SORRY

12 6 0
                                    

“Ano ba naman ’yan Theisha kahit kailan talaga wala kang kwenta!” sigaw sa ’kin ni mama.

“Hindi ka na lang sana nabuhay!” dagdag niya pa. Well, kahit ako rin naman, hindi ko rin naman ginustong mabuhay.

Hinayaan ko na lang si mama na magsalita tungkol sa ’kin ng kung ano-ano. Palagi niya namang ginagawa ’yon sa ’kin, dapat masanay na ’ko kaso hindi naman ako manhid.

I am a consistent dean lister, ngayon lang ako unang beses natanggal dahil sa hindi ko naipasa ang isang subject. Mama was very disappointed in what happened. Na-iinggit nga ako sa mga kaibigan at kaklase ko na hindi pine-pressure ng magulang sa pag-aaral.

Ginawa ko naman lahat ng best ko para maipasa ’yong subject na ’yon kaso gano’n talaga eh, mapapa I did my best but it wasn’t enough na lang talaga ako. Mahirap ipasa ang isang major subject sabayan pang lagi akong nag b-breakdown.

I am physically and mentally ill. Mga gawaing bahay ako ang gumagawa, paglilinis, pagluluto, paglalaba at lahat lahat dahil kapag wala akong ginawa pagsasabihan na naman ako ni mama na tamad.

Ang magulang ko ay hiwalay na simula no’ng bata pa ’ko. Yes, I am a victim of broken family. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit sila naghiwalay. Nabuo lang naman kase ako sa isang one night stand, hindi nila ginusto pareho. Hindi sila nagsasama noon, binibigyan lang ng pangsuporta ang mama ko, habang pinagbubuntis naman ako ay pinalaglag ako ni mama kaso hindi nagtagumpay dahil malaki na ’ko sa tiyan niya at malakas ang kapit ko.

Tuluyan na si mama iniwan ni papa nang dahil napapagod nang magbigay ng suporta sa kaniya si papa. Mabuti nga may konsensya pa rin si mama pagdating sa ’kin kaya hindi niya ’ko pinamigay, siya ang nag-alaga sa ’kin.

Lumaki ako na laging sinasaktan ni mama ng pisikal, hindi niya ’ko pinapalabas ng bahay. Kapag papasok na ’ko sa paaralan magtatanong ang mga kaklase ko o ang teacher ko kung anong nangyari sa mga pasa ko at sugat sinasabi ko na lang na nauuntog ako o nadadapa.

Ngayong dalaga na ’ko nasa akin pa rin ’yong mga peklat, kaya kahit gusto kong kalimutan ang pinaggagawa sa ’kin ni mama noon hindi ko magawa, sa tuwing nakikita ko kase ang mga peklat na ito bumabalik sa ’kin lahat.

Hindi na ’ko ni mama masyadong sinasaktan ng pisikal pero bugbog naman lagi ang isip ko. Palagi akong minamaliit ni mama at lagi niya rin sinasabi na sana hindi na ’ko nabuhay, dapat daw namatay na ’ko no’ng pinalaglag niya ’ko noon.

Kinukumpara niya ’ko lagi sa iba. Kaya lalong bumababa ang kompyansa ko sa sarili. Lumalala rin tuloy ang insecurities ko.

Grabe si mama, hindi ko kinakaya. Pagkakatapos niya kong pinagsasalitaan ng masasakit dumederetso na ’ko sa kwarto ko at doon iiyak hanggang sa mamaga ang mata ko at gumaan ang pakiramdam ko.

Laging ganito set-up ng buhay ko, nakakapagod pero kaya ko ’to hindi dapat ako sumuko ’di ba? Madami pa ’kong gustong marating na mga pangarap. Kaya hanggang kaya kong tiisin, titiisin ko.

Bumangon na ’ko sa pagkakahiga, dumeretso na kase ako rito kanina pagkatapos akong pagsalitaan ni mama ng kung ano-ano.

