CHAPTER THIRTY SEVEN

93.5K 1.8K 54
                                    

Bagong taon. Bagong Kalaban. Bagong Kakampi.

Sa inyo? Anong bago?

WARNING. Mispellings and wrong grammar are expected.

Enjoy reading.






Ikatatlumpu't pitong Kabanata
Betrayal

"PATAY na si Kuguro Hayashi." iyon agad ang sinabi sa kanya ni Yiorgos ng magkasarilinan silang dalawa.

Marahas na napatingin siya rito.

"What? Sinong pumatay sa kanya?" inis na tanong niya.

Hindi pa siya tapos kay Kuguro. Ang dami niya pang naiisip na gagawin rito para maranasan nito ang impyerno sa kamay niya.

"Pinatay siya ng dad mo!" naglabas ng sigarilyo si Yiorgos at nagsindi ito ng isa.

Nandito sila sa basement ng hospital. Malapit sa morgue. Walang katao-tao rito.

"Sinubukan nilang irevive ang baliw na lalakeng iyon. Pero ang balita ko ay hindi na daw nakayanan. Straight raw sa puso ang tama ng bala. Sharp shooter ang daddy mo."

Psh, si daddy talaga.

Okay na rin siguro iyon. Kahit paano ay nakaganti rin naman siya. Pero hindi pa sana sapat iyon.

"Baliw na ang Kuguro na 'yun. Wala na sa tamang pag-iisip. Rinig na rinig kong sumisigaw siya sa loob ng operating room sa villa Florencia. Papatayin raw tayo ng mga kakampi nila." napailing-iling si Yiorgos habang kinukwento iyon. "Kung kaya niya. Ngayon pang nacontact ko na ang mga secret agents ng Tito Dale mo. Tignan lang natin kung may magawa pa sila."

"H'wag kang magpaka-kampante Yiorgos. Sa tingin ko. Mas dumadami ang inaalagaan nating taksil sa loob ng mansion. Kailangan na natin silang isa-isahin. Unahin mo si Rio. Dispatsahin niyo siya ng mabuti. Ipagawa mo 'yan sa mga secret agents." seryoso siya.

Bahala na kung paano niya ilulusot iyon kay Abigale. Ang mahalaga ay mawala si Rio sa landas nila. Kung pwede ay mamatay na ito ngayon.

"They're not using their guns for no reason." gagad ni Yiorgos sa sinabi niya.

Marahas na binalingan niya ito ng tingin.

"At sa tingin mo hindi dahilan ang pagtatangka nila sa pamilya ko. If they will not going to obey me. It's better to kill them all." inis na wika niya pa rito.

Napailing si Yiorgos saka siya tinapik sa balikat, "Hinay-hinay Timboy! Use your mind with your heart. Nawawala ka na sa sarili mo Tim. Nagiging obsess ka na naman sa pagpaparusa sa mga taong nakakabangga ni Abigale. Sa mga taong nananakit sa kaniya."

Yiorgos clearly remember the day when he had almost kill her stalker. Binugbog niya iyon ng sobra. Nabali ang tadyang ng lalakeng iyon. Hindi niya akalaing magagawa iyon ni Timothy. Lalo na't Highschool pa lang ito ng panahon na iyon.

"H'wag kang magpadalos-dalos Tim. Baka iyan pa ang maging dahilan para mapalayo siya sayo. Palagi mong tatandaan. Hindi ka pa lubusang kilala ni Abigale. Paano na lang kapag nalaman niya ang mga tinatago mong baho?"

Napakuyom ng palad si Timothy. Siguradong iiwan siya ni Abigale kapag nalaman nito ang mga sikretong iyon.

"Malalaman niya lang naman 'yon kapag pinaalam mo sa kanya ang bahong 'yon, Yiorgos. Wala akong ibang sisisihin kung hindi ikaw. Tandaan mo rin, kasama ka sa lahat ng mga pinaggagawa kong iyon."

Parehas silang nakangisi. Their dirty little secrets. Mga sikretong sila lang ang nakakaalam.

"It's safe with me. Pero paano kung may iba ng makaalam? Safe pa ba ang sikreto mong iyon sa mansion niyo?"

TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon