Kamusta fels. Maulan na hapon. Sino bang mga binabaha na diya? Chos!
Be safe everyone. A message from Retro. Dumb way to die lang.
Like always, mispellings and wrong grammars are expected.
Ikaapatnapu't apat na Kabanata
Missing HimNAGLALAKAD si Timothy sa malaking hallway ng Royals Place kung saan ia-anunsiyo at pormal na ipapakilala ang mga tatakbo para sa election ng RH owners. Marami ang dadalo sa pagpupulong na iyon kasama na ang pamilya ng mga Vlahakís, ang magiging matinding kalaban ng mga Vidales.
Ngumiti si Timothy ng makasalubong niya si Chairman Dimitriou, ang pinaka-head ng Royal Houses at ang pinakamayaman sa kanilang lahat na narito.
"It's nice to see you here, Prince Timothy Vidales. I heard that you had just arrived a few hours ago." masayang bati sa kanya ng matandang lalake.
Ngumiti siya rito saka yumukod.
"A pleasant evening to you Chairman. Yes, I had just arrived from my hometown, the Philippines. I missed that country."
Ilang araw na niyang tinitikis ang mag-iina niya. Sa mga araw na nasa Pilipinas siya at hindi niya ito kasama ay ilang beses ng nagbago ang isip niya tungkol rito. Pero mas nananaig sa kanya ang kagustuhang malagay sa kaligtasan ang mag-iina niya.
"But where do you wanna live? Here in Greece or in Philippines?" tanong sa kanya ng matandang chairman.
Pumasok sa isip niya ang mag-iina niya.
"The truth, I love this country but I love my hometown so much. My family is there. And wherever they are, that's my home. Because they are my home."
Kung nasaan ang mag-iina niya ay doon ang matatawag niyang tahanan. Dahil doon siya masaya, doon nagiging tama ang lahat para sa kanya.
"Well said young man. Save a day for me Prince Timothy, I want to have a coffee with you to my place. Maybe before the election." tinapik siya ng matanda sa balikat.
Muli siyang yumukod rito saka nagpasalamat.
"It's a pleasure Chairman Dimitriou. Thanks for inviting me, expect me to come sir."
"Again, it's nice seeing you here." bahagyang lumapit sa kanya ang matanda at bumulong. "You don't have to worry Prince Timothy. You have my support."
Isang ngiti ang isinagot niya rito.
Hindi masamang maniwala na totoo ang sinasabi ng chairman nila. Pero hindi lang naman ang chairman ang kailangan niyang i-please. Pati na rin ang iba pang members ng RH.
Nagpaalam na siya sa chairman. Nakita niya kasing papalapit na ang pamilya ng mga Vlahakís sa kinaruruonan nila. Hindi niya matatagalan na makasama sa iisang lugar ang nakakasuklam na pamilyang iyan. Lalo na si Gabriel Vlahakís. Baka hindi niya matantsa ang bwiset na 'yan.
Naglakad na siya papunta sa designated table para sa pamilya nila. Nang makarating siya roon ay kaagad siyang nilapitan ni Yiorgos at binulungan.
"Your highness online na po si Lady Abigale Marie. Tinext niya na rin daw kayo."
Sa wakas. Makakausap niya na rin ang mahal niya. Ilang araw ring nasira ang signal sa islang iyon. Matatawagan niya na rin si Abigale. Kakamustahin niya rin kung nagtatampo pa rin sa kanya ang dalawang bata.
"Okay." nakangiting wika niya. Pero kaagad na napalis iyon ng makita niyang hindi nito kasama ang isa pa niyang butler.
"Si Dempsey?"
BINABASA MO ANG
TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)
Roman d'amourHighest rank so far #2 in Romace Timothy Vidales can be classified as one of the hottest bachelor in the country. He has everything before he was even born. He's the only heir of the Vídales, one of the rich family living in Greece. His parents wan...