PASILYO

15 7 0
                                    

Pasado alas singko ng hapon nang mag-ring na ang bell nang paaralan, hudyat para sa lahat na mag-u-uwian na.

Lahat ng mga kaklase ko ay nagmamadali na sa pag-aayos ng kanilang mga gamit.

Mahahalata sakanila ang pagod at gustong-gusto na magpahinga.

Bigla namang nagsigawan ang mga dumadaan sa hallway na uwian na.

Lumapit na rin sa akin ang kaibigan kong si Clara.

"Uyy Maricar, mauuna na ako nang uwi, ah. Naghihintay na kase sina mama kanina pa, birthday kase ng bunso kong kapatid. Ikaw, sasabay ka na ba?" tanong nito sa akin.

Bahagya naman akong umiling at nagsalita. "Hindi na, mauna ka nang umalis. May dadaanan pa kase ako sa locker ko, isa pa marami pa naman akong makakasabay na estudyante pag-uwi." tugon ko sakaniya.

Ngumiti na lang siya sa akin at nagpaalam na. "Ingat ka, pag-uwi!" sigaw nito habang papalabas ng pinto, tinanguan ko na lang siya at kumaway.

Ngayon ko lang napansin na ako na lang pala ang mag-isa sa room, pagharap ko sa unahan sa may pisara ay may nakasulat doon.

'Maricar, ikaw na lang ang magsarado ng pinto. Kausap mo pa kase kanina si Clara kaya hindi na ako nakapagsabi. Nasa table ni ma'am ang susi, salamat!' - Michelle.

Pagkatapos kong mabasa ang nakasulat, tinignan ko ang table ni ma'am at nakita ko naman doon ang susi.

Halos padilim na at parang ako na lang ang nag-i-isang natitira rito sa floor. Nagmadali na ako ng kilos ko at kinuha ang susi sa table ni ma'am.

Sinigurado kong nakababa na ang switch ng breaker upang iwas aksidente.

Isinara ko na ang room at inilagay ang susi sa loob ng bag ko.

Sa aking paglalakad halos takong na lamang nang aking sapatos ang maririnig, nakakabingi rin ang katahimikan.

Sumulyap ako sa ibaba at nakita kong halos lahat ng estudyante ay palabas na nang gate.

Mabuti na lang at nakababa na ako sa room namin nang matiwasay.

Kasalukuyan ko nang binabaybay ang pasilyo papuntang locker. Nagmamadali na rin ako sa paglalakad, dahil nagbabakasali akong may matagpuan pa ako roon na iba pang mga estudyante.

Kung hindi ko lang kukunin ang libro ko rito sa philosophy hindi ako pupunta rito, kaso kailangan dahil may assignment kami.

Pagkarating ko sa tapat nang locker ko ay agad ko na itong binuksan. Kinuha ko ang philosophy na libro at inilagay ko naman doon ang mga gamit na hindi ko na kakailanganin.

Agad ko na ring isinara ang locker ko upang maka-alis na.

Ngayon ay naglalakad na ako sa pasilyo nang mag-isa. Dumidilim na ang paligid at tanging liwanag na lang na galing sa labas ang nagsisilbing ilaw dito sa pasilyo.

Dahil sa bigla akong na-bored habang naglalakad, sumipol ako.

Nang bigla kong maalala na rito sa lugar na ito ay may sumasabay daw sa paglalakad o pagsipol. Hindi naman ako roon naniniwala, hindi rin naman ako matatakutin. Ngunit sa kalagayan ko ngayon ay bigla akong nakaramdam ng takot.

Ipinagpatuloy ko pa rin ang pagsipol hanggang sa biglang umihip nang malamig ang hangin at nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok at braso.

Hindi ko na rin alam kung ano ang mararamdaman ko, dahil parang pakiramdam ko'y mayroon na akong kasabay sa paglalakad.

Gusto ko nang tumakbo ngunit parang may pumipigil sa akin.

Mas lalong nanindig ang aking katawan nang may marinig akong sumisitsit na sa akin.

Takot na takot na ako sa mga oras na ito, pinagpapawisan na rin ako nang malagkit, mas lalo na ring humihigpit ang pagkakahawak ko sa aking libro.

"Pst! Pst! Pst!" tatlong beses na malalakas at sunod-sunod ang tunog nang pagsitsit sa akin.

Gusto ko nang kumaripas sa pagtakbo, madilim na rin ang paligid, kakaunting liwanag na lamang ang tumatagos sa bintana.

Nasa isip ko na kailangan ko ng magmadali dahil baka ano pang mangyari sa akin.

Nang may bigla naman akong marinig na tumatawa. "HUWAHAHAHA HUWAHAHAHA". tawa na nakakapanindig balahibo.

"S-sino 'y-yan?..." pawalang boses kong tanong dahil sa takot.

"K-kung s-sino ka mang, nan-t-trip sa akin. H-hindi a-ako n-natutuwa." halos paiyak na ang boses ko, nanginginig na rin ang aking katawan.

Naulit pa ulit ang mga halakhak na nakakapanindig balahibo at may bigla nang sumisipol.

"S-sino ka sabi?!?" bigla na akong napasigaw dahil sa takot ko at inis.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad, hanggang sa 'di kalayuang banda ay may natatanaw akong pigura ng tao.

Tumakbo ako nang bahagya upang makalapit sa kung sino man ito.

"Hello? Sino ka? Anong pangalan mo?" sunod-sunod kong tanong dito dahil na rin sa taranta.

Bigla akong napatigil sa pagtakbo nang makita kong umuuga ang kaniyang abaga, na para bang tumatawa ito.

Bigla rin akong napalunok ng laway at nanlalaki ang aking mga mata dahil parang unti-unti na itong humaharap sa akin.

Napapa-atras na ang aking mga paa at tumutulo na ang aking mga luha sa labis na takot.

Nang tuluyan na itong makaharap sa akin, nakita ko na nakanganga na ito at dilat ang mga mata na kulay puti na lahat.

Nakasuot ito ng kulay puting damit na sobrang dumi na.

"T-tulong..." salitang kumawala sa aking bibig ngunit paos na ang aking boses.

Umatras ako nang umatras hanggang sa may para akong may naapakan na kung ano, napapikit na lamang ako ng aking mga mata.

At sa aking pagdilat, bigla akong nagulat sa aking nakita, magkaharap na ang aming mga mukha, at mata sa mata kung magkatitigan.

Ngumiti ito ng nakakaloko at hindi ko na alam kung ano pa ang mga sumunod na nangyari dahil bigla na lang akong nawalan ng malay.

🎀 :: thank you for reading!!
🎀 :: please vote and follow me po, para updated po kayo sa next upcoming stories ko^^

Sa Gitna ng Dilim (COMPLETED)Where stories live. Discover now