Hindi ko na alam kung nasaang lugar na ako, ang alam ko lang ay tuloy lang ako sa pagtakbo habang nagpapahid ng mga luha na nanggagaling sa mga mata ko.
May humahabol sa akin na lalaki, hindi ko ito kilala. May takip din ang kaniyang mga mukha at may hawak siyang kutsilyo.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa napunta kami sa sobrang dilim na lugar, pinipigilan ko ang sarili kong umiyak ng malakas dahil maririnig ako nito.
Takbo lang Rica, takbo hanggang sa makatakas ka sa kung sino man 'tong humahabol saiyo.
Habang tumatakbo ako ay bigla akong nauntog sa kung saan at nawalan ako ng balanse kaya natumba ako, pagkatumba ko ay may kung ano akong naramdaman na parang may tumutulo na malagkit galing sa aking noo. Kinapa ko ito at tinignan gamit ang kaunting liwanag na nanggagaling mula sa buwan.
D-dugo...
Napahawak ako sa aking ulo dahil sumasakit ito. Nanlalabo na rin ang paningin ko, tumitingin pa 'ko sa paligid dahil baka maabutan na 'ko no'ng lalaki.
Pinilit kong tumayo at humawak sa puno kung saan ako nauntog, hindi ko na kase namalayan na nasa gubat na 'ko napunta dahil sa puro lang ako takbo.
Tinignan ko ang paligid ko, madilim at sobrang tahimik ng lugar. Nakakatakot din, pero mas nakakatakot kapag naabutan ako no'ng lalaki.
Nagsimula akong humakbang hanggang sa nakapasok na 'ko mismo sa loob ng gubat, marahil ay dito na lamang ako magpapalipas ng gabi.
Yakap-yakap ko pa rin ang notebook ko, kung saan dito ko isinusulat ang mga salitang gusto kong sabihin na hindi ko maiparating sa mga tao simula pagkabata ko.
Naghanap ako ng mapagtataguan, nakita kong may malaking puno at maraming sanga. Lumapit ako agad doon at umakyat. Mas madali akong makikita ng lalaki kapag nasa ibaba ako, mabuti ng andito ako sa taas ng puno para makita ko kung asan na siya, isa pa madaming sanga ang puno kaya hindi niya 'ko agad makikita rito kung sakaling tumingin-tingin siya sa itaas.
Nagpipigil akong gumawa ng ingay dahil mahirap na. Pinatahan ko na rin ang aking sarili sa pag-iyak, baka ito pa ang maging rason para matunton ako no'ng lalaki.
Tumingin ako sa langit at pinagmasdan ang buwan na sobrang ganda at liwanag. Sana gaya niya rin ako, kahit hindi nakakapag salita ay naipapahiwatig pa rin kung ano ang nararamdaman.
Yes, isa akong pipi.
Simula pa no'ng bata ako ay naging umpok na 'ko ng asaran at pangungutya. Kinakahiya rin ako ng mga magulang ko at sinasabi sa 'kin lagi na sana hindi na 'ko nabuhay.
Wala man lang akong kaibigan na nagtatanggol sa akin, lahat sila ayaw sa 'kin dahil hindi raw ako nakakapag salita. Paano raw nila ako maiintindihan o makakausap, eh, hindi raw ako nakakapagsalita.
Sa mundong ito tanging sarili ko lamang ang kakampi ko at ang aking notebook lamang ang aking karamay.
Dito ko isinusulat ang mga nararamdamang gusto kong sabihin sakanila lahat.
Lagi ko itong dala-dala, mapunta man ako sa kung saan.
Dahil sa walang pakealam sa 'kin ang mga magulang ko kahit na saan ako magpunta ay ayos lang. Wala nga silang alam kung ano ba ang mga nangyayari sa 'kin at sa kalagayan ko.
Gaya ngayon ni hindi man lang nila ako ma-isipang hanapin, nanggaling lang naman ako sa playground kanina hanggang sa dumating 'yong lalaki at lumapit sa 'kin.
Lumayo ako sakaniya pero sinusunod niya pa rin ako, hindi naman ako makasigaw dahil pipi nga ako. Kaya tumakbo na lang ako ng tumakbo hanggang sa mapunta sa ganitong sitwasyon.
YOU ARE READING
Sa Gitna ng Dilim (COMPLETED)
Random📌 PLAGIARISM IS A CRIME Hello po^^ This is the compilation of my one shot stories, consisting of 20 stories. I hope that you like my masterpieces even though I am not a good writer. Expect the wrong grammar, typos, and misspelled words while readin...