AKO NA LANG

36 9 0
                                    

Naglalakad na ako pauwi ng makita ko si Kelly na patakbong umiiyak papalapit sa akin.

Tinakbo ko naman siya agad para tanungin kung anong nangyari.

"Kelly, kumusta? Anong nangyari? May nanakit ba sa 'yo?" sunod-sunod kong tanong dahil sa aking labis na pag-aalala.

Umiling-iling siya sa akin at nagsalita "E-ethan... Nakita kong may kasamang ibang babae si Tyron. Ang sakit, ang sakit sakit." pagsusumbong niya sa akin, labis pa rin ang kaniyang pagtangis na animo'y hindi maubos-ubos ang kaniyang luha sa pag-agos.

Agad ko naman siyang niyakap at hinaplos sa likod ng marahan. "Tahan na Kelly, tahan na. Mabuti pang magpahinga ka na muna, pag-usapan niyo na lang ito bukas at iwanan mo na siya. Kung hindi mo lang talaga ako pinagbabawalan matagal ko ng nabugbog 'yang boyfriend mo. Napaka walang kwentang tao. Wala na siyang magandang naidulot sa 'yo kundi pasakit at pahirap. Kailan ba kitang nakitang masaya sa piling niya? Wala, kase kahit kailan pinapabayaan ka lang. Ilang beses ko na rin sinabi sa 'yo na hiwalayan mo na siya at maghanap ng iba pero ayaw mo at nagagalit ka pa sa akin. Nag-aalala lang naman ako sa'yo, k-kase k-kaibigan k-kita." wth dude? Bakit ako nauutal?

"S-sorry, sorry..." paghingi niya ng tawad. Umiling na lang ako at niyakap siya lalo.

Pinatahan ko siya at pinagaan ko ang loob niya kahit kaunti.

Ayo'kong nakikita siyang nasasaktan.

Gigil na gigil na talaga ako sa boyfriend niya, matagal ko ng gustong bangasan ang mukha no'n, kaso pinipigilan ako ni Kelly at sasabihin niyang magagalit siya sa 'kin kapag ginawa ko 'yon. Ayo'kong magalit siya sa 'kin kaya nananahimik na lang ako, pero awang-awa na talaga ako sa k-kaibigan ko.

Napayuko ako ng marahan at bumuntong hininga na lang.

Inaya ko na lang siyang maglakad lakad na kami dahil anong oras na, kailangan na naming umuwi. Tumango naman siya sa akin at inayos niya ang kaniyang sarili.

Naglalakad kami ng tahimik habang pasulyap-sulyap ako gawi niya.

Bigla ng sumagi sa isip ko ang kalagayan niya, walang araw na hindi ko siya nakitang masaya. Laging mugto ang mga mata at laging lutang simula no'ng makilala niya ang pisting Tyron na 'yan.

Ilang beses niya ng nahuli na niloloko siya nito pero nagbubulag-bulagan lang siya. Ang palagi niya lang sinasabi ay mahal siya nito kahit pa niloloko siya.

Sobra na ang pagkatanga niya sa lalaking iyon.

Hindi ko alam kung anong ginawa sakaniya no'ng lalaking iyon kaya hindi niya maiwan-iwan. Maayos naman ang relasyon nila kung titignan pero kung nakikita lang din ang ibang bagay sakanila hinding-hindi.

Matagal ko ng kaibigan si Kelly, simula pa no'ng mga bata pa kami kilala ko na siya. Isa siyang masayahing bata at mabait.

K-kaya ko siya n-nagustuhan.

Oo, matagal na 'kong may nararamdaman sakaniya pero hindi ko masabi-sabi dahil natatakot akong hindi niya rin ako gusto at baka masira ang pagka-kaibigan namin.

Ang mga ngiti niya na lagi kong inaabangan upang masulyapan, ngayon ay hindi ko na makita-kita. Bibihira na lang siya kung ngumiti, minsan nga'y napilitan pa.

Hindi na siya ngumingiti gaya ng dati, mga ngiti niya na pati mga mata nakangiti.

