*Talking About Her*PANAY ang ayos ni Timothy sa kanyang suot na cap habang naglalakad sa isang mall. Kasama niya ngayon si Darylle na naglalakad habang ang mga escorts niya ay nakakalat sa paligid. Palihim sila nitong sinusundan.
Balak nilang supresahin si Sebastian. Ang sabi ng sekretarya nito ay dadalaw ito sa isang branch ng mall nito at maglilibot-libot. Kaya naman nandito sila.
"Dapat bro, pinalapit mo yung mga escorts mo. Para cool!" sabi ni Darylle habang pinagmamasdan ang mga iyon sa kalayuan na nakamasid sa kanilang dalawa.
Siniko niya ang kaibigan upang hinaan ang boses nito.
"Ano ka ba? Baka may makarinig sa'yo. Alam mo namang mainit kami ngayon sa mata ng mga tao. Kapag pinasunod natin 'yan sa likod natin ay makakaagaw sila ng pansin." anas niya atsaka inirapan ang kaibigan.
May kumalat na balita sa media na narito sila sa bansa ngayon. Kaya naman maraming media na nag-aabang sa labas ng Lucullan Vilage kung nasaan ang kanilang mansion. May ilan pa ngang nakalusot sa matinding seguridad ng village at naghihintay sa harap ng gate nila.
Sa ngayon ay sa bagong biling bahay sila ni Yiorgos nakikituluyan. Papahupain muna nila ang balita saka sila babalik sa mansion.
"Haayy... hirap pala maging ganyan ano? Walang privacy ang buhay mo. Hindi ka makapaglibot-libot ng walang iniisip na baka may masamang mangyari sa'yo. Buti ako simple at gwapo lang." pagmamayabang nito.
Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan.
"Tigilan mo nga 'yang pagyayabang mo diyan. Hindi ko naman ginustong maging ganito. At lalo ng hindi rin ginusto ng mga magulang ko iyon. Kaya nga pinalaki nila ako dito sa Pilipinas. Hindi na pwedeng takasan 'yon."
Sa totoo lang ay hindi naman talaga niya ginusto ang kung anong meron siya ngayon. Ang napakaranyang buhay na tinatamasa niya ay palaging may kapalit. Ang kalayaan, oras at kaligayahan niya. Kailangan niyang magtrabaho para mapalago pa ang kung anong meron sila. Inuubos nun ang oras niya. Hindi man lang siya makapag-enjoy kagaya ng ilang tao na ka-edaran niya. Dahil rin sa nabibilang ang pamilya niya sa mayayamang pamilya sa bansa ay maraming tao ang nakakakilala sa kanya. Nililimitahan nun ang kilos at galaw niya sa mga pampublikong lugar.
Sana lang ay maging sapat ang panahon na ibinigay sa kanya ng kanyang ama upang magawa niya ang mga dapat niyang gawin rito sa Pinas. Lalo na ang makipagbalikan kay Abigale Marie. Isasama niya na ito sa Greece. Doon sila magsisimulang muli.
"Ayon na siya bro! Halika lapitan na natin!" sabi ni Darylle at hinila siya papunta sa supermarket ng mall.
Kaagad niya namang namataan ang kaibigan. Malaki na ang ipinagbago nito katulad ni Darylle.
Ang balak talaga niya kaya narito siya ngayon ay para kamustahin at kausapin ng masinsinan ang kaibigan. Matagal siyang nawala. Sa mga lumipas na taon ay marami siyang nakaligtaan. Titignan niya kung may magagawa pa siya para maayos ang pakikisama nito kay Sierra.
Magmula ng malaman niya iyon, ay talaga namang nagtanim siya ng sama ng loob kay Sebastian. Pero papakinggan niya muna ang side nito bago niya ito gulpihin.
Nang medyo makalapit na sila rito ay napansin niya na may kasama itong bata. Hawak nito ang bata sa kamay na nakatalikod sa kinaruruonan nila.
"He's masungit po talaga tito." dinig niyang wika ng bata.
Huminto siya sa paglakad, kaya naman napahinto rin si Darylle. Ilang metro na lang ang layo nila sa dalawa.
"Ayan ba yung anak niya?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)
RomanceHighest rank so far #2 in Romace Timothy Vidales can be classified as one of the hottest bachelor in the country. He has everything before he was even born. He's the only heir of the Vídales, one of the rich family living in Greece. His parents wan...