Ikatatlumpu't limang Kabanata
The real power of THE VIDALESNAGSIPAGYUKOD ang mga naka-itim na lalake habang naglalakad si Timothy sa pasilyo ng Villa Florencia. Dito dinala si Kuguro matapos siya mahuli nila Yiorgos. Sa hidden underground ng villa nito ay naroon ang impyernong kulungan ni Kuguro Hayashi.
Huminto sa paglakad sa harap ng isang steel door si Timothy. Saka niya binalingan ang isang lalake na naroon.
"How is he, Karl?" tanong niya sa lalakeng naroon. Karl Madrid, ito ang assistant niya noon sa Greece noong nagsisimula pa lang siya. Isa ito sa mga loyal na tauhan ng pamilya nila.
Itinuturing niya itong kaibigan.
"Still alive. As what you said, we served a plenty and delicious meal for him. He ate more earlier. I think, he's conserving his enery."
Napangisi siya sa narinig. Tama lang iyon.
"That's good. Para magkaroon siya ng energy sa mga gagawin ko sa kanya ngayon." hindi na siya makapaghintay na makita muli ang taong iyon. Kating-kati ang kamo niya upang patumbahin ang gagong 'yon. "May tao ba sa loob?" tanong niya muli.
"Wala. Pinalabas ko na ang mga inutusan mong mag-torture sa kaniya kanina pang 9 pm."
"Okay. Buksan mo ang pulang ilaw. Dagdagan mo ang room temperature." binalingan niya ang isa pa nitong kasama. "Lexus! Dalhin mo ang mga gagamitin ko sa loob."
"Masusunod, your highness."
"Now open the door to hell." utos niya kay Karl. Kaagad naman nitong pinindot ang button upang mabuksan ang pinto noon. Nag-swipe pa ito ng isang card.
Pumasok na siya. Dumaan muna siya sa isa pang pasilyo na puno ng light beam na kulay green at pula.
Matapos siyang maglakad roon ay lumabas siya sa isang napaka-init na lugar. Sa dulo nun ay may malawak na rehas kung saan nilagay niya si Kuguro. Hindi na nila ito itinali. Sa sobrang advance ng technology ng rehas na iyon ay hindi ito makakawala roon. Bukod sa may nakatutok na CCTV roon ay may kuryente na dumadaloy sa rehas nun. Sapat ang kuryenteng iyon upang pumatay ng tao. Kung malusutan man niya ang rehas na iyon ay nag-aabang sa kanya ang pasilyong puno ng laserlight. Once na magkamali siya ng tapak sa isa sa mga beam nun ay kusang magsha-shutdown ang buong lugar. Magsasara ang steel door at hindi ito mabubuksan hangga't hindi ilalagay ni Timothy ang pincode na nilagay niya rito.
At kapag nagsara ang steel door ay mabubuksan ang kulungan sa loob ng underground na iyon. Ang kulungan ni Sphynx, Lite, Hell at Odin. May mabubuhay pa ba sa kulungang iyon kung sakali?
"Kamusta ka na Kuguro Hayashi? Tao ka pa ba? Mukhang hindi na ha!" nakangising bati niya rito. Pinindot niya ang smartlock ng rehas at ng magbukas ito ay pumasok siya sa loob nun.
Nahihirapang napasalampak sa sahig si Kuguro. Sa sobrang init ng room temperature ay nanghihina ito.
"Fuck you! You'll going to pay for all of these!" halos bulong na lang iyon.
"I'm so scared!" nagkunwari pa siyang natatakot sa sinabi nito.
Humarap siya sa CCTV saka nagsalita.
"Ipasok niyo nga si Hell. Baka naboboring na iyon sa loob ng kulungan niya." utos niya.
Natawa si Kuguro.
BINABASA MO ANG
TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)
RomantikHighest rank so far #2 in Romace Timothy Vidales can be classified as one of the hottest bachelor in the country. He has everything before he was even born. He's the only heir of the Vídales, one of the rich family living in Greece. His parents wan...