TAKSIL

92 11 0
                                    

Kasalukuyan kaming nandito sa parlor shop. Mayroon kaseng magaganap na kasal bukas at excited na ako.Dahil maikakasal na ako sa lalaking mahal na mahal ko.

Ito na ’yon, ang pinakamatagal ko nang hinihintay. Mahigit sampung taon din ang aming pinagsamahan, bago namin naisipan na magpakasal. Enero 8 ang napag-usapan namin na araw ng aming kasal.

Unang buwan ng taon at naniniwala rin kami na sa petsang 8 ay kahit pa minsan nasa ibaba kami pupunta pa rin kami sa itaas at para ring nagsisimbolo ito ng infinity.

Marami kaming mga naging karanasan sa aming pinagsamahan. Lahat ng away, misunderstanding at selos lahat ’yon nalampasan namin. Lalo naming napagtitibay ang aming pagsasama sa pag-unawa sa bawat isa.

Sa lahat ng pagsubok kasama ko siya. Siya ang lagi kong nasasandalan at napagkukuhanan ng lakas. Siya ang pahinga ko sa nakakapagod na mundo. Sobrang swerte ko sa kaniya, sobrang swerte ko kay Walter.

Puppy love lang kami no’ng high school hindi rin naman kami makapaniwala na tatagal pala kami ng ganito.

Habang nandito kami sa parlor ay nagta-try na sa akin ang mga make-up artist kung ano na ang magiging final look ko bukas.

Kailangan kong maging presentable dahil isa ito sa pinaka-importanteng bagay sa tanang buhay ko.

Tinignan ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. Parang hindi ako ito, parang naging ibang tao.

Ganito pala talaga ang itsura ko kapag inayosan pa.

Gandang-ganda sa akin ang mga make-up artist at si mama. Proud na proud din ang mga beki sa tabi ko dahil sila ang may gawa nito.

“Mukha ka ng diyosa anak,” napahalukipkip pa si mama. “Hindi ko lubos akalain na nanggaling ka sa akin, ’di hamak na mas maganda ka na sa akin,” biro ni mama.

“Naku po, itigil niyo na nga po ang pagbibiro. Masiyado ng overacted ma,” napa-iling-iling na lang ako.

Tinaliman naman ako nang tingin ng mga beki sa tabi ko, senyales na hindi si mama nagbibiro.

“Tama ka na akla, kaila pa more. Ang gorgeous mo nga tapos sasabihin mo joke?” tapos pabiro niya akong inirapan.

Pagkatapos ng asaran namin ay nagyaya na si mama na uuwi na kami. ’Yon na rin ang huli kong final look bukas.

Hindi ko pwedeng sukatin ang gown ko kase nga pamahiin. Hindi ko rin tuloy makita ang mapapangasawa ko, dahil isa rin sa pamahiin.

Miss na miss ko pa naman siya. Sobra na rin ang excitement na nararamdaman ko.

Beach wedding ang magaganap na kasal bukas. Mas maganda kase ang matatanaw na paligid, may dagat kang makikita na sobrang lawak at tahimik.

Kinagabihan ay maaga akong natulog para makapag-beauty rest.

Natulog akong nakangiti.

Kasal ko na bukas.

Kinakabahan ako, pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari idagdag pang hindi ko man lang naka-usap o nakita si Walter simula kahapon. Hindi ako mapakali kahit si mama napansin ito.

Nilapitan niya ako saka nagtanong. “Ayos ka lang ba, iha?” dinig sa kaniyang boses ang pag-aalala.

Tinignan ko si mama at umiling. Biglang nagbago ang ekspresyon niya.

“Bakit?” tanong niyang muli.

Pakiramdam ko pinagpapawisan na ako. Ayos naman na lahat, hinihintay na lang naming sumapit ang kaunting oras bago kami magsimula.

“Kinakabahan po ako ma.”

“Normal lang ’yan anak, ganiyan din ako no’ng araw na ikakasal na kami ng papa mo. Sobra rin ang kaba ko, pero sabi ko sa sarili ko na kailangan kong maging kalmado. Anak nandito ako, kami ni papa mo,” hinagkan naman niya ako nang marahan.

Sa Gitna ng Dilim (COMPLETED)Where stories live. Discover now