Very soon ang update 'di ba? Hahaha... enjoy reading...
Warning: Not edited. So Expect wrong grammar and mispellings.
Ikadalawampu't walong kabanata
Good news~Bad newsIMINULAT ni Abigale ang kanyang mata. Nilingon niya ang paligid. Puti ang buong kwarto at pamilyar ang amoy. Kung tama ang hinala niya ay nasa hospital siya.
Bumangon siya at sinapo ang kanyang ulo na kumikirot. Napababa siya sa kama ng may maramdamang kung ano. Hinila niya ang stand na pinagkakabitan ng IV fluid na nakakabit sa kanya papunta sa banyo.
Kaagad niyang tinungo ang lababo at doon ay sumuka. Pero nakakapagtakang walang lumalabas. Naduduwal lamang siya.
Binuksan niya ang gripo upang maghilamos. Matapos iyon ay sumandal siya sa pader.
May hula na siya kung ano ang nangyayari sa kanya. Ilang araw na rin niya itong nararanasan. At kanina ng sumubok siyang mag-pregnancy test ay nakompirma niya ito. Ibinigay iyon sa kanya ni Louisa. Naikwento niya na rin kasi sa kaibigan ang mga nararanasan niya. Kaya palihim siyang nagpabili rito ng PT. Nag-positibo ito ng subukan niya sa kanilang kwarto ni Timothy. Kaya sa sobrang excited na ipamalita ito kay Louisa at Sierra ay nakalimutan niya ito sa banyo nila. Dahil balak niyang surpresahin si Timothy ay natakot siyang makita ito ng kasintahan sa banyo nila.
Iyon ang dahilan kaya nagpaalam siya kay Timothy. Ngunit hindi niya na nagawa ng may dumukot sa kanya.
“Nagtagumpay ang Timi ko.” sinupil niya ang ngiti sa kanyang labi.
“Sharp-shooter ako e!”
Napalingon siya bigla. Nakita niya si Timothy na nakasandal sa hamba ng pinto sa cr. Lumapit ito sa kanya at maya-maya pa ay parang bata itong nagtatalon.
“Ang galing-galing ko! Hahaha magiging daddy na naman ako! Wooh!!” tuwang-tuwa ito at hindi niya mapigilang mapangiti habang pinanunuod itong magsaya sa magandang balita. “Excited na talaga ako!!”
Nagulat siya ng bigla siyang buhatin at iikot sa ere ni Timothy. Kapagkuwan ay ibinaba siya nito at pinugpog ng halik sa mukha.
“I'm so happy right now. Thank you talaga Abigale Marie. Ikaw lang talaga ang nakakapagpasaya sa akin. I love you so much!”
“I love you too...”
Napahinto sila sa paglalambingan ng may sumingit na nurse sa kanila.
“Naku sir! Nalagyan na ng dugo ang swero ni ma'am.” sabi nito na nakapagpataranta kay Timothy.
“Fuck what we will gonna do? Baka maubusan siya ng dugo niyan. Gawan mo kaagad 'yan ng paraan.” nagpapanic na wika nito.
Natawa siya sa hitsura ni Timothy. Namumutla ito.
“Mag-relax ka nga Tim.” saway niya rito.
“Ako na ang bahala sir. Aayusin ko na lang po.” wika ng nurse at inalalayan siyang makabalik sa kama. “Dahan-dahan lang ma'am.”
Nang makaupo siya sa kama ay aayusin na ng nurse ang IV fluid ng magsalita si Timothy.
“Palitan mo 'yang IV fluid niya.” utos nito.
“Huh?” takhang tanong ng nurse. Bago lang naman kasi iyon dahil wala pang isang oras mula ng ikabit iyon sa kanya. May kaunting dugo nga lang ng kumalat.
“May dugo na 'yan e.”
“Ano ba! Ang kulit mo Tim. Pwede ba magrelax ka nga.” hindi niya malaman kung maaasar o matutuwa siya rito. Parang tanga na kasi si Timothy sa pagiging OA.
BINABASA MO ANG
TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)
RomanceHighest rank so far #2 in Romace Timothy Vidales can be classified as one of the hottest bachelor in the country. He has everything before he was even born. He's the only heir of the Vídales, one of the rich family living in Greece. His parents wan...