Alas 6 na kailangan ko ng magluto para sa hapunan kaya pumunta na ’ko ng kusina. Nagluto ako ng paborito ni mama na pansit. Ipinagtimpla ko rin siya ng kape. Nang matapos akong magluto tinawag ko na si mama para kumain.

“Ma! Kakain na po,” nasa sala siya nanonood ng tv.

Pinatay niya naman na ang tv saka lumapit sa lamesa para kumain. Nagsimula na kaming kumain, gano’n pa rin katahimik. Hindi naman kami ni mama nagkukwentuhan, kakausapin niya lang ako kapag gusto niya. Kahit gusto kong kausapin siya para maging close kami hindi ko magawa natatakot ako na hindi niya ’ko pansinin at baka imbis na magkwentuhan kami eh, sermonan niya lang ako at pagalitan.

Natapos kaming kumain ng wala man lang umiimik saming dalawa. Inayos ko na ang lamesa at hinugasan ang mga ginamit namin sa pagkain.

Umakyat na ’ko sa kwarto ko at nagbasa-basa ng mga libro. Imbis na pumasok sa isip ko ang mga binabasa ko mga problema ko ang pumapasok sa isip ko.

Nag me-mental breakdown na naman ako. Umiiyak na naman ako habang naaalala ang mga ginagawa sa ’kin ni mama.

Pang do-down, pagkukumpara sa iba, pag p-pressure, pagpaparamdam na isa akong unwanted child, pamamahiya sa ibang tao, panglalait sa insecurities ko.

Mga personal problems ko, anxiety, panic attacks, insecurities, traumas, school problems, and depression.

Buhay pa ’ko pero pakiramdam ko pinapatay na ’ko ng mga nasa isip ko. Siguro ang sama-sama ng ugali ko no’ng past life kaya ganito ang karma ko.

Gusto ko lang naman mabuhay ng isang normal na tao eh, ni hindi ko na nga alam kung kailan ako naging masaya.

Kahit nanonood ako ng comedy movies hindi ako tinatablan ng tuwa. Ganoon na ba talaga kalungkot ang buhay ko? Takot ng tumawa o maging masaya dahil ang kapalit ay sakit at kalungkutan na naman.

Bakit ganito? The more I want to live, the more I want to die. I'm so sick of this. I can’t handle this anymore. I want to die, to have a peaceful mind.

I was a piece of sh*t. I'm afraid. But I want to pick the scissors beside me. I think this is the right time to end this fvck life.

Masaya ako dahil nabuhay ako, pero hindi ko na kaya at pakiramdam ko hindi ko talaga deserve ang buhay na ito.

I know isa itong malaking kasalanan Sakaniya pero ngayon kailangan ko ng maging makasarili, hihingi na lang ako ng tawad kahit walang kasiguraduhan kung papatawarin Nya ako.

Kinuha ko na ang gunting na nasa gilid ko, inilapit ko na ito sa palapulsuhan ko upang ituloy na ang gusto kong mangyari.

Nilaslas ko na ang palapulsuhan ko, nakaramdam ako ng kirot at sakit pero mas higit pa rin ang nararamdaman kong sakit at kirot sa aking puso.

Pagod na pagod na pagod na ako. Sukong suko na ’ko, alam kong hindi pa tapos ang laban pero susuko na ’ko. Isa na ’kong duwag kaya umatras na lang sa laban.

Nakikita ko ng madaming dugo ang umaagos, nanlalabo na rin ang aking paningin.

Masakit man isipin pero ang dila at mga salita ni mama ang pumatay sa akin. Wala akong makapitan, walang masandalan. Kaya ano pang saysay kung mananatili ako?

This will be the last time, I bitterly smiled before uttering my last word.

“Thank you for giving me this life, I love you mother. I’m sorry, naging duwag ako,” and all went black.

Sa Gitna ng Dilim (COMPLETED)Where stories live. Discover now