MATA : PART 2

15 7 0
                                    

I-i don't know what to do.

Gusto kong sumigaw para makahingi ng tulong sa tao sa labas.

Kaso walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Hindi ko na rin makuha pang maikurap ang mga mata ko. Takot na takot na 'ko.

Pinilit kong maigalaw ang aking ulo upang hindi ko na makita ang matang nakatingin sa akin.

Naigalaw ko ang aking ulo at lumingon ako sa parehas kong gilidan saka ko tinulak ang sarili patalikod.

Tagaktak na ang pawis ko, sobrang lamig na rin ng katawan ko.

Nakatalikod na 'ko ngayon at handa ng tumakbo palabas. Bumilang ako ng hanggang tatlo sa aking isipan bago sinimulang tumakbo palabas.

May naririnig pa akong bumubulong sa akin habang tumatakbo.

"Takbo Mira, takbo!" ito ang paulit-ulit na bulong sa 'kin.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon, ang tanging nakikita ko lang ay ang daan na tinatahak ko ay papunta sa lugar kung saan nandoon ang apartment ni Katalina.

Sobra ang pasasalamat ko sa aking mga paa dahil dito niya ako idinala.

Tumatakbo pa rin ako papunta sa apartment ni Katalina. Tumigil naman ako agad ng marating ko na ang tapat ng pintuan niya.

Kumatok ako ng ilang beses, bumukas naman ito at nakita ko ang kaibigan ko na kinukusot pa ang kanang mata. Na-istorbo ko pa ata siya sa pag tulog, bigla siyang nagmulat ng mga mata at nakita niya 'kong hingal na hingal at tagaktak ang pawis.

Nataranta ito at kung ano-anong tanong ang lumabas sa kaniyang bibig. "Mira?! Anong nangyari sayo?! Ayos ka lan-." tinakpan ko ang bibig niya at tinulak ko na siya papasok ng apartment niyang tinutuluyan.

Pinandilatan ko siya ng mata bago ko inalis ang aking kamay na nakatakip pa rin sa kaniyang bibig.

"Hinaan mo lang ang boses mo Katalina, makaka-istorbo tayo sa mga katabi mo rito." saway ko sakaniya.

"Ano bang nangyari sa'yo Mira, bakit ganiyan ang itsura mo? Tignan mo wala ka pang tsinelas o sapin sa paa. Punong-puno ka na rin ng pawis. Ang lamig pa ng katawan mo." sermon nito sa 'kin na may halong pag-aalala.

"M-may nakita ako." kumunot ang noo niya.

"Anong nakita mo?" curious niyang tanong.

"M-mata..."

"Mata? Anong meron sa mata?" halatang naguguluhan siya, tumikhim muna ako bago ko inayos ang sarili at saka sinimulang magkwento.

"Nagtanong ka sa akin kahapon kung kumusta ba ako sa bahay kase ako lang mag-isa 'di ba?" tumango siya.

"Sa totoo lang hindi ako makasiguro kung ligtas pa ba ako doon o hindi na, noong mga nagdaang gabi kase at araw may nararamdaman ako na laging nagmamasid sa 'kin. Hanggang mangyari 'yong ngayon, this time talagang nakita ko na may m-matang nakatingin sa 'kin, n-nakita ko i-ito sa ilalim ng lababo. Narinig kong nagsalita ito at humihingi siya ng tulong nakaka-awa ang boses nito pero nakita ko siyang ngumiti ng nakakakilabot." pagkukwento ko sa aking kaibigan.

Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya sa 'kin ngayon pero biglang nangunot ang noo niya at humarap sa 'kin.

"Mira, pang-ilan nga ang apartment mo? I mean kung pang-ilan iyon?" nagtaka ako sa tanong niya.

"Pang labing-tatlo, bakit?" nanlaki ang mga mata niya.

"Pang labing-tatlo?! Naku Mira, kailangan mo ng lumipat ng ibang apartment. Nararamdaman kong hindi ka na magiging ligtas doon." hindi ko siya maintindihan kahit malinaw ang sinasabi niya na umalis na 'ko sa apartment ko.

"Bakit ba? At saka saan naman ako lilipat?" naguguluhan kong tanong sakaniya.

"Dito, pwede ka rito sa apartment ko. Maghati na lang tayo sa mga gastusin." pagpe-presenta niya.

"Oh, sige dito na lang pero bakit muna? Ano ba kase ang sinasabi mo hindi kita maintindihan, ipaintindi mo sa 'kin." pangungulit ko.

"Ganito kase 'yan, 'yong apartment na tinutuluyan mo ngayon ay dating napasok 'yon ng hindi pa malamang suspek. Merong namatay na babae roon, doon mismong pinatay ang babae. Tadtad ito ng saksak sa buong katawan, napag-alaman na ibinagok ang ulo nun sa sink na nasa loob ng banyo, nakita ring wala ang mga mata nito. Ilang araw pa bago nalamang may patay na tao na pala roon, bigla kaseng naka-amoy ng masangsang na amoy ang mga taong kalapit lang ng apartment, kinakatok 'yon ngunit walang sumasagot hanggang sa humingi ng tulong ang mga tao roon. May mga dumating na awtoridad at nakita ang bangkay ng isang babae na nakasiksik sa ilalim ng lababo." nangilid ang luha ko dahil sa narinig, kaya pala laging sa kusina at sa may banyo rin ako nakakaramdam na may nagmamasid sa 'kin.

"B-bakit mo alam yan?" tanong ko sa aking kaibigan.

"Naibalita 'yon dati sa tv no'ng bata pa 'ko, labis din ang pagbibigay sa 'kin ni mama ng payo na mag-iingat daw ako. Noong naghahanap ako ng apartment madami na 'kong naririnig tungkol doon. Namamatay daw yung mga taong sunod na nangungupahan do'n pagsasapit ang ika-13 na araw. Nakikita rin na nawawala raw ang mga mata ng biktima." lalo akong natakot sa kwento niya, pasalamat ko na lang talaga na nakaalis ako doon. Hinding-hindi na 'ko do'n babalik.

"Bukas, pwede mo ba 'kong samahan bukas? Kukunin ko ang mga gamit ko do'n at dito na 'ko sa'yo." tumango naman siya at tinapik ang abaga ko.

"Tara na, matulog na tayo." pag yayaya niya, tabi kaming natulog sa kwarto niya.

Kinaumagahan nag-asikaso na kami ni Katalina dahil pupunta na kami ngayon sa apartment ko para kunin ang mga gamit kong naiwan. Parehas kaming natatakot pero umaga naman, may liwanag. Nagdala na lang kami ng tig-isang rosaryo para kung sakali, pang-iwas o pangtaboy na rin.

Nakapunta kami roon agad at pagkatapos ay kinausap namin ang namamahala doon upang kunin 'yong binayad ko, binayadan ko na lang din ang ilang araw na pagtira ko doon. Mabuti nga at mabait naman ang may ari.

Ngayon ay hindi na 'ko nangangamba o natatakot dahil alam kong nakalayo na 'ko doon, mabubuhay na 'ko ulit ng masaya at payapa kasama ang kaibigan ko.

🎀 :: thank you for reading!!
🎀 :: please vote and follow me po, para updated po kayo sa next upcoming stories ko^^

Sa Gitna ng Dilim (COMPLETED)Where stories live. Discover now