PAGITAN

20 7 0
                                    

Ang ganda ng sikat ng araw, ang presko nito sa balat. Masiyado pa kaseng maaga kaya hindi pa mahapdi sa balat.

Pasado alas alas syete pa lang ng umaga, kasalukuyan din akong naglalakad papunta ng school.

Pupunta pa ako sa station ng tren upang mas mapadali ang pagpasok ko sa school.

Nag-iisip na naman ako ng kung ano-ano habang naglalakad.

Makikita ko kaya ngayon 'yong crush ko? Siyempre, oo? Eh, magkaparehas kami ng school, eh.

Ano kaya ang suot niya ngayon?

Teka, bakit ko ba naisip 'yon kung ano ang magiging suot niya ngayon? Malamang uniform ng school namin.

Aba, ayo'ko na ngang kausapin ang sarili ko. Baka saan pa mapunta ang pag-iisip na ito.

Nagtuloy-tuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa station ng tren. Naghihintay na lang din ako na may tumigil na tren sa harapan ko.

Naghintay pa ako ng mga ilang minuto hanggang sa dumating na 'yong tren na pagsasakyan ko.

Pagpasok ko sa loob ay agad kong inilibot ang aking paningin upang maghanap ng mauupuan.

Nang bigla kong mapansin na nandito nakasakay 'yong crush ko.

Oo, 'yong crush ko!

Magkaparehas kami ng nasakyan na tren, pag sineswerte ka nga naman.

Saya ng araw na ito, ah. Ganda ng bungad sa 'kin.

Yumuko ako ng kaunti at deretsong naglakad papunta sa pwesto ng inuupuan nito. Umupo ako ng may kalayuan sakaniya medyo nakayuko pa rin ako, nahihiya kase akong makita niya ang mukha ko.

Inilabas ko ang ilang gamit ko sa bag at sinimulang magbasa-basa. Sumusulyap din ako palagi sa pwesto ng crush ko.

Grabe ang ganda niya talaga.

Hindi lang basta maganda, may angking talino rin at higit sa lahat ay mayaman.

Kilala rin ito sa pagkakaroon ng busilak na puso. Ang bait nitong tao, kaya naman dahil doon ay mas lalo ko siyang nagustuhan.

Nabigla ako ng bigla itong kumaway sa 'kin.

"Hi" nakangiti nitong bati sa 'kin.

Itinuro ko naman ang sarili ko kung ako ba talaga ang tinutukoy niya, nakakahiya naman kaseng sumagot ako pabalik tapos hindi naman pala ako ang kinakawayan.

Lumawak ang ngiti nito sa 'kin nang makita niya akong tinuro ko ang sarili ko. Tumango naman ito sa 'kin.

Hindi ko naman alam kung ano ba ang isasagot ko sakaniya, first time 'to na magkakaroon kami ng interaction sa isa't isa, eh.

"A-ah, H-hello" at kumaway ako pabalik, napahimas naman ako sa batok ko dahil sa labis na hiya.

Nararamdaman kong nag-iinit ang dalawang magkabilang pisnge ko, siguro sobrang pula na ng mukha ko ngayon. Daig ko pa naman ang babae kung kiligin, para na ring sasabog ang dibdib ko sa labis na kaba at tuwa.

Sa wakas, napansin din ako ng crush ko.

"Science & Technology National High School, student?" tanong nito, napansin niya siguro 'yong uniform ko.

"O-oo" hindi pa rin ako natitigil sa pagkabulol habang sumasagot sa mga tanong niya.

"Wow, same school pala tayo pero ngayon lang kita nakita." hindi mo talaga ako makikita ang daming estudyante sa school na 'tin, eh.

"Ako rin, ngayon lang din kita nakita." (ng malapitan) dagdag ko sa isipan ko.

"What's your name?" tanong niya sa 'kin kung ano ang pangalan ko.

"M-Marco" banggit ko sa pangalan ko.

