MATA

14 7 0
                                    

Bigla akong na-alimpungatan nang may marinig akong kumalabog sa ibaba. Bigla akong tumayo upang tignan kung ano ang nangyari.

Kinukusot ko pa ang kanang mata ko dahil medyo malabo pa ang nakikita ko. Binuksan ko ang ilaw sa kwarto ko, papunta ako ngayon sa kusina walang ilaw doon. Kaya sa may kusina ako nagtungo dahil narinig ko ang tunog sa may banda roon, parang kawali o kaldero na nahulog.

Kinakapa ko ang switch ng ilaw, hindi ko makapa ito. Hindi ko nadala ang phone ko pagbaba, kaya hindi ko makita agad ang switch ng ilaw, how stupid I am.

Kinapa ko pa nang kinapa hanggang sa may mahawakan ako, pinindot ko iyon at bumukas ang ilaw, nakita ko agad ang kaldero sa sahig. Nakakapagtaka dahil alam kong katabi no'n ang ibang plato at baso bakit hindi ito nahulog kung sakaling pusa ang nakasagi?

Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito, inayos ko na lang ang mga gamit sa kusina para hindi na mahulog, sayang naman kung mababasag.

Paakyat na 'ko sa taas, pero natigilan akong umakyat kase no'ng pagtalikod ko ay bigla akong nakaramdam na parang may nakatingin sa akin. Medyo nanindig din ang mga ilan sa balahibo ko sa braso, nakaramdam ako ng takot that time kase mag-isa lang ako sa apartment ko. Gusto kong tumakbo pero tila nanigas ang mga paa ko dahil hindi ko ito maigalaw.

Ikinalma ko ang sarili ko at inisip na guni-guni ko lang 'yon, imposibleng may nakatingin sa akin kase mag-isa lang ako rito. Nilakasan ko ang loob ko, no'ng naging medyo ayos na ang pakiramdam ko, tumingin ako sa paligid ko wala namang kakaiba, guni-guni ko lang talaga. Umakyat na 'ko agad sa taas dahil baka may kung ano na namang pumasok sa isip ko.

Kinaumagahan maaga akong gumising dahil may pasok pa ako, ginawa ko na lang ang mga daily routine ko.

College na 'ko ngayon, malayo ang bahay namin sa pinapasukan kong paaralan kaya ako rumenta ng apartment na malapit sa paaralan ko. Mag-isa man ako rito ay nasasanay na rin, pumunta na 'ko ng cr para maligo. Pagpasok ko pa lang ay bigla nang lumamig ang paligid at nakakapanibago. Mainit naman na, sikat na ang araw pero malamig talaga, iba rin ang atmosphere.

Habang naliligo na 'ko ay nakaramdam na naman ako na parang may nakatingin sa 'kin, natatakot na 'ko kaya dinali-dali ko na lang ang pagligo ko. Alam ko rin na baka guni-guni ko lang 'yon pero parang totoo kase na may nakatingin.

Pagkatapos ko maligo inasikaso ko na ang mga kailangan ko sa pag pasok.

Pagkababa ko palang ng trycicle sinalubong agad ako ni Katalina.

"Magandang umaga, Almira!!!" masigla niyang bati habang nakangiti.

Nginitian ko rin siya. "Magandang umaga rin, Katalina." tugon ko.

Pagtapos naming magbatian sa isa't isa ay naglakad na kami papasok sa school namin. Nagsimula siyang magsalita.

"Kumusta ka naman, Mira?" she asked.

"Ayos lang naman, ikaw ba?" I answered and asked.

"Ayos lang din naman, so kumusta buhay mo sa apartment? Mag-isa ka lang dun ah, hindi ba nakakatakot?" pagkatanong niya no'n ay naalala ko 'yong nangyari kagabi at kaninang umaga.

"A-ayos lang naman, h-hindi naman n-nakakatakot." I lied, because seriously I'm too scared na. Dalawang beses kaseng nangyari 'yon, kaya sinong hindi matatakot?

"Sigurado ka ba sa sagot mo?" she chuckle.

She really knows me. "Y-yeah, why?"

"Para kaseng hindi, eh, namumutla ka nga parang may something wrong." namumutla ba talaga ako?

Hindi ko na lang siya pinansin no'ng pagkasabi niya no'n, nanahimik na lang ako at baka kung saan pa mapunta ang usapan namin.

Natapos na ang klase namin, uwian na. Magkasama kami ulit ni Katalina habang nag-aabang ng masasakyan pauwi.

Nang may dumating na trycicle ay sumakay na kaming dalawa, nauna akong maibaba kaya pagkababa ko nagpaalam kami sa isa't isa.

"Bye Katalina, ingat ka!" I said sincerely.

"You too Mira, see you ulit tomorrow!" I waved my hand, sign na nag ba-bye na 'ko.

Pagkapasok ko sa loob ng apartment ko umupo ako agad at bumuntong hininga. Alas singko na mag luluto pa 'ko ng ulam, tumayo na 'ko sa upuan pagkatapos kong mag pahinga, nag-ayos na rin ako ng sarili ko.

Pumunta na 'ko sa kusina para simulang magluto ng itlog, nagsaeng din ako at nagtimpla ng juice.

Pagkatapos kong kumain, inayos ko ang mesa at hinugasan ang mga ginamit ko sa pagluluto at pinagkainan.

Pagkatapos kong gawin ang mga iyon umakyat na 'ko sa taas, pasado alas 7 pa lang. Pagka-akyat ko sinarado ko na ang pinto ng kwarto ko. Nahiga na 'ko sa kama ko, nag ce-cellphone ako nang maalala ko palang may quiz kami bukas sa major subject hindi pwedeng mababa ang makuha kong score isa pa scholar ako. Tumayo ako agad sa higaan at nagsimulang mag-review. Habang nagre-review ako nararamdaman ko na namang may nakatingin sa akin, hindi ko na lang inintindi kase kung iintindihin ko 'yon mawawala ako sa focus. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagre-review.

Bandang mag-aalas dose na 'ko natapos, antok na 'ko kaya itinigil ko na. Humiga na 'ko sa kama para makapagpahinga, ipinikit ko na ang mga mata ko upang matulog na dahil maaga pa 'ko bukas.

Wala pang sampung minuto ang pagkakaidlip ko nang may marinig na naman akong kumalabog sa ibaba. Tinignan ko kung anong oras na, pasado alas dose na ng hatinggabi.

Kinuha ko ang cellphone ko at bumaba ng kwarto, pinindut ko ang flashlight ng phone ko para madali kong mahanap ang switch ng ilaw.

Habang hinahanap ko ito biglang namatay ang ilaw sa phone ko, natakot ako bigla pinukpok ko pa ang cellphone ko gamit ang palad ko dahil ayaw bumukas marahil ay naubusan na ito ng baterya hindi ko naman kase nakita kanina kung lowbat na ba ito o hindi pa.

Nagmadali na akong kumapa-kapa sa dingding, kinakabahan na talaga ako at natatakot na dahil hindi ko na gusto ang atmosphere. Nararamdaman ko na naman na may nakatingin sa akin, naiiyak na 'ko sa takot.

Tinignan ko ang paligid ko, madalim puro dilim nakakapa ko ang mesa at dito ako humawak para makakuha ng kaunting lakas dahil ang tuhod ko ay nanginginig na sa takot.

Nilibot ko pa ang paningin ko, biglang may liwanag na dumaan mula sa labas papunta sa loob napunta yun sa may ilalim ng lababo.

Nanlamig ako sa nakita ko.

Bigla akong napipi.

Ang mga mata ko ay walang kurap pa rin.

M-mata...

Alam kong m-mata iyon.

Lalo akong natakot ng hindi nawawala ang tingin nito sa akin, gusto ko ng sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko, nanghihina na rin lalo ang mga tuhod ko sa takot. Kinabahan na 'ko lalo dahil biglang tumalim ang matang nakasilip sa ilalim ng lababo, tumutulo na ang mga luha ko sa takot. Hindi ako makapaniwala na nangyayari 'to, baka masamang panaginip lang ngunit ng kinurot ko ang sarili ko ay totoo ngang nangyayari ito hindi ito isang masamang panaginip.

Hindi na 'ko makagalaw, para na rin akong nahihipnutismo sa mga titig nito sa akin. Nawawalan na 'ko ng lakas at bumabagal na rin ang paghinga ko.

Bigla akong nakaramdam ng sobrang panghihina at bago ako tuluyang mawalan ng malay may narinig akong sinabi nito.

"Mira, tulong..." saad nito na may tonong nakaka-awa at parang baliw na ngumiti.

Creepy.

🎀 :: thank you for reading!!
🎀 :: please vote and follow me po, para updated po kayo sa next upcoming stories ko^^

Sa Gitna ng Dilim (COMPLETED)Where stories live. Discover now