TOO LATE

12 6 0
                                    

Nasa may living room ako ngayon, naka-upo at busy sa pagtipa sa harap ng laptop ko nang magsalita si Celine.

“Kumain ka na ba, Ryan?” tanong sa ’kin ni Celine.

“Hindi pa,” tipid na sagot ko.

“Gusto mo ipagluto kita? Anong gusto mo?” tinignan ko siya.

“Anong gusto ko? Layuan mo na ’ko, umalis ka na,” malamig na tugon ko sa kaniya.

Nakita kong nangilid ang luha niya pero ngumiti pa rin siya.

“Ah, sige ako na lang bahala. Maghintay ka na lang sa mesa.”

What the heck, here we go again. Nagbibingi-bingihan na naman siya, parang wala man lang naintindihan sa sinabi ko.

She’s Celine, matagal ko ng karelasyon. But I don’t love her. Naka-arrange marriage lang kaming dalawa dahil sa gusto akong ipakasal ng magulang ko sa kaniya. Pabor na pabor din ’yon sa kaniya dahil matagal na siyang may gusto sa ’kin.

Parehas naman mayaman ang pamilya namin, kaya nga gusto nila kaming ipakasal para lalong lumawak ang mga kayamanan ng magulang namin.

To be honest matagal ko na rin sinabi sa kaniya na huwag siyang pumayag, kaso hindi siya nakinig sa ’kin. Naging advantage ’yon sa kaniya para mapasakaniya ako.

Parehas na kaming graduating ngayon at kapag nagtapos na kami sunod ng aayusin ang kasal namin. Ayo’kong maikasal sa kaniya kase hindi ko siya mahal, pilit lang ang pagsasama namin. Lagi niyang sinisiksik ang sarili niya sa ’kin, and I hate it.

Alam kong nasasaktan siya lagi sa mga sinasabi ko, nakokonsensya rin naman ako sa mga sinasabi ko sakaniya pero tama lang ’yon para magising na siya sa katotohanan. Nang sa gano’n ay wala ng kasalang magaganap.

Magkasama na kaming tumira sa iisang bahay, suggestion ’yon ng mga magulang niya para raw magkakilala na kaming dalawa. Lingid sa kaalaman nila ay minsan lang ako umuwi sa bahay na ’yon, hindi ko rin masyadong kinakausap si Celine kase ayo’ko nga.

Kase sa totoo lang I am not ready yet to have a family, I want to travel and explore. Enjoy my single era. Kahit naman papano gusto ko ding subukan mahalin si Celine, pero hindi talaga kaya eh.

Siguro nga meron pero dinedeny ko lang sa sarili ko? Maganda naman siya, mabait, matalino, marunong sa lahat ng gawain at masipag. Ang ayo’ko lang ay ang pagiging desperada niya.

Kagusto-gusto naman siya pero bakit niya sinisiksik sarili niya sa ’kin? Madami pang ibang lalaki na nararapat para sa kaniya. I can be a man for her, but not now.

Kailangan ko pang turuan ang sarili ko na gustuhin siya. I guess hindi naman mahirap iyon?

Madami ng araw ang nakalipas and I think I like her. Yes, I think I like her. Lagi na ’kong umuuwi rito sa bahay, kinakausap ko na rin siya ng madalas. Dahil do’n mas lalo ko na siyang nakikilala, ngumingiti na rin ako kapag kausap siya.

Kailangan ko na bang ipagtapat sa kaniya ang nararamdaman ko? Pero parang hindi pa ’ko sigurado. Siguro kapag talagang napatunayan ko na sa sarili kong gusto ko na siya saka ako magtatapat.

August 18, birthday niya ngayon. Bumili ako ng bouquet, chocolates, and a gift for her. Nagmamaneho ako ngayon, papunta sa bahay. When suddenly my phone rang. Inabot ko ito upang sagutin, ngumiti ako ng nabasa ko ang pangalan niya. Sinagot ko agad ito at pinindot ang loud speaker.

“Happy birthday!” binati ko siya ng may ngiti sa labi.

“Thank you, Ryan,” oh c’mon her sweet voice.

“Wait for me Celine, I have something for you,” the heck I can’t wait to see her.

May ngiti sa mga labi ni Ryan habang nagmamaneho. This is it. Ito na ’yong araw kung saan na-realize niyang mahal niya na rin si Celine. Mag co-confess na siya.

Sa Gitna ng Dilim (COMPLETED)Where stories live. Discover now