"Ang ganda naman ng pangalan mo, ako naman si Tanya. Nice to meet you!" mas lalo akong kinilig sa compliment nito sa pangalan ko at umakto itong makikipag-shake hands sa 'kin.

Seryoso ba 'to?! Makikipag-shake hands siya sa 'kin?

Lalo naman namawis ang mga palad ko sa labis na kaba.

Nakakahiya kung hahawakan ko ang kamay niya, sobrang ganda pa naman no'n ayo'ko na marumihan 'yon.

Tinignan ko siya, hinihintay niya lang din ako na makipagkamay sakaniya.

"N-nakakahiya"

"Hm? Bakit?"

"Baka marumihan ko ang mga kamay mo."

"Ano ka ba, ang oa mo. Shake hands lang naman. Amina nga 'yan." nagulat ako sa ginawa niya.

Hinablot niya na lang bigla ang kamay ko at pinilit na makipag-shake hands sakaniya.

Agad ko namang binawi ang kamay ko, na siya namang ikinagulat niya.

"Bakit?" naguguluhang tanong nito.

"Pupunasan ko lang." agad ko naman ipinunas ang dalawa kong palad sa suot kong pants at pagkatapos ay nakipagkamay na ako sakaniya.

Ang lambooottt. 'Yan talaga ang unang pumasok sa utak ko pagkahawak na pagkahawak ko sa kamay niya. Ang lambot ng kamay niya at ang kinis, samantalang 'yong kamay ko ay puno ng kalyo.

Dahil sa hiya ay madali ko lang din na binawi ang kamay ko.

"Nice to meet you too, Tanya." at ngumiti ako ng malapad sakaniya.

Sobra na 'tong ka-swertehan na 'to, labis akong pinagpapala ngayon.

"Minsan kung may time ka bonding tayo sa school, ah. I want to be friends with you." grabe na talaga 'to.

Wala naman akong ibang naisagot kundi "Sige" na lang.

Pagkatapos naming mag-usap ay sabay na tumigil ang tren na sinasakyan namin. Nakita kong tumayo siya at nagpaalam muna sa 'kin bago tuluyang lumabas ng tren.

"ARAY!" malakas na sigaw ko ng mauntog ako sa bakal na nasa gilid ko, bigla kaseng tumigil 'yong tren.

Hinimas himas ko naman ang ulo ko dahil sa sakit.

Lumingon naman ako sa bandang kaliwa ko at nakita ko si Tanya na tumayo na. Inayos lang nito ang mga gamit niya at saka dere-deretsong lumabas ng tren.

Kung hindi pa siguro ako nauntog sa biglaang pagtigil ng tren ay hindi pa siguro ako magigising sa pagkakatulog.

Bigla pala akong nakatulog habang nagbabasa-basa kanina.

Hays.

Napatulala na lang ako.

'Yon na 'yon.

Ibang-iba sa napanaginipan ko.

Sabagay, sobrang laki naman kase ng pagitan naming dalawa.

Kahit pa sabihing mabuti siyang tao, kapag hindi niya kilala hindi niya naman kakausapin.

Maganda siyang tao, matalino at mayaman.

Eh, ako? Hindi man lang pinagpala sa itsura, hindi pa pinagpala sa utak. Mas lalo namang hindi pa pinagpala sa bulsa.

Hanggang pangarap na lang siguro talaga ako pagdating sakaniya, dahil doon nakukuha ko siya ng malapitan. Doon ay naaabot ko siya, pero sa reyalidad sobrang layo niya.

Magkalapit naman kami kanina pero ang layo-layo niya pa rin.

Napayuko na lamang ako, tumayo tuloy ako ng walang buhay at lumabas na ng tren.

Ganoon talaga ang buhay, mayroon tayong mga gusto at ninanais na tanging pagpapantasiya na lamang ang paraan upang maabot ito.

🎀 :: thank you for reading!!
🎀 :: please vote and follow me po, para updated po kayo sa next upcoming stories ko^^

Sa Gitna ng Dilim (COMPLETED)Where stories live. Discover now