UNEXPECTED

8 4 0
                                    

Nakakapagod naman, araw-araw na lang, eh. Mga activities sa school, homeworks, projects and research hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Matigok na lang kaya? I think it's a good idea, joke lang. Gusto ko pang mabuhay, hindi pa nga ako nakaka amin sa crush ko, eh.

High school na 'ko ngayon moving-up, ibig sabihin grade 10 na. Matalino naman ako pero minsan ewan ko kung nasa'n ang utak ko. Lagi kaseng nalipad 'pag nakikita ko siya ayun nagiging bobo bigla.

Simula grade 7 crush ko na siya, pa'no naman kase lahat na ata ng green flag nasa sa kaniya na, eh. Matalino, may pangarap, family oriented, mabait, magaling sa sports, madaming talent, masipag, marunong sa lahat ng gawain at pang huli ang pogi hehehehe.

Madaming babae ang nagkakagusto sa kaniya, mahirap makipagsabayan kaya hanggang tingin na lang ako sa malayo.

Kahit kailan hindi ako nag-confess sa kaniya, mahirap na. Madami na 'kong kaibigan ayo'kong dumagdag siya gusto ko lovers kami.

'Pag nakikita ko siya talagang nag s-slow motion paligid ko, eh, oa ba?

Nakakahiya lang minsan kase 'pag nagkakasalubong kami ang haggard ko na, stress sa gawain sa school.

Lagi akong updated sa buhay niya, gusto ko kaseng malaman kung may gf na siya buti na lang at wala pa. Ini-stalk ko account n'ya lagi para maki chismiss tapos 'pag may bagong upload na picture auto save sa 'kin 'yan. May sarili na nga siyang album sa gallery ko, eh.

Mga kaibigan ko lagi akong inaasar kapag nakikita nila crush ko, mga tanga.

Tapos naalala ko bigla nila akong tinulak sa crush ko, hiyang-hiya ako do'n kase ang panget nang mukha ko ang epic. Sinamaan ko talaga sila ng tingin pero sa loob ko kinikilig ako tapos gusto kong sabihin sa kanila na, "Isa pa" enebe.

Ewan ko ba madami rin namang pogi at matalino sa school namin pero siya talaga 'yong gustong-gusto ko.

Minsan napapa-isip ako kung aamin na ba ako o hindi. Natatakot akong ma reject, eh. Hindi naman ako masiyadong nagpapapansin sakaniya, hindi naman ako ganoon kadesperada.

Siguro pagnawala na ang takot kong ma-reject saka ako aamin. Mag mo-move on na agad muna ako para 'pag umamin ako tapos naging friends lang ede 'di na masakit.

Nagdaan 'yong mga araw, valentine's day na. Araw ng mga puso, ngayon ko na naisipang umamin sakaniya reject kung reject.

May dala akong chocolate at letter, ibibigay ko sakaniya. Bakit may letter? Kase in case na 'pag umamin na ako tapos na-reject okay lang naka sulat naman na do'n kung bakit ko siya nagustuhan at pasasalamat na rin agad kung ma-reject ako. 'Di ba mindset, ede hindi na 'ko mag e-explain baka maiyak ako, eh. Basahin niya na lang.

Eto na exciting part.

Pumunta ako sa room nila sakto walang masiyadong tao. Hinintay ko muna kung magsisilabasan ang ibang studyante tapos kung siya na lang ang matitira.

Mabait sa 'kin si Lord kase tenen siya na lang ang natira sa room, 'yon na 'yong oras para umamin ako. Nahihiya pa nga ako kase first time ko 'tong gagawin sa tanang buhay ko.

Lumapit ako sakaniya, tumikhim muna ako. Tinignan niya naman ako at ngumiti siya, ihhh nakakapanghina.

"Hello" he approach me.

"H-hi, a-ako si Kia. May gusto lang sana a-akong sabihin." nakakahiya 'yon 'no na bulol-bulol ako.

"Ano 'yon?" curious niyang tanong sa 'kin.

"Ano kase, eh, crush kita" walang preno kong tinuran at nakapikit ako nang mariin.

Biglang nagkaroon ng katahimikan at upang makasiguro kung tinakbuhan niya ba ako ay iminuklat ko nang dahan-dahan ang mga mata kong mariin na nakapikit.

Shemayyy, b-bakit namumula ang magkabilaang pisnge niya? Kita rin ang gulat sa mga mata niya na medyo singkit.

"W-wait, what? S-seryoso ka ba?" mukha ba 'kong nagbibiroT_T

"Y-yes" sagot ko sakaniya.

"Ako rin may gustong sabihin" ready na 'ko sa reject mo, Isaac.

"Crush din kita." nanlaki talaga mata ko nun beh sa gulat. Mapapa umay gulay ka talaga.

"S-seryoso?" para na siguro akong kamatis sa pula ko ngayon.

"Yes at kung may pagkakataon sana p'wede ba kitang ligawan?" direct to the point niyang tanong, ang speed naman hindi ko talaga kinakaya 'to. Anong nagawa kong kabutihan at sobra naman ata ang sukli sa 'kin.

Ewan ko at bigla na lang akong napatango, binigay ko sakaniya 'yong regalo ko. Nagulat ako kase 'yong hawak niyang teddy bear binigay niya sa 'kin may rose flower din. Kilig na kilig ako teh, super unexpected!

Hindi pa 'rin ako makapaniwala sa mga nangyayaring ito pero gora lang. Go girl!!!

Ang harot ><

🎀 :: thank you for reading!!
🎀 :: please vote and follow me po, para updated po kayo sa next upcoming stories ko^^

Sa Gitna ng Dilim (COMPLETED)Where stories live. Discover now