DESE-OTSO : PART 2

14 6 0
                                    

Ngayon na ang araw kung saan kailangan ko nang mamaalam. Nakikita ko na ang mga kapamilya ko at si Hiro kasama ang kaniyang asawa na nasa harapan ko, nakapaligid silang lahat sa akin.

“Bella, salamat sa lahat nang saya na naidulot mo sa ating pamilya, mahal na mahal ka namin,” naiiyak na sabi ni mama, tumulo naman nang dahan-dahan ang luha ko.

“Mahal na mahal ko rin kayo po ma, salamat din po ng marami sa walang sawang pag-aalaga at pagmamahal sa ’kin. Pasensya na po kung problema ang naidulot sainyo ng aking naging karamdaman. Pasensya na po talaga,” hingi ko ng tawad dahil sa hiya ko sa kanila, naging pasakit ako sa kanila sa loob ng halos 3 tatlong taon.

“Huwag kang humingi ng tawad anak, normal na aalagaan ka namin dahil anak kita at kapamilya ka namin,” mahal na mahal ko talaga si mama.

“S-salamat Ma. . .” hindi ko na napigilang humagulhol.

“B-bella, salamat. Salamat sa lahat ng tulong na naibigay mo sa ’kin, ikaw ang naging first love ko at hinding hindi kita makakalimutan naging parte ka na nang buhay ko at kahit pa mawala ka sa ’min nananatili ka pa rin dito,” tinuro niya ang kaniyang dibdib kung saan nandoon sa loob ang kaniyang puso.

Ngumiti ako sa kaniya habang tuloy pa rin sa pag-agos ang aking mga luha. “Mahal kita Hiro, bilang isang matalik na kaibigan. Salamat dahil kailan man ay hindi mo rin ako iniwan at pinabayaan. Lagi mo sanang aalagaan ang sarili mo at sana maging maganda ang pagsasama niyo ni Athena,” payo ko.

“Makaka-asa ka, Bella,” ngumiti siya.

Lumingon naman ako kay Athena. “Maraming salamat din sa’yo Athena, salamat dahil nandiyan ka na para kay Hiro. Maraming salamat,” ngumiti ako sa kaniya kahit ramdam ko na ang hirap.

Ito na ang huling araw ko kaya nag-usap-usap na kami ng ganito para hindi na magkaroon nang pagsisisi sakaling mawala na nga ako bigla.

Ibinuka ko ang dalawa kong braso, senyales na gusto ko ng yakap. Nagsilapitan silang lahat at niyakap nila ako, lahat na kami nag-iiyakan. Mamimiss ko ’to, mamimiss ko sila.

Sumapit na ang gabi, mag-isa na lang ako sa kwarto, gusto pa sanang sumama ni mama kaso pinigilan ko siya. Ayo’kong makita niya ’ko na nahihirapan na ng lalo.

Bagsak na talaga ang katawan ko ngayon, ang dati kong malusog na katawan ay napalitan ng buto’t balat na lang. Nawala na rin ang mga ningning sa aking mga mata dahil sa labis na pagod at paghihirap na nararamdaman.

Ito na ’yon, ang aking oras.

Humiga na ako sa aking kama at nagdasal. Humingi ako ng tawad at nagpasalamat Sakaniya.

Nararamdaman ko na ang bigat ng aking paghinga, may nakikita na rin akong liwanag. Sinunod ko iyon at ipinikit na nang tuluyan ang aking mga mata. Hanggang sa muli.

Limang taon na ang nakalipas simula no’ng mamatay si Bella. Madaming dumalo sa kaniyang libing, tunay ngang may mabuti itong puso. Maaliwalas ang kaniyang mukha sa loob ng kabaong, isang pahiwatig na masaya niyang nilisan ang mundo.

Nagkaroon na rin ng anak sila Hiro at Athena, pinangalanan nila itong Bella. Tuwang-tuwa ang mag asawa dahil ang ganda ng kanilang anak, ito rin ang nagbibigay sa kanila ng saya sa araw-araw.

Mag lalabing-walo na si Bella, magiging isang ganap na dalaga na siya. Masayang-masaya ang kaniyang mga magulang para sa kaniya. Isang matalinong bata ito, magalang din, may ilan din itong mga bagay na maihahalintulad kay Bella. May balat sya sa tamping tagiliran, hindi rin naman alam ng mga magulang nito kung bakit siya nagkaroon noon. Inisip na lang din nilang normal iyon.

Si Bella sa tuwing mag-isa s’ya at nakakapunta sa lugar na unang beses niya pa lang napupuntahan nagtataka siya, dahil parang pamilyar siya sa mga ito.

Sa Gitna ng Dilim (COMPLETED)Where stories live. Discover now