CHAPTER THIRTY

147K 4K 128
                                    

Sorry for the very long wait. Babawi ako ngayong chapter. Nasa chapter thirty na tayo. More than 20 chapters na lang ang nalalabi.

Warning. Not edited. Expect mispelling and wrong grammars.







Ikatatlumpong Kabanata
Envy~Abigale's nightmare

HINDI mawala ang ngiti ni Rio habang nakatingin sa papaalis na sasakyan ni Timothy. Sigurado siyang natakot ng husto si Abigale kaya huminto ang sasakyan nito sa isang tabi kanina.

Alam niya ang ginawa ng kanyang ama. Nagpakita ito kay Abigale para takutin ito. Hudyat rin iyon na malapit na nilang gawin ang masamang planong binabalak nila para sa kanyang kapatid kuno.

"Malapit ka ng mamatay Abigale! Makukuha ko na rin ang lahat ng sa'yo na dapat ay sa akin." mala-demonyo niyang sabi.

She hates her to the very core. Feeling niya ay lahat ng meron siya ay inagaw nito. Inggit na inggit siya rito.

Ang magarang buhay nito kasama ang mga Vidales, ang pagkakaroon ng mapagmahal na magulang at si Timothy na hindi siya mapansin-pansin dahil palaging nakatuon ang atensyon nito sa kanya.

"Ano bang maganda sa babaeng 'yon. Hamak namang mas maganda ako sa kanya." nagngingitngit siya sa galit sa tuwing ikinokumpara siya ng kinilala niyang ama, na si Don Abner, sa anak nito.

Oo na't mas maganda at mabait na ang babaeng iyan. Eh likas na hindi maganda ang ugali niya. Ano bang magagawa niya? Mahirap baguhin ang mga nakaugalian niya. Tinatamad siya.

(Babe sana di mo mabasa 'to. Hahaha xD Alam kong Witch ako hahaha xD Tinatamad akong magbago.)

Tandang-tanda niya pa. Noong mga bata sila. Ito ang madalas na bukang-bibig ng mommy at daddy niya. Sa tuwing dadalaw o kaya naman kapag mag-i-stay sa kanila ito twuing weekends, ay tuwang-tuwa ang mga magulang niya. Mabait kasi ito. Kaya kapag nandiyan si Abigale ay ini-itsyapwera siya ng mga ito.

Pero dahil masama ang ugali niya. Madalas siyang mag-inarte na inaway siya nito. Iniisip tuloy ni Abigale na hindi siya gusto ng ama niya. Dahil nga uma-acting siya ay mas kinapakamphian siya ng ama-amahan.

Hindi nga niya malaman kung bakit gustong-gusto ito ng lahat. Maging ang ina niya ay nakuha ang loob nito. Akalain mo ba namang mas kinakampihan pa nito si Abigale sa tuwing isinusumbong niyang sinaktan siya nito.

'I just don't want Abigale to say to her mama that we are not treating her right here. Isa pa, minsan na nga lang siyang dumalaw palagi pa siyang mapapagalitan ng papa niya. Ayaw kong magtanim siya ng sama ng loob. At sa tingin ko naman ay hindi ka niya aawayin ng walang dahilan e. Kilala kita Rio, anak kita.'

Magmula ng sabihin iyon sa kanya ng ina niya ay itinakwil niya na ito. Kaya naman ng magka-bukingan na sa kanilang bahay na hindi siya tunay na anak nito. Ay mag-isa siyang lumayas dala ang ninakaw niyang pera na para sana ay ipapamana kay Abigale. Nagkahiwalay na sila ng landas ng kanyang ina.

"Nasaan na kaya 'yung babaeng 'yon? Buhay pa kaya yun?" ang tinutukoy niya ay ang kanyang ina. Wala na siyang balita rito magmula ng maglayas siya.

Ginamit niya ang ninakaw na pera upang hanapin ang kanyang tunay na ama. Na sana ay hindi niya na lang daw sana ginawa. Malay niya bang nuknukan ng panget ang totoo niyang ama. Hindi niya nga alam kung paano ito nagkaroon ng dalawang gwapo na anak, si Ryuu at Jiro, samantalang napakasama talaga ng hitsura nito. Malapit na ngang mawalan ng mata sa labis na pagka-singkit ay drop-out pa ang ilang ngipin. Pati ngipin niya iniwan siya sa labis na kapangitan.

Eh ang kinilala niyang ama. Gwapo si Don Abner kahit na sabihing medyo may katandaan na ito noon. Nakikita niya sa mga litrato nito. Gwapo ito ng kabataan nito. Hindi na siya magtataka kung bakit marami itong naging asawa at nakalaguyo.

TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon