TULONG

49 10 0
                                    


Naglalakad ako pauwi nang may makasalubong akong tatlong lasenggo. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglakad-lakad para ’di nila ako mapansin, nang nakalagpas na ako sa kanila bigla akong tinawag ng isa sa kanila.

“Hoy miss tigil,” agad akong nakaramdam ng takot kaya naglakad pa ’ko ng mas mabilis.

“Hoy miss tigil sabi, eh,” pag-uulit nito, sa sobrang takot ko ay tumakbo na ’ko, hinabol nila akong tatlo.

Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ko, naiiyak na ako kase maaabutan na nila ako. Hanggang sa nahawakan ng isa sa kanila ang buhok ko. Napatigil ako sa pagtakbo.

“Pinahirapan mo pa kami sa pagtakbo,” saad no’ng isa sa kanila.

“P-parang awa n’yo na po, b-bitawan n’yo po ako,” nauutal na ’ko sa takot at naiiyak na rin.

“Ano kami tanga? Na pagkatapos ka naming habulin, eh, papakawalan ka na lang namin basta-basta? ’Di p’wede sa ’min ’yon miss,” sabi ng may hawak sa buhok ko.

“Parang-awa n’yo na po, bitawan n’yo na po ako masakit,” saad ko habang inaalis ang pagkakahawak ng isa sa kanila sa buhok ko, hinigpitan n’ya pa tuloy ’to lalo.

“Mas lalo kang masasaktan kapag nanlaban ka pa, kaya mas mabuting sumama ka na lang,” sa sinabi n’yang ’yon ay mas pilit ko nang iniaalis ang pagkakahawak n’ya sa buhok ko.

Nanlalaban ako sa kanila habang humihingi ng tulong.

“Tulong! Tulong! Tulungan n’yo po ako, k-kuya parang awa n’yo na bitawan n’yo na ’ko,” ’di n’ya ako pinakinggan, ang ginawa n’ya ay sinikmuraan n’ya ako, bigla akong nanghina at nag-umpisa ng magsituluan ang mga luha mula sa aking mga mata.

“P-please, p-parang-awa n’yo na, p-pakawalan nyo na ’ko,” nanghihina at utal-utal ko na pagsaad habang nakahawak sa tiyan ko.

“Tulungan n’yo na ’ko, dalhin na natin ’to do’n sa bakanteng lote,” utos nang sumuntok sa ’kin.

Inakay ako ng dalawa sa paglalakad, gusto ko pa man manglaban ngunit hindi ko na kaya. Naidala na nila ako sa bakanteng lote, pinilit ko pang sumigaw para may tumulong sa ’kin ngunit walang saysay ito dahil sa hina ng boses ko.

Natapos ang ilang oras na pananatili namin sa madamong bakanteng lote, binaboy nila akong lahat.

Puro lang pagtangis ang ginagawa ko, sa tuwing nagpupumiglas ako sinasaktan nila ako. Tinakpan din nila ang aking bibig nang walang makarinig sa ’kin sa pagsisigaw.

Alam kong buhay pa sila ngayon pero sinusunog na ang kanilang mga kaluluwa sa impyerno.

Hinayaan lang nila ako roon na punit-punit ang saplot, tinakot pa nila akong kapag nagsumbong ako sa pulis ay papatayin nila ako.

Pinatay na lang sana nila ako ngayon, nilapastangan na nila ang pagkababae ko. Mga animal sila, mga walang puso. Demonyo.

Pinilit kong tumayo kahit paika-ika ako, sobrang sakit ng katawan ko, lalo na ang aking parteng ibaba. Mga h@yup sila, h@yup!

Sinisigurado kong pagbabayaran nila ito, makukuha ko ang hustisya at makukuha nila ang parusa na nararapat para sa kanila.

Akap-akap ko ang aking sarili habang paika-ikang tumatakbo sa gilid ng kalsada at umaasang may makakasalubong akong tao na tutulong sa akin.

“T-tulong. . . T-tulungan n-niyo po a-ako. . .” patuloy kong paghingi ng tulong sa kabila ng aking paos na boses.

Sa ’di kalayuan ay may namamataan akong tao na naglalakad papunta sa direksyon kung saan ako naroon. Kumaway-kaway ako sa taong ito at inipon ang buong lakas ng aking boses upang sumigaw.

“Tulong!” ang sigaw kong iyon ay may bahid na labis na pagkahina at garalgal dahil sa labis na pag-iyak.

Nakita ko itong tumatakbo na papunta sa akin, marahil ay narinig nito ang aking sigaw. Habang patuloy ako sa paglalakad lumalabo na rin ang aking mga mata at pakiramdam ko ay mahihimatay na ako o matutumba.

Hindi ko na makayanan ang aking sarili, malapit na akong mawalan ng malay. Handa na akong bumagsak ng biglang may sumalo na sa akin.

“Miss, miss, miss, ayos ka lang?” mga huling salitang aking narinig bago ako tuluyang kainin ng dilim.

Sa Gitna ng Dilim (COMPLETED)Where stories live. Discover now