Labis na kaba ang aking nararamdaman na tila ba'y walang katapusan.
Panay habol sa aking hininga na pakiramdam ko'y paubos na.
Napa-upo ako ng may pagkadismaya sa aking sarili. Hingal na hingal at tagaktak ang pawis na patuloy sa pagtulo sa aking katawan na kasing puti ng singkamas ang kulay.
Ang aking mga mata ay nanlalaki at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.
Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko at panay tulo rin ang mga pawis ko habang sinusubukan kong iligtas ang kaniyang buhay. Pinipilit kong ilaban ang kaniyang buhay ngunit bakit hindi siya lumaban kagaya ko?
Sinubukan ko ng ilang ulit dahil alam kong mayroong pag-asa na maliligtas ang buhay niya.
Dahan-dahan akong napatingin sa hospital bed gamit ang aking mga mata na nagbabadya ng isang baldeng luha. Nararamdaman ko nang nag-iinit ang parang-gilid ng aking mga mata. Pinipigilan kong ibuhos ang likidong ito dahil ayo'kong ipakita na sobrang hina ko.
Tinulungan ko ang sarili ko na makatayo kahit pa nanghihina ang aking magkabilang tuhod.
Nanginginig pa rin ang aking buong katawan habang mabagal na lumalapit sa kung saan nakaratay ang aking pinakamamahal na pasyente.
Inilibot ko ang aking paningin sa kaniyang katawan na punong-puno ng kaniyang sariling dugo nang ako'y makalapit. Sinipat ko ang bawat sulok ng kaniyang katawan na makikitaan ng maraming saksak at tama ng bala.
Nakaramdam ako ng awa sa sinapit niya, labis na sakit at pagkahabag ang idinulot nito sa akin.
Hindi ko makayang tignan siya sa ganiyang kalagayan. Kitang-kita sa kaniyang mga mata na nakadilat ang sakit at pagod na kaniyang dinanas.
Makikitaan ng punong-puno ng paghihirap ang kaniyang maamong mukha.
Ano ang nagawa mong kasalanan upang sapitin mo ang ganitong kalagayan?
Alam kong matapang kang tao, wala kang inaatrasan na kahit anong uri ng laban.
But, why did you not fight for your life? Why did you not fight for me? Why?
Iginalaw ko ang nanginginig kong kanang kamay at dahan-dahang idinampi ang aking palad sa kaniyang mala-anghel na mukha, hinaplos ko nang marahan ang kaniyang kaliwang pisnge na may gasgas.
Wala na ba talaga ang SPO2 Martin Santiago ko?
Iniwanan niya na ba talaga ako?
Kusa kong iginalaw ang aking kalahating katawan upang makahiga ako sa kaniyang dibdib. Nais kong mapakinggan ang ritmo ng tibok ng kaniyang puso.
Ngunit ako'y natigilan, sapagkat ang tibok na ang tunog ay pangalan ko ang isinisigaw ngayon ay hindi ko na mapakinggan.
Ramdam ko rin ang mga matang nakatuon sa akin, mga matang kanina pa ako pinapanood. Hindi rin mawawala sa kanilang mga mata ang labis na pagka-awa sa akin.
Ang kaninang mga luha na nagbabadya, ngayon ay paunti-unti ng kumakawala. Sinundan ng mahina at mabagal na paghikbi hanggang sa mapunta na sa pagdadalamhati.
"AHHHH!" sigaw ng damdamin ng isang taong nawalan ng pinakamamahal sa buhay.
Ang taong napaka-importante at labis na minamahal, sa isang iglap ay nawalan ng buhay.
"MARTINNN!" ramdam ang pighati at pangungulila sa pagtawag sa pangalan na hanggang kailan man ay hindi na magbabalik.
"Time of Death, 9:02 pm," anunsiyo ng isang nurse na mas lalong nagpasakit ng aking damdamin.
Idiniin ko lalo ang aking katawan sakaniya, iginapos ko sa aking mahigpit na yakap ang kaniyang walang buhay na katawan.
Hindi ko matanggap.
YOU ARE READING
Sa Gitna ng Dilim (COMPLETED)
Random📌 PLAGIARISM IS A CRIME Hello po^^ This is the compilation of my one shot stories, consisting of 20 stories. I hope that you like my masterpieces even though I am not a good writer. Expect the wrong grammar, typos, and misspelled words while readin...