07

356 4 0
                                    

"Ulitin mo nga, dali na, Zack."

Kanina ko pa s'ya kinukulit na sabihin n'ya sa 'kin na he admiring me, pero matigas talaga ang buto n'ya. Pinag krus ko nalang ang braso ko at tumingin sa harapan, tinigil ko ang ang pangungulit sa kan'ya since, nag dra-drive s'ya. Maulan pa naman at baka kung ano ang mangyari.

Ganito kasi yung mga napapanood ko sa teleserye, eh. Kung kailan nahulog na yung lalaki sa babae tsaka pa mag kakaroon ng trahedya. Ayoko naman mangyari sa 'min 'yon ni Zack, baka maudlot pa ang pag-iibigan namin dalawa. Hindi ko lang talaga maiwasan na isipin na he admiring me! Ano na kaya ang next?

Napalingon ako ng marinig na tumawa s'ya ng mahina dahil sa pagiging grumpy ko. Hindi naman sa grumpy ako, talaga lang naman ayoko lang s'ya kulitin kasi nga nag dra-drive s'ya.

"I admiring you... a lot." mahinang sabi n'ya habang nag mamaneho.

Kaagad naman akong lumingon sa kaniya. He crunched his nose, obviously shy. Natawa naman ako ng mahina dahil d'on. Hays ang ganda ko talaga 'no? Nahihiya pa talaga s'ya sa 'kin.

"I admire you too," I giggled.

Para naman bago sa kan'ya 'yon sa una pa nga lang namin pag kikita sinabi ko na sa kan'ya na crush ko s'ya.

"Stop what you're thinking," he firmly said.

Tumawa naman ako ng malakas bago ko s'ya lingunin ulit. "Iniisip ko lang yung future natin, Zack. Ako ang gagawa ng mga interior ng bahay natin." Tinaas ko pa ang dalawang kamay ko na parang may lalabas na isang malaki TV para ipakita ang na i-imagine ko.

Kailangan lang talaga n'ya maki pag co-cooperate sa kalandian session ko. Para lang matupad ang pangarap ko... Para sa 'min. Patago tuloy ako humagikgik dahil sa naiisip ko.

"I just confessed like a minute ago, tapos iniisip mo na kaagad ang future natin."

Kumunot ang noo ko tuloy dahil don.

"Bakit? Doon din naman ang punta natin dalawa, ah? Ayaw mo ba?" I laughed.

"No," sagot naman n'ya. "Just take a little bit step... Hindi naman tayo nag mamadali," he chuckled.

So naiisip na nga n'ya na isama ako sa future n'ya?! Sige isasama ko na rin sa bucketlist ko next year ang mga gagawin namin.

Dinaldal ko lang s'ya hanggang makarating na kami sa building namin. Pagkarating namin sa parking lot, binuksan na niya kaagad ang payong. Paglabas sinalubong kaagad kami ng isang malakas na ulan though kailangan pa namin tumakbo papuntang lobby.

"Hala, basang-basa ka," nag-aalalang sabi ko sa kaniya.

Inurong pa n'ya ang payong upang hindi ako mabasa kaya mas na baba s'ya ngayon.

"I-urong mo na banda sa 'yo," aksidente ko pa nahawakan ang kamay n'ya na nakahawak sa payong kaya hindi na ako nag reklamo. Mukhang natigilan pa s'ya dahil don.

Pagka akyat tuloy namin sa lobby nakita ko kaagad na basang-basa ang gilid ng shirt n'ya pati na rin ang pants hanggang sapatos! Mukhang mamahalin pa naman ang mga 'yon. Kaagad naman ako na guilty dahil don. Tumalikod muna s'ya sa 'kin upang ipagpag sa labas ang payong upang hindi tulo-tulo na dadalhin n'ya.

"Basang-basa ka tuloy," nag aalalang sabi ko sa kaniya. "Halika pumasok ka muna sa unit, mag palit ka na muna baka mag kasakit ka."

Sabi ko sa kaniya pag lapit. Tinignan naman n'ya kaagad ako na para ba may gagawin akong hindi maganda sa kaniya. Oo na Zack gwapo ka pero hindi naman ako manyak kagaya ng iniisip mo 'no.

"No need," ngumiti s'ya ng maliit sa 'kin. "Let's go ihahatid na kita."

Tumungo nalang ako para hindi na maki pag talo pa sa kan'ya. Hindi naman ako na offend sa pag tanggi n'ya sa offer ko since ilan floor lang naman ang pagitan namin. Hindi s'ya mag kakasakit, Akisha! Hayaan mo na, ginusto naman n'ya 'yan. Ako na mga 'to nag mamalasakit!

Among Dapitan (Pentalogy Series #2)Where stories live. Discover now