, ang layo layo ng building ng mga engineering nakaka punta ka rito. May sinisilayan ka 'no?" Tumatawang pang aakusa ko sa kaniya.


"Wala, ah! Gusto lang kita maka-sama, e." sabi niya. "Syempre ikaw manlilibre sa akin."


Inis ko pinalo ang tiyan n'ya kaya napa-aray kaagad ang gunggong. Aba, pupunta lang pala rito kapag kumakalamnan ang sikmura. Alam ko naman na joke lang 'yon, gusto ko lang s'ya saktan. Nag lakad lang kami hanggang makarating ng Dapitan, marami kasi street foods doon.

"Mahilig ka pala sa street foods. Bakit hindi ka kumain ng kalsada?"


Barumbadong tanong ko sa kaniya habang kumakain ng kwek-kwek. Narinig ko naman ang tawa ni kuya vendor kaya kinindatan ko. Bentang-benta kasi sa kaniya ang mga jokes ko, eh.


"Unahan mo, susundan ko," pang hahamon ni Yael.

Naka-unifrom pa kami syempre, may pasok. Breaktime pa lang kasi namin kaya nag-aya 'to na kumain na muna sa labas. Wala naman ako palag kapag s'ya ang nag-aya. Paano kuripot! Ayaw gumastos.


"Yael, hanapan mo nga ako ng crush. Pampagana lang sa araw-araw."


Suggest ko sa kaniya, habang nililibot ang paningin ko sa paligid. Narinig ko naman ang mahina n'ya tawa kaya kumunot ang noo ko.


"Ang true love, darating din 'yan wag ka masyadong atat," nakangiting sabi niya.


"Ito!" turo ko sa kaniya gamit ang stick."Ang oa mo! Crush lang ang pinapahanap ko true love kaagad 'yan nasa isip mo. Gan'yan naba kapag tumatanda na?" tumatawang tanong ko sa kaniya.


Nag-chikahan lang kami hanggang matapos kumain, tinapon ko na sa basurahan ang baso at nag lakad palapit sa kaniya. Inakbayan nalang n'ya ako pabalik sa building namin. I took Archi in UST, second year. Masaya naman lalo na't second year na namin. Hindi pa naman hectic at nagagawa pa naman ang mga plates. Ayoko mag-cram dahil mas lalo magugulo ang mga ideasko.


"May meeting? Ano ba 'yan gagala kami mamaya, e." Inis na sabi ko pag ka kita sa group chat namin.


Wala naman ako palag kaya ganoon nalang ang nangyari. Nag-update nalang ako kila Lynette na baka ma-late ako pa puntang Dapitan. Walking distance lang naman 'yon kaya keri na. Nakapalumbaba lang ako habang nakikinig sa prof namin.

"Dismiss."


Pagka sabi pa lang n'ya non nagre-touch na kaagad ako para naman hindi maputla. Nag kakagulo na ang mga blockamates ko dahil may mga meeting din sa iba't ibang org na sinalihan nila. Wala pa naman kami masyado plates ngayon kaya petiks-petiks pa lang ang schedule namin. Kaagad naman ako tumakbo sa kabilang building upang hindi ma-late sa meeting namin.

"Hi!" masayang bati ko sa mga ka org ko.


Umupo kaagad ako sa monoblocks na nakita ko. Nilibot ko ang paningin ko ng may makita isang lalaki na naka upo sa kabilang table habang nag babasa. Nakatalikod s'ya ngunit kitang-kita ko ang pustura ng pangangatawan n'ya.


Among Dapitan (Pentalogy Series #2)Where stories live. Discover now