Simula lang talaga no'ng nakilala niya 'yon, eh. Lalo na rin tuloy akong napanghinaan ng loob na umamin sa nararamdaman ko sakaniya. Baka kase kapag umamin ako sakaniya sabihin niya sa akin ang isa pang dahilan, na kaya ako umamin kase napipilitan lang ako. Dahil sa iniwan siya naawa ako sakaniya kaya ginusto ko siya, ayo'ko namang isipin niya 'yon.

Gumagawa naman ako ng mga paraan para maiparamdam sakaniyang gusto ko siya, pero hindi pa rin sapat.

O baka nakikita niya naman pero hindi niya lang pinapansin dahil mas gusto at mahal niya si Tyron.

Narating na namin ang abangan naming pwesto kung saan namin hinihintay ang train.

Tinignan ko siya ulit nakita kong lalong lumamlam ang kaniyang mga mata. Marahil ay antok at pagod na pagod na rin siya.

Matapos ang klase ay hindi ko na siya nakita at nakita ko na lang siya ulit no'ng tumatakbo na siya kanina papalapit sa akin habang umiiyak.

May naririnig na kaming tunog ng train. Tinapik ko siya ng marahan bilang tanda na nandito lang ako sa tabi niya palagi kahit anong mangyari.

Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na ang train, bumukas na ang pinto nito na nakatapat sa amin, inaya ko na siyang pumasok sa loob. Ngumiti siya ng marahan at tumango, saka humakbang papasok ng train, sumunod naman ako.

Naupo kami sa upuan, nakita ko siyang luminga-linga sa paligid at saka humikab.

"Kung inaantok ka na Kelly, pwede kang sumandig sa abaga ko." pag-aalok ko sakaniya.

Tumingin naman siya sa 'kin at tumango. "Salamat, Ethan." pagkatapos niyang sabihin 'yon ay humandig na siya sa aking abaga.

Inayos ko ang pagkakahandig niya para hindi mahulog ang kaniyang ulo, sakali man na biglang huminto ang train.

Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha habang natutulog ng mahimbing sa aking abaga.

Ang kaniyang ilong ay medyo maliit pero matangos, mayroon din siyang makapal na kilay at abot abagang ikli ng buhok.

Sobrang importante niya sa 'kin, ayo'ko siyang nakikitang nahihirapan at nasasaktan dahil lang sa lalaki na iyon.

Gustuhin ko man na maging desperado sakaniya ngunit natatakot akong baka hindi niya ito magustuhan. Siguro ay maghihintay na lang ako ng tamang panahon.

Ayaw ko ng maulit sakaniya ang mga nangyayaring ito, hindi ko na kinakaya. Sa tuwing nakikita ko siyang nasasaktan, nasasaktan din ako.

Lagi kong sinasabi sa sarili ko na siguro kung ako ang minamahal niya ngayon ay hindi sana siya nasasaktan at nahihirapan ng ganito. Ibibigay ko sakaniya 'yong pagmamahal na nararapat para sakaniya.

Palagi ko rin siyang pasasayahin, dahil gustong-gusto ko na nakikita siyang masaya at nakangiti.

Gagawin ko ang lahat para sakaniya, dahil ganoon siya kaimportante at kahalaga sa akin.

Kung sana ako na lang, nandito naman ako palagi. Hinding-hindi ko gagawin sakaniya ang ginagawa sakaniya ngayon ng boyfriend niya.

Kahit pa manlimos ako ng pagmamahal sakaniya gagawin ko.

Kahit pa magalit siya sa akin kapag tuluyan ko ng sinapak ang boyfriend niya wala na akong pakealam, kailangan niya ng magising sa katangahan niya sa lalaking iyon.

Wala na itong magandang maidudulot sakaniya kaya mas mabuti pang hiwalayan niya na ito.

Gagawin ko ang lahat para sakaniya.

Hinawakan ko nang marahan ang kaniyang ulo saka hinalikan sa tuktok nito.

Bigla ring namutawi sa aking bibig ang mga katagang "Ako na lang..." pagkatapos ko siyang halikan.

🎀 :: thank you for reading!!
🎀 :: please vote and follow me po, para updated po kayo sa next upcoming stories ko^^

Sa Gitna ng Dilim (COMPLETED)Where stories live. Discover now