NANAY

29 7 0
                                    

"Anak, gising na."

"Anak"

"Mica"

Mga salitang naririnig ko habang nakapikit pa rin ang aking mga mata.

"Gising na, Mica." rinig kong tawag sa pangalan ko.

Tulog pa rin ako pero ang diwa ko'y gising na. Naririnig ko na ang malambing na boses ni nanay habang ginigising ako.

Gumalaw naman ako at sinimulang imuklat ang mga mata. Sa dahan-dahang pagmuklat ng aking mga mata ay may nakikita akong isang pigura. Hindi pa malinaw ang nakikita ko dahil galing pa sa pagkakatulog ang aking mga mata.

Nang maging maayos na ang paningin ko ay napag-alaman kong si nanay pala iyon. Naka-upo siya sa gilid ng higaan ko at hinihimas ang aking ulo.

"Good morning." bati nito na may ngiti sa mga labi.

Bakit parang kakaiba ang pakiramdam ko sakaniya?

"Good morning po." bati ko pabalik.

"Bangon na anak, nakahanda na ang iyong almusal sa lamesa."

"Opo" at bumangon na ako sa pagkakahiga.

Pagka-upo ko sa higaan ay nakita ko siyang papalabas na nang kwarto ko.

Nakakapagtaka, ang bagal niyang maglakad.

Parang mayroon siyang iniindang sakit sa katawan.

"Ayos ka lang po ba, nay?" tanong ko rito bago siya makarating sa pintuan ng kwarto ko.

Lumingon ito sa likuran nang dahan-dahan.

"Oo naman, anak" bakit parang nakakakilabot siya?

Iba ang pakiramdam ko sa nanay ko na nandito at isa pa hindi ito ganito kabait sa akin. Kaya labis akong naguguluhan sa mga ikinikilos nito.

Natauhan na ba siya sa mga ginagawa niya sa 'kin? Pero paano? O baka naman nananaginip lang ako?

Kung panaginip man 'to, may parte sa 'kin na gusto kong magising dahil sa takot at ayaw dahil dito lang ako natrato ng maayos ng nanay ko.

Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang isiping iyon, tumayo na lang ako at pumasok na sa banyo. Kailangan ko ng maligo dahil may pasok pa ako, mabuti nga at ginising ako ng nanay ko.

Makalipas ang ilang oras na pag-aayos sa loob ng kwarto ko ay gumayak na ako palabas.

Bumaba ako galing sa taas at dumeretso sa kusina upang mag-almusal.

Pagkapunta ko roon ay natagpuan ko ang nanay ko na prenteng naka-upo sa upuan. Nag-uumpisa na itong kumain, nagulat din ako sa pag-akto nito habang kumakain.

Ang kalat niyang kumain at kung sumapa ay dinaig pa ang baboy sa ingay nitong kumain. Rinig ko rin ang pagsayad ng mga kuko nito sa pinggan namin na stainless. Ang sakit sa tainga ng mga kalansing iyon.

Habang pinagmamasdan ko itong kumain ay bigla itong natigil sa pagsubo, sumasayad din sa pinggan niya ang kaniyang mahabang buhok. Mayroon na ritong mga nakadikit na kanin.

Habang hawak-hawak ang karne na isinubo nito ay dahan-dahan din nitong ini-angat ang kaniyang ulo.

Nagtama ang mga mata naming dalawa, nagsitaasan naman ang mga balahibo ko sa katawan. Nakakatakot ang kaniyang mga titig at nakakapanghina.

Ngumiti ito ng nakakatakot at saka nagsalita.

"Kain na, masarap ang ulam" pag-aya nito sa 'kin.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko, kung ang mukha niya'y nakakatakot ganoon din ang kaniyang boses dahil garalgal ito.

Sa Gitna ng Dilim (COMPLETED)Where stories live. Discover now